Super Tekla takes a break from love after bad breakup

by Arniel C. Serato
Dec 1, 2020
Super Tekla breakup
Comedian Super Tekla on finding new love: "Ipalagay ko muna ang puso ko na maging matibay siya ulit kahit sugatan pa siya.”
PHOTO/S: Courtesy: @backyardproductionsofficial on Instagram

Magpapahinga muna sa pag-ibig si Super Tekla—Romeo Librada sa tunay na buhay—matapos silang maghiwalay ng dating kinakasamang si Michelle Bana-ag.

Halos anim na taong nagkarelasyon sina Super Tekla at Michelle. Nagbunga ang kanilang relasyon ng isang anak, si Baby Angelo.

Sa segment na "May Pa-presscon" ng The Boobay And Tekla Show (TBATS) noong Linggo, November 29, inusisa ng co-host niyang si Boobay at ng Mema Squad si Super Tekla kung magiging malamig ba ang Pasko niya.

Seryosong tugon ni Tekla, “Honestly, magiging malamig. Malamig na malamig.

“Pero hindi naman malamig na may lungkot, siyempre that’s normal, kasi ipapahinga ko muna yung puso ko.”

Paano niya ipagdiriwang ang araw ng Pasko?

Sagot ng 38-year-old comedian, “Isi-celebrate, kaya namang painitin ang malamig na Pasko sa pamamagitan ng mga tao na umaasa sa akin.”

Handa na ba siyang magmahal muli?

Saad ni Tekla, “Honestly, ayaw ko namang maging ipokrito, ayaw ko naman maging robot kasi I’m a human being.

Continue reading below ↓

“Pero sa ngayon, as in kasi pag ako magmahal, ako matatag, mahaba, no matter what.

“Kahit ano mang sakripisyo ang pagdadaanan ko, susuungin ko as long as minahal ko siya, naitatawid ko 'yan.

“Pero sa nangyari, talagang sobrang-sobrang double dead yung puso ko na. Sobrang nasaktan, sobrang nayurak.

“It’s time, healing process muna kasi, at saka naniniwala ako na ang gamot sa sugatang puso ay hindi pag-ibig.

"Pero in a way talaga na maraming klaseng pag-ibig, e, ang pwede mong i-offer para mag-heal yung heart mo.”

Dagdag pa niya, baka matagalan pa bago siya magmahal muli.

Aniya, “It takes time kasi darating din naman yung ano, e...

"Mahirap kasi iano mo uli ang puso mo na sugatan pa, nasa healing process ka pa, 'tapos papasok ka na uli ng [relasyon], so another adjustment.

“Ipalagay ko muna ang puso ko na maging matibay siya ulit kahit sugatan pa siya.”

BABY ANGELO

Biniro naman nina Boobay si Tekla kung sino ba ang mami-miss niya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Tekla, ang anak niyang si Baby Angelo ang mami-miss niya dahil kasalukuyan itong nasa kustodiya ni Michelle.

“Mami-miss? Oo, ma-miss ko siya, kasi wala siya sa piling ko, e.

“Alam mo kung sino? Ayaw kong umiyak, kasi iniyak ko na lahat, e.

"Pero yun ang pinaka na-miss ko talaga, kasi hindi ko alam kung paano siya mag-stand kasi napakamurang edad pa niya.

“Di ko alam kung maibibigay talaga ang tamang care for him.

“Na sana nandun ako. Na from time to time, gaya ng ginawa ko, first month nung nasa hospital siya. Lahat ng oras nakakatutok ako.

"Yung ngayon, hindi ko na siya pwedeng gawin kasi dahil sa nangyari.

"Kasi dati, in two months na na-save ko siya, wala ako ni isang minuto na pinalagpas na ibinigay sa kanya, kahit anong puyat ko, kahit anong pagod ko.

“Siya ang mami-miss ko nang sobra.

"Kaya para hindi ako masaktan, hindi ko siya kinakausap kasi madudurog lang lalo ang puso ko.”

Continue reading below ↓

Napagkasunduan naman daw nila ni Michelle na anumang oras at araw ay maaari niyang hiramin si Baby Angelo.

Noong Oktubre, inakusahan ni Michelle si Super Tekla ng kahalayan on national television, sa pamamagitan ng Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo.

Mariin itong itinanggi ng komedyante.

Hanggang sa umatras si Michelle sa mga bintang nito sa dating kinakasama.

Ngayon, tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Super Tekla on finding new love: "Ipalagay ko muna ang puso ko na maging matibay siya ulit kahit sugatan pa siya.”
PHOTO/S: Courtesy: @backyardproductionsofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results