Ogie Diaz to celebrity asking for his help: “No. Yes to ABS-CBN shutdown siya. Sorry.’”

by Jet Hitosis
Dec 1, 2020
Ogie Diaz faces
Host-talent manager Ogie Diaz on refusing to help celebrities and friends who favored the ABS-CBN shutdown: “Kung sino yung mga kakilala ko o kaibigan na nag-yes to shutdown, hindi ko kayo ige-guest. Ang kakapal ng mukha! Nagpapabati kayo sa DZMM, 'tapos yes to shutdown kayo. Hello?! Ang labo!”
PHOTO/S: Ogie Diaz on Facebook

Hayagang tinanggihan ni Ogie Diaz na mag-guest sa kanyang vlog ang isang celebrity na bida sa isang pelikulang kalahok sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang dahilan ng 50-year-old host-talent manager? Pinaboran daw kasi noon ng celebrity ang pagpapasara sa ABS-CBN.

May weekly showbiz-oriented show si Ogie sa DZMM—ang flagship radio station ng ABS-CBN Corporation—nang magsara ang istasyon noong Agosto.

Ito ay ang OMJ, kung saan ka-tandem ni Ogie ang ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

May 5, 2020 nang iniutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang tigil-operasyon ng broadcasting unit ng network makaraang mapaso ang legislative franchise nito.

Ang prangkisang ito, tuluyang ipinagkait ng 70 kongresista noong July 10 nang bumoto sila para ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Maraming Kapamilya artists ang naapektuhan nito, kabilang ang talent ni Ogie na si Liza Soberano.

Dahil dito, isa si Ogie sa mga Kapamilya na masugid na dumepensa para sa network.

Continue reading below ↓

Nang mga panahong iyon, hating-hati ang netizens sa dalawang panig: ang “No to ABS-CBN shutdown” at “Yes to ABS-CBN shutdown.”

“NO. YES TO ABS-CBN SHUTDOWN SIYA.”

Bilang masugid na tagapagtanggol ng kanyang home network, hindi na ikinagulat ng 499,705 Facebook followers ni Ogie ang post niya nitong November 27.

Malinaw na blind item iyon, dahil hindi pinangalanan ni Ogie ang artistang tinutukoy niya.

Kuwento ni Ogie, ang promo coordinator ng pelikulang pinagbibidahan ng celebrity ang lumapit sa kanya.

Nakisuyo ang coordinator kung pupuwedeng i-guest ni Ogie sa vlog nito ang celebrity para mai-promote ang entry nito sa 2020 MMFF.

Ang YouTube channel ni Ogie ay may 1.66 million subscribers.

Post ni Ogie (published as is): “Asking for my support ang isang namamahala ng isang movie for the filmfest.

“Baka daw pwede kong i-guest at interbyuhin sa aking youtube channel yung isang bida doon.

“Sabi ko nang wala nang paligoy-ligoy pa, ‘No. Yes to ABS-CBN shutdown siya. Sorry.’”

Continue reading below ↓

Ayon kay Ogie, kung kumpiyansa naman ang celebrity na maganda ang pelikula nito, hindi na kailangan pang mag-promote ito sa kanyang channel.

“Kung maganda naman yung movie niya, hindi naman niya ako kailangan.

“Kikita pa rin yan.”

Gaya ng karaniwang blind item, nasa dulo ng post ang clue ni Ogie: “Sana lang, mahusay na siyang umarte. [three peace sign emojis]”

Continue reading below ↓

“NAGPAPABATI SA DZMM TAPOS YES TO SHUTDOWN KAYO?”

Sa vlog ni Ogie nitong Lunes, November 30, nagpaliwanag siya tungkol sa pagtanggi niyang tulungan ang artistang pabor sa pagsasara ng ABS-CBN.

“Firm ako diyan and that's my stand,” sabi ni Ogie.

“At kung sino yung mga kakilala ko o kaibigan na nag-yes to shutdown, hindi ko kayo ige-guest.”

Special mention pa ni Ogie ang mga kaibigan niyang madalas daw noong magpabati sa kanyang radio program sa DZMM.

“Lalo na yung mga pabati-pabati sa akin sa DZMM. Ang kakapal ng mukha!

“Nagpapabati kayo sa DZMM, tapos yes to shutdown kayo. Hello?! Ang labo!” sabi ni Ogie.

Tulad sa kanyang Facebook post, pinili ni Ogie na hindi pangalanan ang artistang ikinukuwento niya.

Gayunman, sa dulo ng vlog ay may pahabol na clue si Ogie: Totoo raw kayang naglilingkod sa bayan ang celebrity, tulad ng paglilingkod na ginagawa ng ABS-CBN sa publiko?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Host-talent manager Ogie Diaz on refusing to help celebrities and friends who favored the ABS-CBN shutdown: “Kung sino yung mga kakilala ko o kaibigan na nag-yes to shutdown, hindi ko kayo ige-guest. Ang kakapal ng mukha! Nagpapabati kayo sa DZMM, 'tapos yes to shutdown kayo. Hello?! Ang labo!”
PHOTO/S: Ogie Diaz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results