Pia Guanio answers basher saying she's "trying hard, makeup lang nagdala sa iyo"

by Rachelle Siazon
Dec 4, 2020
Eat Bulaga Dabarkads Pia Guanio on her detractor: "You've been very critical of me."
PHOTO/S: @piaguanio_mago Instagram

Hindi ikinatuwa ni Pia Guanio ang dalawang beses na panunuya sa kanya ng isang basher sa mga selfie niya sa Instagram account.

Si Pia, 46, ay co-host ng noontime show na Eat Bulaga (EB) sa GMA-7.

Noong November 20, unang binatikos ng basher ang selfie ni Pia para sa isang sponsored post.

Nakasaad sa caption ni Pia na masaya siyang napanatili niyang maganda ang kanyang balat kahit na siya ay nasa 40s na.

Masaya ring ibinalita ni Pia roon na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil biniyayaan siya ng bagong lifestyle show para sa isang cable channel.

Pero basag-trip ang basher at nagkomento ng ganito:

"Kawawa ka naman Pia, feeling young pero hindi bagay, in just 4 yrs, 50 years old ka na. Please act sa totoo mong edad, huwag mong dayain ang sarili sa OOTD coz it still shows.

"Tanggalin mo ang makeup, tapos mag EB ka tingnan natin kung hindi ang makeup lang ang nagdala sa iyo.

Continue reading below ↓

"Kaya, accept your age and project accordingly. This is just a piece of advice to you."

Hindi sinagot ni Pia ang komento ng basher.

Kagabi, December 3, nag-post ulit si Pia ng video at selfie niya sa Instagram.

Dito ay may tirada ulit sa kanya ang basher sa comments section:

Continue reading below ↓

"Don't act like young coz your face tells your age 46, sorry, we are just being honest. Kawawa ka naman, trying hard ka masyado."

Basher on Pia Guanio

Sa puntong ito, kalmado pero diretsahan nang sinagot ni Pia ang basher.

"You've been very critical of me. I just want to say God bless you and give you whatever you need to have peace!" saad ni Pia.

Continue reading below ↓

Pia Guanio basher

May mga netizens namang kaagad ipinagtanggol si Pia, at nagsabing marahil ay inggit lang ang basher sa TV host.

Paalala naman ni Pia, "We must bless and not curse. Thank you and God bless you all."

Pia Guanio reminder to netizens

Continue reading below ↓

Si Pia ay dating host ng defunct ABS-CBN morning show na Alas Singko Y Medya, mula 2001 hanggang 2004.

Lumipat si Pia sa GMA Network noong 2004. Mula mula 2004 hanggang 2015, naging host siya ng "Chika Minute" segment sa primetime newscast na 24 Oras

Sa kanyang personal na buhay, ikinasal si Pia sa businessman na si Steve Mago noong October 2011. Mayroon silang anak na eight years old.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga Dabarkads Pia Guanio on her detractor: "You've been very critical of me."
PHOTO/S: @piaguanio_mago Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results