Manny Pacquiao sworn in as ruling PDP-Laban president more than a year before 2022 polls

by Jet Hitosis
Dec 3, 2020
Manny Pacquiao, Koko Pimentel, Lord Allan Velasco, PDP-Laban oathtaking
Senator Manny Pacquiao (left) on December 2 gets sworn in as the ruling PDP-Laban national president, together with House Speaker Lord Allan Velasco (second from right) as the party's executive vice president. The oath-taking was facilitated by Senator Koko Pimentel (second from left).
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram, Ron Munsayac of PDP-Laban

Anong posisyon sa gobyerno ang pupuntiryahin ni Senator Manny Pacquiao sa 2022 elections?

Ito ang curious na tanong ng marami makaraang manumpa ang 41-year-old boxing champ-politician bilang presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Ang PDP-Laban ang political party ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Miyerkules ng gabi, December 2, nang manumpa si Pacquiao bilang bagong PDP-Laban national president.

Kasama ni Pacquiao na nag-oathtaking si House Speaker Lord Allan Velasco, na itinalagang executive vice president ng partido.

Nanumpa sina Pacquiao at Velasco sa harap ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa isang events place sa Quezon City.

Si Pimentel ang dating PDP-Laban president, ang posisyong pinanghahawakan ngayon ni Pacquiao.

Matapos palitan ni Pacquiao, si Pimentel na ngayon ang executive vice chairman ng partido.

Si Pangulong Duterte ang chairman ng PDP-Laban.

TASK: “TO PREPARE THE PARTY FOR 2022 ELECTIONS”

Kinumpirma ito ni Ron Munsayac, executive director ng PDP-Laban, sa ipinadalang Viber message sa media nitong Miyerkules.

Continue reading below ↓

“Senator Koko Pimentel has passed on the practical day-to-day leadership of the Party to one with new, ‘modern’ ideas and one who has the time, energy, and boldness to prepare the Party for the 2022 national and local elections,” sabi ni Munsayac.

“Senator Koko Pimentel is now Executive Vice Chairman of the Party and will work very closely with our Chairman President Duterte, National President Sen. Manny Pacquiao, and Executive Vice Presidential Speaker Lord Velasco,” dagdag ni Munsayac.

Manny Pacquiao, Koko Pimentel, Lord Allan Velasco, PDP-Laban oathtakingSenator Koko Pimentel swears in House Speaker Lord Allan Velasco and Senator Manny Pacquiao as new PDP-Laban officials.

Continue reading below ↓

Nagtalaga ng bagong matataas na opisyal ang PDP-Laban mahigit isang taon bago ang national and presidential elections sa May 2022.

Sa parehong taon, magtatapos ang six-year-term ni Pacquiao, na nahalal na senador noong 2016.

Ibig sabihin, maaaring asintahin ni Pacquiao ang reelection para sa panibagong termino sa Senado, o pupuwede rin siyang kumandidato sa mas mataas na posisyon sa 2022.

PACQUIAO FOR PRESIDENT?

Matagal nang usap-usapan ang plano raw ni Pacquiao na kumandidato sa pagkapresidente ng bansa.

Pero walang anumang direktang kumpirmasyon mula sa athlete-politician ang balitang ito.

Noong June 7, 2020, ibinalita ng UK-based tabloid na The Sun na kakandidato raw sa pagkapangulo si Pacquiao sa 2022.

Ang dating boxing promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ang source ng nabanggit na balita.

Ayon sa The Sun report, sinabi raw ni Arum kay World Boxing Council President Mauricio Sulaiman ang tungkol sa political plans ni Pacquiao sa 2022.

Quoted ng The Sun si Arum: “The first president I think we’ll get as a fighter is little Manny Pacquiao, who told me, once again.

Continue reading below ↓

“I did a Zoom telephone call with him,’ Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration.”

Dati nang nabanggit ni Arum sa media ang plano raw ni Pacquiao na puntiryahin ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno pagkatapos nitong mahalal sa Senado.

Continue reading below ↓

Sa interview ng international entertainment website na TMZ.com kay Arum noong April 2015, sinabi rin ng boxing promoter na kakandidatong presidente ang Pinoy boxer sa 2022.

Sabi ni Arum sa TMZ tungkol kay Pacquiao: “He’s gonna be a president.

“He's gonna run for Senate in the Philippines in 2016 ... and then in 2022 or maybe later, he'll run for President of the Philippines.”

DUTERTE TO PACQUIAO: "GUSTO KITA GAWING PRESIDENTE"

Samantala, mismong si Pangulong Duterte ay kinukumbinsi si Pacquiao na kumandidato sa pagkapangulo.

Sinabi ito ni Duterte nang dumalo siya sa 39th birthday party ng senador sa KCC Convention Center sa General Santos City noong December 2017.

Quoted ng Inquirer.net ang pakikipag-usap daw ni Duterte kay Pacquiao:

“Sabi ko sa kanya one time… kami lang dalawa nag-usap, 'Gusto kita gawing presidente. Alam mo kaya mo,’" anang Pangulo.

Bago naging senador noong 2016, nakadalawang termino bilang congressman ang eight-division world boxing champion.

Continue reading below ↓

Nahalal siyang kinatawan ng Sarangani sa Kamara noong 2010 at 2013.

Ang Sarangani ang probinsiya ng misis niyang si Jinkee Pacquiao.

Taong 2013 din nang nahalal si Jinkee bilang vice governor ng Sarangani. Iyon ang una at huling sabak ni Jinkee sa pulitika.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao (left) on December 2 gets sworn in as the ruling PDP-Laban national president, together with House Speaker Lord Allan Velasco (second from right) as the party's executive vice president. The oath-taking was facilitated by Senator Koko Pimentel (second from left).
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram, Ron Munsayac of PDP-Laban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results