Nikki Valdez still “grateful” despite having “kamay na bakal” following accident

by Jet Hitosis
Dec 7, 2020
Nikki Valdez accident
Kapamilya actress Nikki Valdez is now recovering after she underwent surgery on her left hand following an accident at home last week.
PHOTO/S: @nikkivaldez_ on Instagram

Nagpapagaling ngayon si Nikki Valdez matapos maaksidente sa bahay at maospital noong nakaraang linggo.

Sabado, December 7, nang ipinost ng 39-year-old Kapamilya actress sa Instagram ang kanyang litrato na kuha sa hospital lobby ilang minuto bago siya umuwi ng bahay “with a grateful heart.”

Sa picture, nakasuot ng face mask at face shield si Nikki sa pagkakaupo sa wheelchair, kandong ang isang malaking bag.

Naka-cast ang kaliwang braso ng aktres, habang nakataas at nakasenyas ng peace sign ang kanyang kanang kamay.

Sa mahabang post ni Nikki, sinabi niyang bagamat “may kamay na bakal” siya ngayon, abut-abot pa rin ang kanyang pasasalamat na hindi grabe ang nangyari sa kanya.

Hindi nagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa nangyaring aksidente.

Gayunman, sa hiwalay na Instagram post ng mister ni Nikki na si Luis Garcia nitong Huwebes, December 3, kinumpirma nitong inoperahan sa kamay ang aktres dahil sa nangyari.

Luis Garcia Nikki Valdez accident

Continue reading below ↓

“I AM ALIVE AND IN ONE PIECE”

Mababasa sa post ni Nikki: “Much worse could have happened but here I am alive and in one piece (may kamay na bakal lang nga but all good!!).

“It may take time for a full recovery but I will be diligent in doing everything to feel better.”

Aminado si Nikki na “I have been feeling down since the accident happened.”

Paliwanag niya: “The last thing I want is maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa akin kaya ang sama ng loob ko sa nangyari.

“Kaya thank you sa inyong lahat na nagparamdam ng malasakit.”

Bagamat walang detalye si Nikki tungkol sa aksidente, mahihinuhang nangyari ito habang nasa loob siya ng bahay.

Nagpasalamat kasi ang aktres sa ilan niyang kapitbahay “who helped and administered first aid.”

Nag-thank you rin siya sa mga doktor at nurses “sa pag alaga to make sure everything went well.”

Continue reading below ↓

NIKKI GRATEFUL TO “MY EXTRA ARM, EXTRA HAND”

Nagpaabot din si Nikki ng pasasalamat sa kanyang “Star Magic family” at “Bagong Umaga family” sa lagi raw pangungumusta sa kanya.

Ang Bagong Umaga ang Kapamilya series, kung saan isa si Nikki sa cast members.

“To my friends in and out of showbiz (di ko na kayo iisa isahin ang dami niyo— yes ang dami palang nagmamahal sa akin) thank youuuuu for messaging di lang ako makasagot agad hirap magtext ng isang kamay lang...”

Siyempre pa, nag-thank you si Nikki sa kanyang pamilya dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya.

Partikular na pinasalamatan ni Nikki ang asawang si Luis “for being my extra arm, extra hand, my extra everythiiiiiing making sure I am mobile and not in so much pain.

“I love you sooooooo much!!!! [three face throwing a kiss emojis],” mensahe pa ni Nikki sa asawa.

WELL WISHES FROM FELLOW CELEBS

Ayon sa aktres, dahil sa aksidente ay isang bagay ang muli niyang napatunayan: “God is in control and has sent so many angels on earth to love and take care of me.”

Continue reading below ↓

Bumuhos naman ang “get well soon” messages ng mga kapwa celebrities para kay Nikki.

Kabilang sa mga nagkomento sa post na ito ni Nikki sina Sunshine Cruz, Carmina Villaroel, Miles Ocampo, Tony Labrusca, Michelle Vito, Arlene Muhlach, Melissa Gohing, at Carmen Soo.

Continue reading below ↓

Nagpaabot din ng pag-aalala sina Neri Miranda, Beth Tamayo, Arthur Solinap, Matt Evans, at Sandy Andolong.

Hiling nila ang agarang paggaling ni Nikki.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Nikki Valdez is now recovering after she underwent surgery on her left hand following an accident at home last week.
PHOTO/S: @nikkivaldez_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results