Watch Now

Carlos Agassi gets stitches on eyebrow, gum after freak accident

by Jet Hitosis
Dec 8, 2020
Carlos Agassi freak accident
Actor Carlos Agassi drives himself to the hospital after figuring in an accident at his house's gym a week before his 41st birthday on December 12: “Every week before my birthday, I always get into an accident. I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen."
PHOTO/S: @carlosagassi on Instagram

Nagtamo ng sugat sa kilay at gilagid si Carlos Agassi matapos siyang madulas habang nagdyi-gym sa loob ng kanyang bahay nitong Linggo, December 6.

Padapa ang bagsak kaya nasugatan sa mukha ang 40-year-old actor matapos madulas nang biglang masira ang suot niyang rubber shoes.

“I slipped cause my rubber shoes broke and I face planted,” bahagi ng caption sa Instagram post ni Carlos nitong Linggo.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Carlos ang mga video at litrato niya habang ginagamot sa emergency room ng hindi niya pinangalanang ospital.

Kuwento ni Carlos: “What a learning traumatic experience, I was just walking and smiling in our house gym and next thing I know is that I’m lying on the floor.

“When I look at the mirror I couldn’t see my face but felt and tasted blood.”

CARLOS DRIVES HIMSELF TO HOSPITAL

Kahit duguan ang mukha sa nangyari, nagawa pa rin daw ni Carlos na ipagmaneho ang sarili para magpunta sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad naman daw sumunod sa pagamutan ang girlfriend ni Carlos na si Sarina Yamamoto para alalayan siya.

Nagpasalamat si Carlos kay Sarina: “Thanks my love @sarinayamamoto for being an angel and coming with me to the emergency rm and not showing me that you were crying.”

Carlos's girlfriend Sarina at the emergency room

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Carlos na dahil sa aksidente, nagtamo siya ng anim na stitches sa kanang kilay, bukod pa sa four stitches sa kanyang gilagid.

Aalisin daw ang mga tahing iyon sa Biyernes, December 11, isang araw bago ang kanyang 41st birthday sa Sabado, December 12.

“Turning 41 this December 12 and will be back on December 11 to have my 6 stitches on my eyebrows and 4 stitches on my gums removed.

“Thanks to the emergency rm doctors and nurses for taking good care of me.”

Carlos Agassi freak accident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Carlos Agassi freak accident

FIGURING IN AN ACCIDENT DAYS BEFORE BIRTHDAY

Ayon kay Carlos, madalas siyang nasasangkot sa aksidente ilang araw bago ang kanyang birthday.

Hindi raw maipaliwanag ng aktor kung nagkakataon lang ba iyon o kung may anumang ipinahihiwatig iyon sa kanyang buhay.

Sabi ni Carlos: “Every week before my birthday, I always get into an accident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen.

“All I can say is that accidents do happen and it’s called an accident because nobody wanted this to happen.”

Bagamat hindi raw magawang ipaliwanag ni Carlos ang pagkakaaksidente niya ilang araw bago muling madagdagan ang kanyang edad, nagiging dahilan daw ito upang mas ma-appreciate niya ang mga bagay na mayroon siya.

“Never take the simple things in life for granted,” sabi ni Carlos. “Never felt so alive. [praying hands emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Carlos Agassi drives himself to the hospital after figuring in an accident at his house's gym a week before his 41st birthday on December 12: “Every week before my birthday, I always get into an accident. I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen."
PHOTO/S: @carlosagassi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results