Arci Muñoz joins Philippine Air Force relief operations in Catanduanes

by Arniel C. Serato
Dec 11, 2020
Arci Munoz Philippine Air Force
Actress Arci Muñoz fulfills duty as sergeant of the Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command.
PHOTO/S: Courtesy: @ramonathornes on Instagram

Ginugugol ni Arci Muñoz ang kanyang oras sa labas ng showbiz sa pagtupad sa tungkulin niya bilang sergeant sa Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command.

Isa nang ganap na reservist sa Philippine Air Force ang 31-year-old actress matapos ang kanyang isang buwang training.

Kahapon, December 10, ibinahagi ni Arci sa Instagram ang ginawa nilang relief operations sa Catanduanes.

Ang nasabing probinsiya ay labis na napinsala dahil sa pananalasa ng magkakasunod na bagyo nitong nakaraang mga buwan.

Saad ng Kapamilya star, “From subic to villamor to catanduanes I joined my brothers and sisters in the force…

“we had a successful humanitarian relief operation in catanduanes as soon as we arrived.”

Hanggang ngayon daw ay kita pa ang pinsalang dulot ng mga bagyo sa Catanduanes.

Umaasa naman siyang mabigyan ng mas matibay na pamamahay at maayos na kabuhayan ang mga residente doon para sa kanilang pagsisimula muli.

Saad ni Arci, “we saw the reality of the poor conditions our kababayans continue to live through caused by the aftermath of typhoon Ulysses and roly.

Continue reading below ↓

“Like a bandaid to a deep cut, we provided temporary relief for their daily needs.

"But what they need is permanent solutions like rebuilding sturdier homes and providing livelihood so they can start again.”

Arci Munoz Catanduanes relief operations

ARCI STARTED TRAINING IN JUNE

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, minabuti ni Arci na pumasok sa Philippine Air Force bilang reservist nitong nakaraang June.

Continue reading below ↓

Noong mga panahong iyon, hindi pa nagbabalik ang mga trabaho sa showbiz.

Ayon kay Arci, siya ang kauna-unahang babae sa henerasyon niya na sumailalim sa Basic Citizen Military Training ng Philippine Air Force.

Hinikayat din niya ang ibang kababaihang mag-enlist katulad niya.

Mensahe ni Arci sa kanyang Instagram post noong June 12, Araw ng Kalayaan, "Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong pilipinas!

"Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang Babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training.

"Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag enlist.

"Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. #happyindependenceday #paf #military #pilipinashukbonghimpapawid"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Arci Muñoz fulfills duty as sergeant of the Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command.
PHOTO/S: Courtesy: @ramonathornes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results