Chito Miranda defends Pinoy K-pop fans from haters: “Bakit kayo galit sa trip ng iba?”

Dec 5, 2020
Chito Miranda on K-pop groups BTS (right, top) and BLACKPINK (right, bottom): “Trip ko sila. Sobrang galing kaya nila.”
PHOTO/S: Instagram

Idinepensa ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang Pinoy K-pop fans mula sa mga kumokontra sa pagkakasama ng ilang Korean artists sa local charts ng Spotify Wrapped.

Inilabas nitong Miyerkules, December 2, ang listings ng 2020 Spotify Philippines, at panglima ang Parokya ni Edgar sa Top OPM Artists.

Nanguna sa list ang folk-pop band na Ben&Ben, kasunod sina Moira dela Torre, Matthaois, at ang December Avenue.

Pasok din ang Parokya ni Edgar sa Top Bands/Groups category, kung saan nasa 8th spot naman ang 27-taong banda.

Ben&Ben pa rin ang nanguna sa Top Bands/Groups list, kasunod ang kapwa Korean superstar groups na BTS at BLACKPINK.

Nasa pang-anim na puwesto ang isa pang Korean all-girl group na TWICE.

Ang top 10 ay kinumpleto ng American bands na LANY at Maroon 5, ng December Avenue, ng English boy band na One Direction, at ng Australian praise and worship group na Hillsong Worship.

Continue reading below ↓

PAROKYA NI EDGAR THANKS FANS

Nitong Huwebes, December 3, “sobrang proud” na ipinost ng Parokya ni Edgar sa Facebook page nito ang screenshot ng dalawang nabanggit na Spotify Wrapped list na kinabibilangan ng banda.

Mababasa sa caption (published as is): “Di po talaga ako makapaniwala na kasama pa rin yung banda namin sa mga listahan na 'to.

“Grabe, diba?! Nakaka-iyak talaga!

“Salamat po talaga sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa Parokya ni Edgar!!!”

Continue reading below ↓

Sa parehong araw, ini-repost ito ni Chito, 44, sa sarili niyang Facebook page.

OPM FAN SLAMS BTS, BLACKPINK; CURSES K-POP FANS

Sa comments section, isang lalaking OPM fan ang nagsabing “isang malaking kabobohan ang BTS at BLACKPINK.”

Paglilinaw ng netizens, wala siyang galit sa Korean artists dahil may ilang celebrities mula sa nabanggit na bansa ang iniidolo niya.

Gusto lang daw niyang ipunto na mahalagang “tangkilikin ang sariling atin” pagdating sa musika.

Kasunod nito, minura ng netizen ang fans ng BTS at BLACKPINK at hinamon ang mga ito: “pls bash nyo ko mag murahan tayo dito.”

Kalmadong sinagot ni Chito ang netizen.

“Ako trip ko sila,” sabi ni Chito sa netizen, tinukoy ang BTS at BLACKPINK.

“Sobrang galing kaya nila.

“Kung di mo sila trip, oks lang naman.

“Ang di ko magets is bakit ang laki ng galit mo sa mga may trip sa kanila hehe!"

Sa huli, hiniling ni Chito sa netizen na irespeto ang Pinoy K-pop fans.

Continue reading below ↓

“Peace and respect lang parekoy. Kanya-kanyang trip lang yan,” sabi ni Chito.

“BAKIT KAYO GALIT SA TRIP NG IBA?”

Nagbunsod ng debate sa comments section ang argumentong iyon ng netizen laban sa K-pop fans.

Dahil dito, muling napakomento si Chito upang mamagitan nang mapahupa ang tensiyon.

Tanong ni Chito sa mga namba-bash sa K-pop fans: “Bakit kayo galit sa trip ng iba?

Continue reading below ↓

“Kanya kanyang trip lang yan eh.

“'Wow! Di ko sila trip! Tan***a lahat ng may trip sa kanila.' Ganun ba dapat?

“Di ba pwedeng iba trip nila sa trip mo tapos ok lang tayo lahat?”

IMELDA SCHWEIGHART VS PINOY K-POP FANS

Nangyari ang pagtatanggol ni Chito sa Pinoy K-pop fans mahigit isang linggo ang nakalipas makaraang kuyugin ng parehong grupo ng fans ang beauty queen-turned-singer na si Imelda Schweighart.

Continue reading below ↓

Kasunod ito ng pagdedeklara ni Imelda ng “I hate kpop” sa isang Facebook post nitong November 23.

Nag-elaborate pa si Imelda sa kanyang post: “Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans.”

Matindi ang naging galit ng Pinoy K-pop fans kay Imelda sa sinabi niyang ito.

Pinaulanan nila ng panlalait at iba pang masasakit na salita ang Miss Earth Philippines 2016 winner sa social media accounts nito.

Kalaunan, hindi kinaya ni Imelda ang matinding pamba-bash ng Pinoy K-pop fans kaya nag-deactivate siya ng sariling Facebook account.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chito Miranda on K-pop groups BTS (right, top) and BLACKPINK (right, bottom): “Trip ko sila. Sobrang galing kaya nila.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results