Pia Wurtzbach refutes claim that she's more focused on glam, love life than charity work

by Bernie V. Franco
Dec 9, 2020
Pia Wurtzbach boyfriend
Pia Wurtzbach: “Im always posting but you dont notice it because you refuse to see it. Kahit naman nung MU pa ko 5 yrs ago people only focused on who I was dating rather than what I was doing."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Naglabas ng saloobin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil mas napapansin ng publiko ang kanyang personal na buhay kesa sa ginagawa niyang pagtulong sa komunidad.

Nitong Martes, December 8, nagpahayag ng hinaing ang 31-year-old beauty queen dahil may mga kumuwestiyon sa paghirang sa kanya bilang Woman of the Year ng isang Dubai-based luxury travel and lifestyle magazine.

Paratang ng kanyang mga kritiko, wala naman daw ginawa si Pia para maging deserving sa award.

Inisa-isa naman ni Pia ang kanyang mga ginawa sa nakalipas na taon sa sunud-sunod na comments.

Pero hindi rito nagtatapos ang hindi magandang paratang kay Pia.

May isang netizen na sinabihan si Pia na hindi raw ito dapat magtaka kung ang napapansin lang ng mga tao ay ang kanyang glam pics at relasyon kay Jeremy Jauncey dahil madalas ay tungkol umano rito ang mga post ng beauty queen.

Ikinumpara pa ng netizen ang mga nagawa ni Pia at ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na mas pinagtutuunan daw talaga ang pagtulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paratang ng netizen kay Pia: “Lately it seems like ur just into ur man and living the good life”

Sumagot si Pia. Kinontra niya ang bintang ng netizen na puro pagpapaganda at tungkol sa boyfriend lang ang ipinu-post niya.

PIA ANSWERS BACK

Paglilinaw ni Pia, hindi siya nagkulang sa pagpu-post tungkol sa kanyang mga kawanggawa o adbokasiya sa mga nakalipas na taon, o simula nang koronahan siya bilang Miss Universe noong 2015.

Pero sadyang mas pinapansin daw ng mga tao ang tungkol sa kanyang personal na buhay.

Katwiran ni Pia, “If you look at my timeline and stories you’ll find everything there [heart emoji]

“Im always posting but you dont notice it because you refuse to see it. Kahit naman nung MU pa ko 5 yrs ago people only focused on who I was dating rather than what I was doing.

“Its true. I did so much advocacy work as MU and people just dont see that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Theyre more interested in knowing my diet or who Im seeing. [sad face emoji]

“But God knows I really tried hard and never expecting to get anything from it. Gusto ko lang talaga [heart emoji]

"I try to keep a balanced life. Im doing what I can as a miss universe from 5 years ago. Balancing work, business, love, family and advocacy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtanggol din ni Pia ang sarili sa pamumuna ng netizen na panay ang post niya kasama ang Scottish boyfriend.

Proud na komento ni Pia: “And Im in a loving and supportive relationship now, nothing like I’ve ever had before. So wala naman sigurong masama if I share pictures of us.”

Sa kabila ng malaking problemang pinagdaanan ni Pia kaugnay ng kanyang pamilya, naging sandalan daw niya si Jeremy.

“Jeremy has been such a light in my life especially lately after the family issues I’ve been going through.

“Hes been the most supportive person ever. Hes literally my all in one.”

May hirit din si Pia sa netizen kung minamasama nito ang post niya kasama ang boyfriend"

“So if our photos bother you so much that you had to make this throwaway account to comment then just unfollow me and we can both live peacefully [heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach: “Im always posting but you dont notice it because you refuse to see it. Kahit naman nung MU pa ko 5 yrs ago people only focused on who I was dating rather than what I was doing."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results