Bettina Carlos says she married Mikki Eduardo "twice and on the same day"

by Rachelle Siazon
Dec 3, 2020
Bettina Carlos, Mikki Eduardo
Former actress Bettina Carlos after tying the knot with non-showbiz beau Mikki Eduardo: "Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride."
PHOTO/S: Jay Jay Lucas via @abettinacarlos / @mikki.e.eduardo Instagram

Pabirong nagpakilala si Bettina Carlos bilang "COVID bride" matapos ikasal sa non-showbiz fiancé niyang si Mikki Eduardo.

Si Bettina ay dating GMA-7 star at co-host sa cooking show na Idol Sa Kusina. Napanood din siya bilang supporting cast member sa mga teleseryeng Sa Piling Ni Nanay, Because of You, at My Husband's Lover.

Pero tatlong taon nang hindi aktibo si Bettina nang piliin niyang mag-focus sa kanyang baking at restaurant business.

Sa kanyang Instagram post noong Miyerkules ng gabi, December 2, inanunsiyo ni Bettina na dalawang beses silang ikinasal ni Mikki sa Tagaytay Highlands.

Ginanap ang wedding ceremony sa garden na may view ng Taal Lake, at sa katabing cabin na may function room ang wedding reception.

Hindi direktang nabanggit ni Bettina, pero tila sa function room nangyari ang ikalawang wedding ceremony nila ni Mikki.

Caption ng post ni Bettina, "For some reason I knew in my heart I was going to get married this year....

"BUT I did not expect it to be TWICE and on the same day.

"Thankfully to the same man.

"Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride."

Continue reading below ↓


Idinaan din ni Bettina sa Bible verses ang kasiyahan niyang makaisang-dibdib si Mikki, na itinuturing din niyang best friend.

Quote ni Bettina, "It will no longer be said to you, 'Forsaken,' Nor to your land will it any longer be said, 'Desolate'; But you will be called, 'My delight is in her,' And your land, 'Married'; For the Lord delights in you, And to Him your land will be married.'"

Continue reading below ↓

Excited na dagdag niya, "AHHHH THANK YOU LOOOOORD!!!!!!"


FINDING LOVE DURING QUARANTINE

Low-key sina Bettina at Mikki tungkol sa detalye ng kanilang love story.

Pero mahihinuha sa kanilang social media posts na pareho silang kabilang sa kongregasyon ng Christian Fellowship Community (CCF).

Continue reading below ↓

Tila nitong kasagsagan ng COVID-19 quarantine nabuo ang pagtatangi nila sa isa't isa, base sa isang post ni Mikki na ang "first date" nila ni Bettina bilang "official couple" ay nito lang lockdown.

Nagluto raw si Bettina ng Korean-inspired dinner sa bahay ng kanilang "mentors" at common friends.

Hindi raw iyon malilimutan ni Mikki dahil natanggal pa ang suwelas ng kanyang sapatos na matagal hindi nagamit dahil sa quarantine.

Hanggang sa noong August 14, 2020, pormal na ipinakilala ni Bettina si Mikki bilang kanyang nobyo.

Sabi ni Bettina: "For years I have prayed to the Lord for a man who 'is already who he should be' yung Okay na. Ayos na. 'Wala na kong babaguhin.'

"LORD pwede po ba KUNG MAAARI LANG NAMAN LORD yung ibibigay Mo po ung natrain mo na?

"Yung di ko na po kailangang turuan paano mamahalin at pakikisamahan ang anak ko???"

Tinugon daw ng Diyos ang dasal ni Bettina dahil umpisa pa lang ay magkasundo na agad ang nine-year-old daughter niyang si Gummy at si Mikki.

Continue reading below ↓


the ENGAGEMENT

Makalipas ang dalawang buwan, noong October 7, nag-propose si Mikki ng kasal kay Bettina.

Bago iyon ay ipinaalam daw ni Mikki ang proposal niya sa ama ni Bettina.

Siniguro rin ni Mikki na dumalo sa proposal hindi lang ang pamilya ng binata kundi pati ang mga magulang, mga kapatid, at malalapit na kaibigan ni Bettina.

Continue reading below ↓

Nang mga sumunod na linggo, ilang beses pang nag-bonding ang pamilya nina Bettina at Mikki sa noo'y future home ng couple.

Sa isang vlog ni Bettina, sinabi ng anak niyang si Gummy na masaya itong makasal ang ina kay Mikki.

Humirit pa si Gummy na gusto raw niyang magkaroon na ng kapatid sa 2021.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChik

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress Bettina Carlos after tying the knot with non-showbiz beau Mikki Eduardo: "Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong COVID bride."
PHOTO/S: Jay Jay Lucas via @abettinacarlos / @mikki.e.eduardo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results