Kapuso Alden Richards says he never thought of transferring to another TV network

by Rachelle Siazon
Dec 2, 2020
Alden Richards on being a solid Kapuso star: "They trust me so much with a lot of things. The only thing that I can give them is my loyalty."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

"Masasabi ko talaga na tatanda na ako with GMA."

Ito ang kumpiyansang pahayag ni Alden Richards tungkol sa kanyang pagiging solid Kapuso.

Sa pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo niya sa showbiz, nasabi ni Alden na walang pagkakataon sa kanyang career na naisipan niyang lumipat ng TV network.

Hindi raw kasi siya pinabayaan ng GMA-7 kahit ano pang pinagdadaanan niya sa kanyang karera.

Sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

"Every time na magkakaroon ng mga parang problems, minsan I really reflect with myself why I stay with GMA.

"They've always believed in me no matter how I do in the business, how I do in the projects that I do with them.

"Parang, yung result nun, kahit hindi maganda, they've always given me all-out support. It's unwavering."

Kaya buo rin daw ang loyalty na ibinibigay ni Alden sa kanyang home network.

"They trust me so much with a lot of things. The only thing that I can give them is my loyalty.

Continue reading below ↓

"So because of that trust and love and support they've given me all throughout those ten years, who am I to look for other networks or to transfer to another network?

"That's so ungrateful.

"Parang siguro, now that I am on my tenth year, masasabi ko talaga na I will grow old with them."

Nakapanayam si Alden ng PEP.ph sa Summit Sandwich Sessions noong Biyernes, November 27.

ALDEN'S ACCOMPLISHMENTS IN SHOWBIZ

Bago nakapasok ng showbiz si Alden, dumanas muna siya ng pagkabigo nang hindi siya natanggap sa auditions ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother at GMA reality show na StarStruck.

Una siyang nakasungkit ng role sa telebisyon sa 2011 Kapuso afternoon drama series na Alakdana, na pinagbidahan nila nina Louise delos Reyes at Paulo Avelino.

Unang sabak pa lang noon ni Alden sa aktingan ay napansin na ang kanyang breakthrough performance ng iba't ibang award-giving bodies noon.

Nagpakitang-gilas din si Alden sa kanyang offbeat role bilang psychotic killer sa GMA Films movie na The Road noon ding 2011.

Continue reading below ↓

Mula noon ay sunud-sunod na ang proyekto ni Alden bilang lead actor sa GMA-7.

Nakilala siya sa mga romance-drama series na pinagtambalan nila ni Louise, ang One True Love (2012) at Mundo Man Ay Akin (2013).

Natatangi rin ang pagganap ni Alden bilang Jose Rizal sa 2014 Kapuso teleserye na Ilustrado.

Pagkatapos ay naitambal siya kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa teleseryeng Carmela noong 2014.

Lalo pang kuminang ang bituin ni Alden sa phenomenal teamup nila ni Maine Mendoza, o mas kilala bilang AlDub, sa record-breaking "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! noong 2015 hanggang 2016.

Bumida rin ang AlDub sa teleseryeng Destined To Be Yours at pelikulang Imagine You and Me.

Nabigyan din si Alden ng solo projects sa mga teleseryeng Victor Magtanggol at The Gift.

Record-holder naman bilang highest-grossing film ang Hello, Love, Goodbye, na pinagbidahan ni Alden at ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

ON KEEPING HIS FEET ON THE GROUND

Pero sa kabila ng tagumpay ni Alden sa kanyang showbiz career, hindi raw niya iyon pinapasok sa kanyang ulo.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng 28 anyos na aktor: "Siguro it's about staying true to yourself no matter how many accomplishments or recognitions you get.

"Ayaw na ayaw kong iwan yung Alden Richards before when he was starting.

"Kasi in the past 10 years that I've been here, I see people that came in, came out, changed, remained the same...

"'Tapos andami ko po nakita at na-experience na moments during my stay here.

"But I guess, kung ano ka talaga, yun talaga ang lalabas. You don't have to pretend.

"Siguro that's the one thing that I keep in mind—don't pretend to be someone you're not.

"So, yun lang siguro kaya ganito pa rin tayo."

Huling napanood si Alden sa "Love In The Balcony," episode ng I Can See You drama anthology ng GMA-7.

Regular din siyang napapanood bilang co-host ng blocktimer noontime show na Eat Bulaga.

Para sa kanyang tenth anniversary sa showbiz, magkakaroon si Alden ng solo virtual concert na Alden's Reality sa December 8. Available ang tickets sa GMA Synergy website.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on being a solid Kapuso star: "They trust me so much with a lot of things. The only thing that I can give them is my loyalty."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results