Manny Pacquiao gives his children advice on how to deal with bashers 

by Rachelle Siazon
Dec 3, 2020
Senator Manny Pacquiao says he and his wife Jinkee maintain a close relationship with their children Michael and Jimuel who are both grown-ups now. On dealing with critics, Manny tells his children, "Ganun talaga. You cannot please everyone, so may mga ano talaga, mamba-bash sa 'yo. Intindihin niyo na lang iyan."
PHOTO/S: @jinkeepacquiao Instagram

Inamin ni Manny Pacquiao na may pagkakataong lubos na naapektuhan ang anak niyang si Michael nang minsang umani ito ng batikos sa social media.

Si Michael, 18, ay pangalawa sa limang anak ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Sumabak sa local music scene si Michael nang maglabas ito ng album, kunsaan may original composition itong rap song na "Hate."

Noong Agosto, nag-trend ang live performance ni Michael sa WISH 107.5 at umani ng 13 millions views sa YouTube.

Maraming netizens ang pumuri sa rapping skills ni Michael, pero mayroon ding mga kumuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang rapper.

Ayon naman kay Manny, ginagabayan niya ang mga anak pagdating sa pag-handle ng mga kritiko.

Lahad ng 41-year-old senator: "Yung anak ko kasi, especially si Michael, siyempre, hindi lahat ng nasa social media magsu-support sa 'yo, pupuri sa 'yo, may mga basher din.

"Minsan di niya ma-handle, minsan parang nalulungkot siya, umiiyak.

"Pero sinasabi ko, pinapaintindi ko sa kanila na, 'Ganun talaga. You cannot please everyone, so may mga ano talaga, mamba-bash sa 'yo. Intindihin niyo na lang iyan.'"

Continue reading below ↓

Base sa personal na karanasan ni Manny, sanay na raw siya sa mga batikos ng kanyang detractors.

"Sabi ko, 'Yung daddy niyo rin, from the beginning of my career until now, may bashers talaga.'

"Pero yung mga basher na yun, hindi ako galit sa kanila.

"Doon ako humuhugot ng inspirasyon para ipakita sa sarili ko na hindi ako ganun."

Sa interbyu, sinabi ni Manny na walang kaso sa kanya kung pasukin man ng mga anak niya ang mundo ng showbiz.

Ang iba pang anak nina Manny at Jinkee ay sina Jimuel, 19; Mary Divine Grace, 13; Queen Elizabeth, 11; at Israel, 5.

"Okay lang naman sa akin," ani Manny.

Nakapanayam si Manny ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang ilunsad ang boxing legend at senator bilang Philippine ambassador ng Mobile Legends: Bang Bang.

Isa itong sikat na mobile multiplayer online battle na gawa ng Shanghai Moontoon Technology Co. Ltd.

Continue reading below ↓

ON MISGIVINGS ABOUT SON JIMUEL'S LOVE FOR BOXING

Patuloy ni Manny, ang hindi niya 100 percent na aprubado ay ang amateur boxing career na tinatahak ng panganay na anak na si Jimuel.

Paliwanag ni Manny: "Labag lang sa loob ko yung boxing. Yung panganay ko gustong mag-boxing talaga, e. Gusto raw niya ma-experience yung boxing, so sige lang.

"Pero kung ako ang tatanungin talaga, ayaw ko, kasi mahirap naman talaga yung boxing.

"Ngayon, pinaparanas ko sa kanya yung hardwork training para [malaman niya na] hindi pala ganun kadali yung boxing."

Bilang boxing legend, hindi ba niya pinangarap magkaroon ng anak na magmamana sa kanyang galing sa boxing?

Sagot ni Manny: "Hindi ako ganun, kasi boxing is a serious sports na pwede mong ikamatay.

"Naranasan ko iyan na muntik na akong maano diyan sa boxing, kaya ayaw ko namang maranasan pa [niya] yung mga ganung experience.

"Lahat ng katangian dapat alam mo dahil ang boxing pwede kang mamatay.

Continue reading below ↓

"Like in my experience, dalawa sa kasama ko ang namatay, yung kaibigan ko pa...

"Talagang nangyayari yung ganun, hindi maiiwasan."

WHAT IT TAKES TO BE A "PRO WARRIOR"

Pero nag-aalala man si Manny para sa safety ng anak, binibigyan daw niya ng magandang advice si Jimuel para sa training nito.

Dagdag ng boxing champ: "Ang boxing kasi is one-of-a-kind. You need to be a pro warrior to enable to sustain and fight in the ring.

"Ibig kong sabihin, hindi lang yung pa-boxing-boxing 'tapos lalaban ka, hindi ganun ang boxing.

"Ang boxing talaga, it will need your focus, your sacrifices, hardwork, and discipline."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao says he and his wife Jinkee maintain a close relationship with their children Michael and Jimuel who are both grown-ups now. On dealing with critics, Manny tells his children, "Ganun talaga. You cannot please everyone, so may mga ano talaga, mamba-bash sa 'yo. Intindihin niyo na lang iyan."
PHOTO/S: @jinkeepacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results