Alden Richards reveals personal assistant Mama Ten tested positive for COVID-19 twice

by Arniel C. Serato
Nov 30, 2020
Alden Richards's wish for 2021: "Sana, vaccine comes out. 'Tapos as much as possible, as much as we want to say na sana bumalik na tayo sa normal, from the damages from the past almost nine months, para kasi tayong magri-rebuilt uli ng lahat, e."
PHOTO/S: Courtesy of Yvette Fernandez

Inamin ni Alden Richards na nakaranas siya ng anxiety attack nitong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Dalawang beses kasing nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang longtime personal assistant na si Tenten "Mama Ten" Mendoza.

Lahad ng actor-performer sa PEP Exclusives noong Biyernes, November 27, “Si Mama Ten po actually nag-positive siya.

“Nag-positive po siya sa virus twice, but it was a false positive result.

“Kasi parang, I don’t know their… may mga sinasabi pero hindi naman po official, na kapag may high blood ka daw, automatic when you do RT-PCR, you will become positive.”

Ang RT-PCR o Reverse Transcription-Polymerise Chain Reaction ay ang gold standard sa pagti-test kung mayroong COVID-19 virus ang isang tao.

Dagdag pa ng 28-year-old Kapuso star, “But I don’t know, that’s not what I know how swab testing works.

“Kasi swab testing especially may detect the COVID virus. I don’t know po kung may kinalaman sa external factors.

Continue reading below ↓

“But I’m just surprised with Mama Ten kasi wala siyang symptoms.

"Hindi po ako nag-positive ever sa RT-PCR and palagi ko siyang kasama, we live in one roof.

“So, weird lang po talaga minsan.”

ALEDEN'S REACTION

Ano ang naging reaksiyon ni Alden nang malamang nagpositibo sa COVID-19 si Mama Ten, na palagi niyang kasama?

Lahad ni Alden, “ Of course, nung first time na nag-positive siya, dun ako halos I’m quiet… siguro para ma-experience ko yung ganung klaseng episode ng buhay.

“Parang ano po, e, more over the positive, more over the symptoms, yung mental health yung at risk when you’re exposed, when you become positive.

"Kasi nakakapraning, honestly po nakakapraning siya.

“Number one, kahit sabihin man natin na huwag i-discriminate, minsan kasi may mga tao talagang nagdi-discriminate sa mga taong nag-positive for COVID, and that’s quite unfair to those people.

“'Tapos ang daming work na na-cancel, ang daming work na hindi nagawa.

Continue reading below ↓

“Missed opportunities when you needed the most. Kasi ngayon, parang ano po, e, you have to grab everything.

“Kasi ang hirap mag-say no kasi ang dami ngang nawalan ng trabaho, ang iniisip ko din at the same time.”

Pero sa pangalawang pagkakataon daw na nag-positive si Mama Ten, hindi na siya masyadong napraning.

Saad ni Alden, “Dun sa second time na nag-positive si Mama Ten, parang hindi na po ako ganun. Wala na po ako sa episode na yun.

"After five days nag re-swab siya, and then the result is negative.

“So I don’t really know kung ano talaga ang magic ni RT-PCR.

“Bakit ganun po yung nangyayari sa kasama ko? Bakit ganun yung nangyari kay Mama Ten? Bakit parang false positive?"

WISH FOR 2021

Halos lahat ay inaasam na matapos na kaagad ang 2020 dahil sa pandemya at sunud-sunod na kalamidad na naranasan natin.

Ganito rin ang wish ni Alden sa taong 2021.

Continue reading below ↓

Aniya, “So yun sana, vaccine comes out. 'Tapos as much as possible, as much as we want to say na sana bumalik na tayo sa normal, from the damages from the past almost nine months, para kasi tayong magre-rebuilt uli ng lahat, e.

“So, yun sana for this year, for 2021, mas hahabaan ang pasensiya ng lahat. Sana mas habaan ang pasensiya ko.

“Para hindi tayo mapagod mag-recreate from what was destroyed because of what happened.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards's wish for 2021: "Sana, vaccine comes out. 'Tapos as much as possible, as much as we want to say na sana bumalik na tayo sa normal, from the damages from the past almost nine months, para kasi tayong magri-rebuilt uli ng lahat, e."
PHOTO/S: Courtesy of Yvette Fernandez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results