Michael Flores falls victim to “Basag-Kotse” gang: “Diyos na lang bahala sa inyo.”

Dec 4, 2020
Michael Flores Basag-Kotse
Actor Michael Flores on Thursday, December 3, posts photos of the smashed passenger window of his vehicle after he recently fell victim to the notorious "Basag-Kotse" gang.
PHOTO/S: @michaeljohnflores on Instagram

Nabiktima ng “Basag-Kotse” gang ang aktor na si Michael Flores.

Nitong Huwebes, December 3, ipinost ng aktor sa Instagram ang mga litrato ng insidente.

Sa pictures, makikitang binasag ang salamin sa passenger side ng sasakyan ng dating T.G.I.S. actor.

Halos walang natira sa nadurog na salamin, at makikitang nakakalat ang bubog nito sa loob ng sasakyan.

Sa caption, sinabi ni Michael na naglaro siya ng badminton at pinili niyang mag-park sa labas ng isang restaurant.

Pabalik na raw siya sa sasakyan nang madiskubre ang krimen.

Caption ni Michael (published as is): “Unfortunately, while i was parked outside the resto after playing badminton, this happened… tsk... Diyos nalang bahala sa inyo.. [pouting face, face with raised eyebrow, praying hands emojis]”

Continue reading below ↓

JOSEPH BITANGCOL: “NAGANYAN DIN AKO”

Hindi binanggit ni Michael kung saan ang lokasyon ng restaurant at kung anong araw ngayong linggo nangyari ang insidente.

Hindi rin sinabi ng aktor kung anu-ano ang mga gamit na natangay ng mga suspek mula sa loob ng sasakyan.

Ang mga impormasyong ito rin ang inusisa ng ilang kapwa celebrities na nagkomento sa post na ito ni Michael.

Nag-aalalang tanong ng aktres na si Ara Mina: “Oh my! May nanakaw ba?”

Continue reading below ↓

Inusisa naman ng aktor na si Joseph Bitangcol kung saan nangyari ang insidente.

Nakaka-relate daw kasi si Joseph kay Michael dahil nabiktima rin siya ng Basag-Kotse noong February 2020, sa Visayas Avenue, Quezon City.

Sabi ni Joseph: “San nangyari to kuya? Na ganyan din ako nung Feb sa Visayas ave [man facepalming emoji].”

Continue reading below ↓

Hindi nag-reply si Michael sa comments nina Ara at Joseph.

ANOTHER VICTIM: WOWIE DE GUZMAN

Gaya ni Ara, napa-“Oh my” din sa post ni Michael ang dancer-actor na si Joshua Zamora.

Pagbabalita pa ni Joshua, nabiktima rin ng Basag-Kotse “nung Monday din” ang isa pang kapwa nila actor-dancer na si Wowie de Guzman.

Sagot ni Michael kay Joshua: “it means stay home muna hehe.”

Continue reading below ↓

Base sa caption ni Michael, malinaw na ipinapasa-Diyos na lang niya ang nangyari.

Wala rin kasing nabanggit ang aktor kung nai-report niya sa pulisya ang insidente, o kung nagharap siya ng pormal na reklamo laban sa mga suspek.

Nagpadala ng direct message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michael ngayong Biyernes ng umaga, December 4, para linawin ang ilang detalye sa nangyari.

Wala pang tugon si Michael hanggang sa mailathala ang report na ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Michael Flores on Thursday, December 3, posts photos of the smashed passenger window of his vehicle after he recently fell victim to the notorious "Basag-Kotse" gang.
PHOTO/S: @michaeljohnflores on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results