Angel Locsin reveals vlogging is her way of helping ABS-CBN's retrenched workers

Nov 29, 2020
Angel Locsin relief packs
For the past 11 years, actress-philanthropist Angel Locsin has been tirelessly helping people affected by various calamities.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, PEP file

Ang tuluy-tuloy na pagtulong ni Angel Locsin sa mga nangangailangan ay bahagi ng tungkulin niya bilang isang Pilipino.

Ito ang nilinaw ng 35-year-old actress tungkol sa pagiging aktibo niya sa pagtulong sa mga panahong kailangang-kailangan ito ng mga Pilipino.

“I’m just doing my part. Yun lang naman talaga yun,” sinabi ni Angel nang ma-interview sa ABS-CBN online talk show na We Rise Together nitong Biyernes, November 27.

Si Angel ang special guest sa 100th episode ng showni DJ Jhai Ho, kasama ang Kapamilya artists na sina Jeremiah Lisbo at Anthony Jennings.

“I'm sure lahat ng mga nandito ay ginawa rin naman nila yung part nila bilang isang Pilipino, bilang isang kapwa,” patuloy ni Angel.

“Iba tayong mga Pilipino, iba tayo magbayanihan.

“So bilang isang Pilipino, ginagawa ko lang din yung parte ko.

“At sana ma-inspire din yung ibang tao na gawin din ang parte nila.”

VLOGGING TO HELP RETRENCHED WORKERS

Sa parehong interview, inamin ni Angel na sumabak siya sa vlogging para mabigyan niya ng trabaho ang ilang na-retrench na empleyado ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kasama ni Angel sa pagproduce ng vlogs ang kanyang fiancé, ang film producer na si Neil Arce.

August 31, 2020 nang na-retrench ang libu-libong empleyado ng ABS-CBN matapos na pagkaitan ng Kamara ng bagong legislative franchise ang network noong July 10.

Una nang ipinasara ng gobyerno ang broadcasting unit ng ABS-CBN noong May 5 makaraang mapaso ang 25-taong prangkisa nito.

September 20, 2020 naman nang inilunsad ang Angel and Neil Channel sa YouTube.

“Nagkaroon ng retrenchment sa ABS-CBN, inisip namin, ‘Bakit hindi tayo gumawa ng vlog para mabigyan natin ng trabaho yung mga nawalan ng trabaho, kahit paano ay makapag-provide tayo?’

“So doon kami nagsimula,” kuwento ni Angel.

Bukod sa layuning makapagbigay ng pagkakakitaan, makakatulong din daw ang vlogs nina Angel at Neil para maipamulat sa publiko ang pagtulong sa kapwa.

“Para magamit mo rin yung platform mo to raise awareness or makapag-give back din sa mga tao,” dagdag ni Angel.

Continue reading below ↓

REACHING OUT TO CALAMITY-STRICKEN COMMUNITIES

Kilala si Angel sa agarang pagsaklolo nito sa mga biktima ng kalamidad, tulad ng bagyo at lindol.

Sinimulan niya ito noong 2009, nang malubog sa bahang dulot ng bagyong “Ondoy” ang malaking bahagi ng Metro Manila.

Ngayong buwan, nangunguna pa rin si Angel sa mga celebrities na tumulong sa mga naapektuhan sa magkasunod na pananalasa ng mga bagyong “Rolly” at “Ulysses.”

Sa mga sinalanta ng Rolly sa Bicol, nagkaloob si Angel ng PHP1,000 cash aid sa 1,000 indibiduwal na biktima ng pinakamalakas na bagyo ngayong 2020.

Kasunod ng pananalasa ng Ulysses, kumalat sa social media ang mga litrato ni Angel habang tumutulong sa paghahanda ng relief packs na ipamamahagi sa mga nasalanta.

FUNDRAISING VS COVID-19 PANDEMIC

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong April, nangalap ng cash donations si Angel at personal na nagtayo ng mga isolation tents sa mahigit 100 ospital sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng May, binuhay ni Angel—katuwang ang kapwa Kapamilya actress na si Anne Curtis—ang online auction initiative nilang Shop & Share.

Hinimok nina Angel at Anne ang mga kapwa celebrities na mag-donate ng kanilang personal items sa Shop & Share.

Ibinenta ni Angel ang kanyang sports utility vehicle (SUV) na 2015 Dodge Durango, habang idinonate naman ni Anne para sa project ang mga designer bags niya.

Ang lahat ng proceeds sa online auction ay ipinambili ng COVID-19 test kits para sa mahihirap na pamilya.

NO TO POLITICS

Dahil sa mistulang walang pagod na pagtulong na ito ni Angel, maraming pagkilala na ang kanyang natanggap.

Kabilang dito ang pagkakasama niya sa 2019 Heroes of Philanthropy list ng Forbes Asia magazine.

Curious din ang ilan kung may kinalaman sa pagsabak sa pulitika ang ginagawang pagtulong ni Angel.

Pero nilinaw ng actress-philanthropist na “wala sa utak” niya ang pulitika.

“Public servant naman po kami bilang mga artista, e,” sabi ni Angel sa isang Facebook Live chat noong May 1, 2020.

Continue reading below ↓

“Lahat naman ito ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung hindi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao.

“Pero politics? Hindi talaga,” natatawang paglilinaw ni Angel.

“Sobrang hindi. Wala, wala sa utak ko yun,” napapailing pang dagdag niya.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the past 11 years, actress-philanthropist Angel Locsin has been tirelessly helping people affected by various calamities.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results