Liza Soberano wows netizens with sharp stunt moves after Darna training montage resurfaces

by Jet Hitosis
Nov 30, 2020
Liza Soberano Darna training
Netizens are surprised by how Liza Soberano does fight scenes and action stunts after the Kapamilya actress' training montage for the Darna project resurfaced on social media on Sunday, November 29.
PHOTO/S: @erwin.tagle.mma on Instagram

Muling nabuhay ang character ni Darna sa katauhan ni Liza Soberano.

Ito ay matapos kumalat sa social media nitong Linggo, November 29, ang lumang video ng training ng 22-year-old Kapamilya actress para sa pagganap sana sa papel ng Pinay superheroine.

May 30, 2017 nang kumpirmahin ni Liza ang noon ay matagal nang nababalita na siya ang napipisil para magbida sa Darna movie na ipo-produce ng Star Cinema.

Ang Star Cinema ang film production unit ng ABS-CBN Corporation.

Kaagad na sumabak sa mixed martial arts training si Liza.

Bahagi ito ng paghahanda para sa napakaraming stunts na gagawin niya bilang Darna.

BACKING OUT FROM DARNA MOVIE

Pero noong April 4, 2017, inanunsiyo ng ABS-CBN na nag-back out si Liza sa pagganap sa most coveted role.

Napilitan ang young actress na umurong sa project matapos madurog ang buto sa kanyang daliri habang nagte-taping para sa primetime series niyang Bagani.

Dahil sa aksidenteng iyon, hindi na magagawa ni Liza ang mga kinakailangang stunts para sa Darna.

Continue reading below ↓

Kinailangan din kasing operahan ang daliri ng young actress, na obligadong magpahinga at magpagaling pagkatapos.

July ng taong iyon, napili ng ABS-CBN si Jane de Leon bilang kapalit ni Liza sa Darna movie.

August 2020, inihayag ng ABS-CBN na hindi muna matutuloy ang pagpapalabas sa pelikulang Darna dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero nitong Huwebes, November 26, sinabi ng ABS-CBN na matutuloy na si Jane sa Darna project.

Gayunman, gagawin munang TV series ang Darna at pagkatapos ay ‘tsaka ito ipalalabas bilang pelikula.

LIZA SHOWS HER “ANGAS” in fight scenes

Nitong Linggo, November 29, ipinost sa Instagram ng mixed martial arts fighter na si Erwin Tagle ang training montage ni Liza para sa Darna.

Si Erwin ay bahagi ng stunt team na nagbigay ng mixed martial arts training kay Liza noon.

Tagged ni Erwin si Liza sa montage, kung saan makikita ang husay ng young actress sa paghawak ng chako, sa execution ng Muay Thai moves, at sa pagsasagawa ng fight scenes.

Continue reading below ↓

Liza Soberano Darna fight scenes

Sa comments section, marami ang napabilib sa husay ng stunts ni Liza.

Kabilang sa kanila ang actor-model na si Paolo Paraiso.

Komento ni Paolo: “Iba talaga tingin. Galing. [rock on emoji]”

Sinegundahan ni Erwin ang sinabi ni Paolo: “parang may heat vision tagos sayo pag tumingin [open eye emoji]”

Continue reading below ↓

Gaya nina Erwin at Paolo, napahanga rin kay Liza ang maraming netizens.

Para sa kanila, ang “angas” ng dating ni Liza.

Continue reading below ↓

“THE DARNA WE NEVER HAD”

Nanghinayang tuloy ang maraming fans ni Liza na hindi natuloy ang young actress sa pagganap sa iconic role ng Darna.

"Sayang" daw dahil ang "galing" pala ni Liza sa paggawa ng fight scenes.

Continue reading below ↓

Dahil dito, tinagurian nila si Liza na “The Darna we never had.”

Ang iba, iginiit na si Liza pa rin ang dapat magbida sa susunod na Darna project, kahit pa imposible na ito.

Continue reading below ↓

Matapos mapanood ang husay ni Liza sa paggawa ng stunts, nag-suggest ang netizens na sana raw ay magbida ang young actress sa isang action movie.

Naniniwala silang babagay sa Kapamiya actress ang ganoong role.

“Nakakahinayang” daw kasi ang “talent” ni Liza, na nakita ng lahat sa training montage.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Narito ang training montage mula kay Erwin, na ni-repost sa Twitter ng Kapamilya Online World nitong Linggo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are surprised by how Liza Soberano does fight scenes and action stunts after the Kapamilya actress' training montage for the Darna project resurfaced on social media on Sunday, November 29.
PHOTO/S: @erwin.tagle.mma on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results