Derek Ramsay refutes "nawalan ng challenge" speculation about breakup with Andrea Torres

by Rachelle Siazon
Dec 7, 2020
Derek Ramsay defends ex-girlfriend Andrea Torres from netizen claiming he lost interest in her because "obvious na di mo sya niligawan at sya lang ang naghahabol." Derek insists Andrea is a decent woman.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nananatiling palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay, 44, at Andrea Torres, 30.

Sweet pa sila sa isa't isa at magkasama sa isang frame nang mag-shoot ng Christmas station I.D. ng GMA Network.

Pero kasabay ng pag-ere nito noong November 17 ay lumabas ang balitang break na sila.

Sa Instagram post ni Derek kahapon, December 6, isang netizen ang humanga sa topless photo ng hunk actor.

May haka-haka ang netizen na nawalan ng interes si Derek kay Andrea dahil ang dalaga raw ang masyadong "naghahabol."

Sabi ng netizen (published as is), "kaya nabaliw si @andreatorres eh.

"Maloka loka siguro sa katawan mo kaya lang obvious na di mo sya niligawan at sya lang ang naghahabol.

"Nawalan ka na siguro ng challenge. Hahaha."

Mariing pinabulaanan ni Derek ang espekulasyon ng netizen.

Sabi ni Derek (published as is), "no, man. Andrea is a decent woman."

Continue reading below ↓

DEREK: NO THIRD PARTY

November 19 nang kumpirmahin ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Andrea, pero tumanggi siyang magdetalye ukol dito.

Ang tanging nilinaw ni Derek ay hindi thirdy party ang naging mitsa ng breakup nila ni Andrea.

Sabi noon ni Derek, "The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be."

Nangako rin si Derek na hindi niya palalampasin ang anumang paninira na maririnig ukol kay Andrea na kanya raw minahal.

ANDREA APPEALS FOR PRIVACY

Noong November 20, naglabas ng official statement si Andrea na nais daw niyang gawing pribado kung anuman ang dahilan ng hiwalayan nila ni Derek.

Lubos daw niyang pinahalagahan ang relasyon nila ng aktor kaya nais niyang panatilihin ang respeto niya sa pinagsamahan nila.

Sabi pa ni Andrea, "I will always wish him and his family well.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay defends ex-girlfriend Andrea Torres from netizen claiming he lost interest in her because "obvious na di mo sya niligawan at sya lang ang naghahabol." Derek insists Andrea is a decent woman.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results