Carlo Katigbak to solid Kapamilya stars: "Working in ABS-CBN is not just a career move."

by Rachelle Siazon
Dec 4, 2020
ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak on ABS-CBN stars who chose to stay with the network even amidst its most difficult moment: "Thank you for choosing to be part of our mission. Thank you for believing in our company... It's not just a job. It's a calling to serve."

"Ang hirap-hirap po ng taong 2020."

Ito ang bungad ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak sa kanyang opening speech ngayong Biyernes, December 4.

Pinangunahan niya ang contract signing para sa solid ABS-CBN stars na nag-renew ng kanilang kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

May ngiti sa labi ni Katigbak sa kabila ng pahiwatig na mabigat ang dala niya bilang head honcho ng ABS-CBN.

Nagbigay-pugay siya sa Kapamilya stars na hindi iniwan ang network sa gitna ng kalbaryong kinaharap nito.

Nakangiting lahad niya: "Today, I want to thank the stars who represent ABS-CBN to the world outside.

"Kayo po ang nagbibigay ng liwanag at ligaya sa ating mga Kapamilya.

"Thank you for choosing to be part of our mission. Thank you for believing in our company. And thank you for supporting us in our most difficult moment."

Diin ni Katigbak, "I hope you believe, as we do, that working in ABS-CBN is not just a career move.

Continue reading below ↓

"It's not just a job. It's a calling to serve."

Hindi na tuwirang binanggit ni Katigbak, pero hindi kailang apektado nang husto ang kilalang broadcast giant—mula sa mga natanggal na empleyado at artista, hanggang sa mga nagsarang programa at subsidiaries—nang hindi ito mabigyan ng prangkisa ng Kongreso noong Hulyo.

Continue reading below ↓

Itinaguyod naman ng ABS-CBN ang pagpapalakas ng kanilang digital platform kunsaan patuloy na umere ang shows ng network.

Bukod sa affiliated cable channels ng ABS-CBN, pumasok din ang network sa blocktimer arrangement sa A2Z o dating Zoe TV Channel, na pag-aari ng evangelical leader na si Eddie Villanueva.

Sa puntong ito, siniguro ni Katigbak na hindi man madali ay patuloy raw ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo ng network.

Aniya, "But ABS-CBN has always been at its best in the most difficult times.

"This year is no exception. Our commitment to serve the public is the foundation of our company.

"And so, even without that we're used to, we have not stopped finding new ways to be in the service of the Filipino."

Pagkatapos ay pormal na ipinakilala ni Katigbak ang bagong Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

"And I'm proud to say that the new head of Star Magic is someone who has embraced public service as part of his personal mission. Ladies and gentlemen, our new head of Star Magic, Direk Lauren Dyogi."

Continue reading below ↓

From left: Carlo Katigbak (president and CEO), Jane de Leon, Mark Lopez (chairman), and Laurenti Dyogi (Star Magic head).

LAUREN DYOGI PAYS TRIBUTE TO JOHNNY MANAHAN, MARIOLE ALBERTO

Si Dyogi, o karaniwang tinatawag na Direk Lauren, ay longtime resident director ng ABS-CBN.

Nakilala siya sa paghulma ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother, at iba't ibang programa at pelikula sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Papalitan niya si Mariole Alberto, na ngayong Disyembre ay nakatakdang magretiro bilang Star Magic head.

Ang dating chairman emeritus ng Star Magic, si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M, ay naiulat na umalis ng ABS-CBN noong Setyembre.

Si Mr. M ay kasalukuyang namumuno sa paghulma ng Sunday Noontime Live, ang musical-variety show na iprinodyus ng Brightlight Productions at umeere sa TV5.

Sa kanyang speech, nagbigay-pugay si Dyogi sa hindi raw matatawarang achievement nina Manahan at Alberto sa paghulma ng best and brightest stars ng ABS-CBN.

"Thank you to Mr. M and Mariole. Star Magic is known to produce, to hone, and to manage the brightest and most talented stars in Philippine show business," bungad ni Dyogi.

Nais daw ipagpatuloy ni Dyogi ang legacy na iyon nina Manahan at Alberto.

"And today we continue this legacy and tradition as we welcome new artists to the Star Magic family."

Continue reading below ↓

SOLID STAR MAGIC ARTISTS

By batches ang pagdating ng Kapamilya stars na nag-renew ng kontrata sa Star Magic.

Kabilang dito sina Kim Chiu, Jane de Leon, JM De Guzman, Enchong Dee, Joseph Marco, Robi Domingo, Kira Balinger, at Andrea Brillantes.

May iba ring mga baguhang artista na pumirma ng kanilang kontrata.

Complete attendance naman ang ABS-CBN big bosses: Carlo Katigbak (president and CEO), Mark Lopez (chairman), Cory Vidanes (COO), Laurenti Dyogi (Star Magic head), at Ric Tan (group chief financial officer).

Ginanap ang red-carpet event sa lobby ng ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City nitong Biyernes ng hapon.

Bilang bahagi ng safety protocol, isa-isa ang pagdating ng mga artistang sakay ng van, na mula pagbaba sa driveway ay dadaan sa red carpet papasok ng lobby.

Doon ay may naka-set up na LED monitors bilang backdrop ng presidential table kunsaan nakaupo ang ABS-CBN executives.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak on ABS-CBN stars who chose to stay with the network even amidst its most difficult moment: "Thank you for choosing to be part of our mission. Thank you for believing in our company... It's not just a job. It's a calling to serve."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results