Pia Wurtzbach, Darren Espanto, Vhong Navarro post message of support for Anthony Taberna's leukemia-stricken daughter

by Arniel C. Serato
Dec 3, 2020
Celebrities Zoey Taberna leukemia
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) to Zoey Taberna (center), daughter of broadcaster Anthony Taberna (right): "Kahanga hanga yung lakas ng loob nya na harapin ang pagsubok na to ng buong tapang. Magpagaling ka Zoey. In God's grace po malalampasan nyo rin ito.”
PHOTO/S: Courtesy: @piawurtzbach on Instagram / Anthony Taberna on Facebook

Nagkaisa ang maraming celebrities sa mundo ng showbiz sa pagpapahayag ng encouraging messages, pati na rin dasal, para kay Zoey Taberna.

Si Zoey, 12, ang panganay sa dalawang anak ng broadcaster na si Anthony "Ka Tunying" Taberna at ng asawa nitong si Rossel Taberna.

Na-diagnose na may leukemia si Zoey noong December 2, 2019.

Kahapon, eksaktong isang taon mula nang malaman ng pamilya ang karamdaman ni Zoey, nagbahagi si Anthony ng mahabang post sa Instagram at Facebook sa pinagdadaanan ng kanyang panganay.

Continue reading below ↓

Pumayag na rin si Zoey magpakalbo dahil nalalagas na ang buhok nito dulot na rin ng epekto ng chemotheraphy, bilang bahagi ng proseso sa paggagamot sa kanyang sakit.

Ayon sa DZRH anchor, akala niya ay malakas siya at matibay, ngunit marupok daw siya pagdating sa pinagdadaanan ng anak.

MESSAGE OF SUPPORT FROM CELEBRITIES

Sa nasabing post, bumuhos ang simpatiya ng celebrities para kay Zoey.

Continue reading below ↓

Kabilang na rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Mensahe ni Pia, “Unless I am mistaken Ive never met your baby girl before but please pass my munting message that I admire her for her strength.

“Kahanga hanga yung lakas ng loob nya na harapin ang pagsubok na to ng buong tapang.

“Magpagaling ka Zoey. In Gods grace po malalampasan nyo rin ito.”

Pia Wurtzbach Zoey Taberna

Continue reading below ↓

Tumugon naman dito si Anthony. Ipinaabot niya sa anak ang mensahe ni Pia, at tuwang-tuwa raw si Zoey.

Aniya, “Maraming salamat Ma’am. I have just told Zoey about your message and it made her very happy.”

Anthony Taberna Pia Wurtzbach

Sumagot din si Zoey sa mensahe ni Pia.

Saad niya, “thank you so much po.”

Continue reading below ↓

Zoey Taberna Pia Wurtzbach

Mensahe naman ng Kapamilya singer na si Darren Espanto, “Stay strong Zoey! God bless you!”

Darren Espanto Zoey Taberna

Continue reading below ↓

“thanks so much. Zoey is a big fan,” tugon ni Anthony sa kanya.

Anthony Taberna Darren Espanto

Saad naman ni Zoey, “thank you po.”

Zoey Taberna Darren Espanto

Continue reading below ↓

Tatlong praying hands at heart emojis naman ang komento ni Vhong Navarro sa post ni Anthony.

Sagot ni Anthony, “salamat sayo Brother!!”

Vhong Navarro Anthony Taberna

Mensahe naman ni Marlo Mortel, “God bless you Zoey! You are an inspiration.

“Stay strong and always remember that God is our ultimate healer.

“Keep fighting a good fight of Faith. He hears our prayers.”

Continue reading below ↓

Marlo Mortel Anthony Taberna

“Maraming salamat Bro. Mag iingat ka palagi,” tugon ng Dos Por Dos host kay Marlo.

Anthony Taberna Marlo Mortel

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Zoey, “thank you po.”

Zoey Taberna Marlou Mortel

Mensahe ni Melai Cantiveros, “Ate Zoey galing naman.”

Ani Anthony, “Tenchu Momshie Melai.”

Melai Cantiveros Anthony Taberna

Continue reading below ↓

Sa ngayon, patuloy pa ring nakikipaglaban si Zoey sa karamdamang leukemia pero unti-unti na raw itong bumubuti.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) to Zoey Taberna (center), daughter of broadcaster Anthony Taberna (right): "Kahanga hanga yung lakas ng loob nya na harapin ang pagsubok na to ng buong tapang. Magpagaling ka Zoey. In God's grace po malalampasan nyo rin ito.”
PHOTO/S: Courtesy: @piawurtzbach on Instagram / Anthony Taberna on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results