Sharon Cuneta posts "precious" throwback photo with daughters KC, Frankie, Miel

by Arniel C. Serato
Dec 10, 2020
Sharon Cuneta on throwback photo with daughters KC, Frankie, Miel: "Precious."
PHOTO/S: Noel Orsal / Sharon Cuneta Instagram

“Precious.”

Ito ang paglalarawan ni Sharon Cuneta sa throwback photo nila ng mga anak na sina KC Concepcion, Frankie at Miel Pangilinan.

Si KC ay anak ni Sharon sa dating asawang si Gabby Concepcion.

Sina Frankie at Miel naman ay mga anak ng Megastar sa second husband niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Bukod kina Frankie at Miel, may adpoted son din sina Sharon at Kiko—si Miguel.

Noong Martes, December 8, ipinost ni Sharon ang lumang larawan nilang mag-iina sa kanyang Instagram account.

Sa picture ay dalaga na si KC, na katabi ni Sharon, habang nakadapa naman ang mga paslit pa noong sina Frankie at Miel.

Continue reading below ↓

Sa comments section, ilang netizens ang nagtanggol sa Megastar sa pagiging ina nito kay KC.

Hindi kasi kaila sa publiko ang away-bating relasyon ni Sharon sa kanyang panganay na anak.

Komento ng netizen: “basta ako alam ko kung pano pinalaki ni mega si KC nang sya lang ang tumaguyod.... mula. lumipat sya from dasma to Twin towers sa Ayala... saludo ako kay mega"

Netizen comment Sharon Cuneta

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isa pang nagkomento, “she’s a single parent, despite her busy schedules as one of the country’s biggest celebrity, she managed to raise KC well by herself.

"That alone deserves much respect/recognition/credit. If i was on KC’s shoes, i would give heaven and earth to my mom for raising me well.

"Honor thy parents is the 4th commandments.”

Netizen comment Sharon Cuneta Instagram post

Continue reading below ↓

Pero may isang komento na hindi nagustuhan ni Sharon.

Burado na ang komento ng netizen, pero mababasa pa rin ang sagot ng singer-actress.

Sabi ni Sharon: “Di lahat ng ina tulad ko. At dapat ikaw, magpasalamat at igalang at alagaan mo ang Mama mo.

“Di rin namin utang na loob na anak namin kayo.”

Sharon Cuneta comment to netizen

Continue reading below ↓

Ngayon hapon ng Huwebes, December 12, binura na ni Sharon ang kanyang post.

SHARON DEFENDS SELF FROM CRITICISMS

Noong December 2, ipinagtanggol ni Sharon ang sarili laban sa mga netizens na pumuna sa anila’y malamig na pakikitungo nito kay KC.

Ikinumpara pa ito ng ilan sa pakikitungo umano ni Sharon sa mga anak niya kay Senator Kiko. "Laki sa lola" raw si KC dahil hindi ito maayos naalagaan ng kanyang ina.

Binara ni Sharon ang netizen.

Kahit aminado siyang malaki ang tulong ng kanyang yumaong inang si Elaine Cuneta sa pagpapalaki kay KC, hindi raw siya nagpabaya bilang ina.

Yun nga lang, talagang naging spoiled daw si KC kay Mommy Elaine.

Saad ni Sharon, “Actually hindi ko maintindihan yung meaning ng 'laki sa lola.'

“Malaki ang naitulong ni Mama sa pagpapalaki ko sa kanya, pero kahit nagtatrabaho ako, napakarami ko din namang sinakripisyo maging health at tulog para sa kanya at para makasama siya. All her manners, etc.

Continue reading below ↓

“I used to date her at the most expensive and formal restaurants since she turned 6 or 7 para matuto.

“I taught her everything I knew then. I NEVER missed any school programs or activities kahit na nagpapaalam ako sa trabaho at umaga na umuuwi kaya siguro naman may value din yon kahit paano.

“I am grateful to my Mommy for taking care of her while I busted my behind working to put food on our table and send her to the best schools.

“My Mom spoiled her to the point na pati pagdidisiplina at turo ko nakokontra na. Pero ganon ang lola kaya okay lang.”

Dagdag pa ng award-winning singer-actress, ang mga taong pumupuna sa kanya ay wala sa kanilang pamamahay kaya walang karapatan ang mga itong husgahan siya.

Malaking parte raw talaga sa buhay ni KC si Mommy Elaine, pero hindi rin daw naman matatawaran ang kanyang ginawa bilang ina niya noong lumalaki ang anak.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Sharon, nagtatrabaho siya noon dahil ayaw niyang umasa sa kanyang mga magulang upang buhayin ang anak.

Hiwalay na noon si Sharon kay Gabby, at mag-isa niyang binuhay si KC.

Saad niya, “None of you were there...none of you saw what I had to give up...what decisions I made FOR and BECAUSE of her, even putting aside my own feelings.

“My Mommy was a big part of her life, that is so true. But here is what people do not seem to hear from her granddaughter: SO. WAS. I.

“Kahit sumuka na ng dugo dahil di kami umaasa sa mga magulang ko at di naman tumulong ang dapat.

"My other children seem to think I am a good mother. So I take comfort in that. It’s sad that it is so easy for someone to forget everything I’ve done...”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on throwback photo with daughters KC, Frankie, Miel: "Precious."
PHOTO/S: Noel Orsal / Sharon Cuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results