Anthony Taberna cries while watching video of leukemia-stricken daughter's head being shaved

by Arniel C. Serato
Dec 2, 2020
Anthony Taberna Zoey Taberna leukemia
Anthony Taberna when he learned that his eldest daughter Zoey Taberna has leukemia: "Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan."
PHOTO/S: Courtesy: Anthony Taberna on Facebook

Bumuhos ang dasal ng netizens para sa panganay na anak ng broadcaster na si Anthony Taberna na si Zoey dahil karamdaman nitong leukemia.

Si Anthony at asawang si Rossel Taberna ay may dalawang anak: sina Zoey at Helga.

Dalawang magkasunod na post sa Facebook at Instagram ang ibinahagi ng DZRH anchor ngayong Miyerkules, December 2.

Ayon kay Anthony, nagpakalbo ngayong araw si Zoey dahil nalalagas na ang buhok nito na epekto ng chemotherapy.

Saad ng Dos Por Dos host, “Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito.

“Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy.

“Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako."

Inamin ng broadcaster na hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha habang pinapanood ang video kung saan kinakalbo ang anak.

Continue reading below ↓

Ngunit hanga raw si Anthony sa tapang ng kanyang panganay na anak.

“Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey.

"At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha.

"Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey.

"Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin.

"Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey"

Continue reading below ↓

ZOEY DIAGNOSED WITH LEUKEMIA A YEAR AGO

Sa isa pang post, ibinahagi ni Anthony kung paano nila nalamang may leukemia si Zoey.

Sabi niya, “Eksaktong isang taon na pala mula nung subukin ang aking pamilya ng isang karanasang hindi namin makakaya kung kami lamang.

“Bandang alas dos ng madaling araw, ginising ako ni Zoey na umiiyak dahil napakasakit daw ng kaniyang mga binti hanggang sa kaniyang hita.

“Nanalangin kami ng taimtim sa Ama at saka nagpasyang magtungo sa Delos Santos Medical Center.

“Andun kaagad ang aking Kumpadreng Doktor, si Doc Frank Detabali.

“Inasikaso kami pati ng kaniyang anak na Doktor din na aking inaanak na si Paola.”

Ang akala nila ay simpleng karamdaman lang ito na may kaugnayan sa buto. Hindi nila naisip na mas malala pa pala ito sa kanilang inakala.

Lahad ni Anrhony, “Si Doc Frank ay isang orthopedic surgeon, akala kasi namin ay isang sakit na may kinalaman sa buto ang sanhi ng mga kirot na idinadaing ni Zoey.

Continue reading below ↓

“Ngunit mas malubha pala (crying emojis).

“Si Zoey ay inilipat namin sa katabing hospital na St Lukes sa pangangalaga ni Doc Allan Robert Racho.

“Doon nakumpirma, ang aming panganay ay may bone marrow disease na sa bandang huli ay natukoy bilang LEUKEMIA.

“Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan."

PRAYERS FOR HEALING

Hindi raw sila tumigil sa kakadasal sa Itaas upang pagalingin ang karamdaman ng anak.

“Walang tigil ang aming pananalangin, kahit gusto sana naming ikubli sa aming anak ang pagluha upang ipakita sa kaniya na kami’y matapang at malakas subalit tuwing kami’y dudulog sa Diyos ay hindi maiwasan na kami’y tumangis.

“Ang pangunahing laman ng aming ang mga pagdaing - alisin ang kirot at hapdi at kung puwede ay ako na lamang bilang ama ang magdanas para sa aming anak.

“Oo nga at may magaling na Doktor, oo nga at merong mga gamot at pasilidad subalit lahat ay walang halaga kung hindi ipapahintulot ng Diyos na si Zoey ay gumaling.

Continue reading below ↓

“Pabalik balik ang aming anak sa ospital subalit ang hindi namin kinalimutan ay ang tagubilin ng aming Namamahala, ang Kapatid na Eduardo Manalo na ipagpatuloy ang pagpapanata at pagpapahid ng langis kay Zoey na kalooban ng Panginoong Diyos.”

Pasalamat lang daw sila na patuloy na umaayos ang kalagayan ng anak.

Aniya, “Sa ngayon, patuloy na gumagaling si Zoey.

“Isang taon mula nang gisingin niya ako noong December 2 ng madaling araw, gising na gising ang aking kamalayan kung gaano kahalaga ang buhay ng tao subalit sa isang iglap ay andyan lagi ang takot na maaaring mawala ito."

Mensahe pa ni Anthony para sa anak: “Salamat sayo, Anak... Zoey... inspirasyon ka namin dahil sa yong katapangan at lakas.

"Wag kang mag-alala, maganda ka pa rin! Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo at ni Helga.”

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna when he learned that his eldest daughter Zoey Taberna has leukemia: "Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan."
PHOTO/S: Courtesy: Anthony Taberna on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results