Michele Gumabao, Rabiya Mateo, Shamcey Supsup reunite in thanksgiving party

by Bernie V. Franco
Dec 2, 2020
Michele Gumabao and Rabiya Mateo photo
(Left photo) Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup (third from left), Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (fourth from left), and second runner-up Michele Gumabao (farthest right) all in one frame during the thanksgiving party of the national pageant organization. (Right photo) Rabiya and Michele side-by-side during a photo-op.
PHOTO/S: @theqrownph on Instagram

Sisters unite.

Muling nagkasama-sama sa isang thanksgiving party ang winners at officials ng Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Patunay lamang na sa kabila ng pinagdaanan nilang kontrobersiya, mas nangibabaw ang kapatiran ng beauty queens.

Ginanap ang thanksgiving party ng Miss Universe Philippines (MUP) Organization sa Hilton Hotel, Newport City, Pasay, gabi ng Martes, December 1, 2020.

Kumpleto ang winners ng national pageant: sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Ismael, second runner-up Michele Gumabao, third runner-up Pauline Amelincx, at fourth runner-up Billie Hakenson.

Naroon din ang MUP Organization officials: sina national director Shamcey Supsup at creative and events director Jonas Gaffud.

Agaw-pansin ang ilang kuha na makikitang magkatabi sina Rabiya at Michele, at sa iba pang kuha ay kasama rin nila si Shamcey.

Dawit ang tatlo sa kontrobersiyal na national pageant na ginanap noon lamang Oktubre.

MICHELE POSTS VIDEO WITH RABIYA

Sa kanyang Instagram Story kagabi, nag-post ng video si Michele kasama ang kanyang fellow winners na sina Billie, Pauline, Ysabella, at Rabiya.

Continue reading below ↓

Makikitang magkakasama ang lima, at nagtatawanan, sa iisang dining table.

Naka-tag sa video ang fellow titleholders ni Michele, kabilang na si Rabiya.

Rabiya Mateo Michele Gumabao

Sa pagsilip sa Instagram account ni Michele, naka-follow siya kay Rabiya, at naka-follow rin si Rabiya kay Michele.

Inisyu ng netizens noon na hindi pina-follow ni Michele si Rabiya, at pinagbasehan pa ito ng ilan na hindi raw magkasundo ang dalawa.

Continue reading below ↓

Sa isang video naman na ipinost ng isang road manager, makikitang magkatabi pa sina Michele at Rabiya habang nagpapa-picture.

Michele Gumabao Rabiya Mateo together

Matapos ang kontrobersiyal na national pageant, hindi maiwasang ikumpara sina Michele at Rabiya. Nag-away pati supporters nila.

Kagabi ay nag-post din ng larawan si Shamcey kasama ang titleholders.

Caption niya rito: “Proud of these girls.”

Continue reading below ↓

Sa kasagsagan ng Miss Universe Philippines 2020 grand coronation, nagpatutsada si Sandra Lemonon ng Taguig City na may nangyari umanong dayaan sa national pageant.

Nabahiran pa lalo ng kontrobersiya ang pageant nang hindi sumipot si Michele sa press conference ng winners, kaya’t pinaratangang masama ang loob nito dahil hindi siya ang nanalo.

Sina Michele at Sandra ay matalik na magkaibigan.

Kasunod nito, nagkaroon ng makahulugang post si Shamcey na pinaniniwalaan ng pageant fans na sagot sa paratang ni Sandra.

"To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility -- these are the marks of a true QUEEN,” post ni Shamcey, na hinirang na Miss Universe 2011 third runner-up.

May ganito ring tweet si Mary Jean “MJ” Lastimosa, na malinaw na pumapanig kay Shamcey.

Si MJ, Top 10 finalist sa Miss Universe 2015, ay nagsilbing hurado sa preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2020.

Samantala, sa thanksgiving party kagabi ay nag-post din ng video si MJ kasama si Michele.

Continue reading below ↓

Higit isang buwan na ang nakalilipas nang mangyari ang pinag-usapang national pageant, pero hindi pa rin tumitigil ang mga kritiko sa pamumuna sa mga nasangkot sa isyu, partikular sina Michele at Rabiya.

May mga pagkakataon pa ring sumasagot si Michele sa mga ipinupukol na akusasyon sa kanya.

Kamakailan naman ay ipinagtanggol pa niya si Rabiya mula sa ibang netizens na pinupuna siya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup (third from left), Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (fourth from left), and second runner-up Michele Gumabao (farthest right) all in one frame during the thanksgiving party of the national pageant organization. (Right photo) Rabiya and Michele side-by-side during a photo-op.
PHOTO/S: @theqrownph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results