Jason Francisco, Melai Cantiveros recall how they surpassed short-lived separation in 2016

by Rachelle Siazon
Dec 10, 2020
Melai Cantiveros says she and husband Jason Francisco resolved their marital by focusing on each other instead of other people's opinion. "Kasi siyempre marami ka talagang maririnig na opinyon na kaliwa't kanan... Pero alam mo sa sarili mo kung papa'no iso-solve ang problema mo."
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram

"Bitaw na. Talagang bumitaw."

Ito ang pagbabalik-tanaw ni Jason Francisco, 33, sa sandaling hiwalayan nila noon ng asawang si Melai Cantiveros, 32.

Sa loob ng pitong taon nilang buhay mag-asawa, iyon daw ang matinding pagsubok na hangga't maaari ay ayaw nang maalala ni Jason.

Lahad ni Jason: "Eto na yung nagkakasagasa yung aming personal na buhay at trabaho.

"Eto yung mga bagay na dapat kami lang nakakaalam. Pero siyempre, akala natin kilala natin ang isa't isa.

"Kumbaga, iyon ay honest mistake. Eto yung pinakapanget na time na. Ayoko na maiisip yung time na yun."

Nangyari raw ang matinding alitan nila noong 2016 o ikatlong taon nila bilang mag-asawa.

Binanggit ni Melai na kasagsagan iyon ng paggawa niya ng teleseryeng We Will Survive, na umere mula February hanggang July 2016.

"Nabitawan na," tukoy ni Melai sa relasyon nila ni Jason noon.

"Eto yung Bohol days. Eto yung We Will Survive days. Eto yung time na nag-Mindoro na siya, ako naman I have to life my life."

Continue reading below ↓

Sa Calapan, Mindoro ang hometown ni Jason, habang si Melai naman ay tubong General Santos City sa South Cotabato.

Magkasamang nakapanayam ang couple sa December 9 episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, kunsaan ipinagdiwan nila ang kanilang seventh wedding anniversary.

THE MARITAL CONFLICT

Hindi na idinetalye nina Melai at Jason ang dahilan ng pinag-awayan nila noong 2016.

May 2016 naging maugong ang bali-balita sa showbiz circles tungkol sa dinadaanang marital problem ng couple.

Noong buwang ding iyon, naglabas si Melai ng statement kunsaan inamin niyang nagkakaproblema sila dahil sa kakulangan ng oras para sa isa't isa.

Pero paglilinaw nila, hindi totoo ang isyung hiwalay na sila.

Makalipas ang dalawang buwan, noong July 2016, naglabas ng open letter si Jason sa joint account nila ni Melai sa Instagram.

Lumabas na pagseselos ang naging mitsa ng alitan nilang mag-asawa.

Inamin ni Jason na hindi siya pabor sa mga eksena ng tambalan ni Melai at co-star nitong si Carlo Aquino sa show.

Continue reading below ↓

Noong una ay okay pa raw kay Jason dahil ang pagkakaalam niya ay sa pilot week lang ang love team ng dalawa, pero lubos daw naapektuhan si Jason nang ma-extend ito.

Naglabas din ng sama ng loob si Jason dahil hindi raw pinakinggan ng production ng show ang pakiusap nila ni Melai na ibahin ang istorya para hindi na sila mag-away na mag-asawa.

Ani Jason, umabot kasi sa puntong dalawang buwang magkahiwalay na kuwarto sila natutulog ni Melai.

"I CHOOSE MY FOREVER."

Back to present time, sinabi ni Melai sa Magandang Buhay na kinalaunan ay naresolba nila ni Jason ang kanilang alitan dahil nagpokus sila sa isa't isa.

Hindi raw nila hinayaang maapektuhan ng opinyon ng kani-kanilang mga kaibigan kung anuman ang dapat nilang gawin sa kanilang buhay mag-asawa.

Paliwanag ni Melai: "Kasi for me, alam ko ang pinanggalingan at alam ko ang kahihinatnan.

"So ngayon, may mga bagay na nagawa pero di mo na mababalik.

Continue reading below ↓

"Kasi kilala ko siya bilang husband ko, kilala rin niya ako bilang asawa niya. So, alam ko kung paano siya iso-solve, and I need time para i-solve yun.

"Kaya kami, talagang thank you, Lord, wala lang talaga sumuko sa amin nung nag-rock and roll."

Pinili raw talaga ni Melai na si Jason pa rin ang kanyang maging "forever."

Dagdag ni Melai, "Kasi siyempre, marami ka talagang maririnig na opinyon na kaliwa't kanan.

"Pero kahit marami yun, na-appreciate mo yun dahil mahal ka nila kaya ina-advice-an ka nila. Pero alam mo sa sarili mo kung papa'no iso-solve ang problema mo."

RENEWED LOVE FOR EACH OTHER

Tuwang-tuwa naman si Jason dahil kung anong hirap na dinaanan nila ni Melai noong ikatlong taon ng kanilang relasyon, bawing-bawi naman daw sa kasiyahan nilang mag-asawa sa mga sumunod na taon ng kanilang pagsasama.

Mas lumalim daw ang kanilang pag-iibigan simula noong ika-apat na taon nila bilang couple.

Continue reading below ↓

May kilig na sabi ni Jason: "Eto na yung matatawag na second chance. Nagsimula kami ulit. Lahat nagsimula ng malinis.

"Napakagandang pakinggan dahil lahat talaga ay may second chance.

"Bumalik tayo sa dati na alam na natin lahat, napakasaya, may anak pa tayong dalawa..."

Dugtong ni Melai, "'Tsaka thank you naman sa husband ko, nasobrahan siya ng dedicated sa amin.

"And kaming mag-asawa, mas naging strong, mas nakilala namin ang isa't isa."

Sina Melai at Jason ay nagkakilala at nagsimulang mag-ibigan sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009.

Ikinasal sila sa Holy Cross Parish, sa General Santos City, noong December 9, 2013.

Mayroon silang dalawang anak—sina Mela, 6, at Stela, 3.

Sa kasalukuyan, si Melai ay nananatiling Kapamilya star at isa sa hosts ng Magandang Buhay.

Si Jason ay lumipat ng GMA Network noong 2017. Bahagi siya sa cast ng upcoming Kapuso drama series na Owe My Love.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros says she and husband Jason Francisco resolved their marital by focusing on each other instead of other people's opinion. "Kasi siyempre marami ka talagang maririnig na opinyon na kaliwa't kanan... Pero alam mo sa sarili mo kung papa'no iso-solve ang problema mo."
PHOTO/S: @mrandmrsfrancisco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results