Who is Claudine Barretto alluding to in cryptic “lying hypocrite” post?

by James Patrick Anarcon
Dec 13, 2020
Claudine Barretto addresses "HYPOCRITES" in her cryptic post about being an "honest sinner" rather than being a "lying hypocrite." Who could she be alluding to in this post?
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

May pinatatamaan ba si Claudine Barretto?

Kahapon, December 12, 2020, nagpakawala si Claudine ng magkasunod na matalinhagang posts sa kanyang Instagram account.

Una ay isang quote tungkol sa pagiging “honest sinner” kaysa naman sa pagiging “lying hypocrite.”

Sabi sa kabuuan ng quote: “I would rather be known in life as an honest sinner, than a lying hypocrite…”

Caption ni Claudine sa post na ito: “HYPOCRITES”

Kasunod nito ay isa na namang quote card ang ipinost ni Claudine.

Saad ng quote: “Some people aren’t really all that they ‘post’ to be.”

Ang caption naman ni Claudine dito: “PRACTICE WHAT YOU PREACH”

Limited lang ang pwedeng mag-comment sa parehong Instagram posts ni Claudine.

CLAUDINE’S RIFT WITH EX-HUSBAND, SISTER

Hindi naman tinukoy ni Claudine kung sino ang pinatatamaan niya sa cryptic posts.

Pero sa kasulukuyan, alam ng publiko na may hidwaan si Claudine at ang kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Sa huling balitang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 19, 2020, nagsampa ng reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at alegasyong economic abuse si Claudine laban kay Raymart.

Continue reading below ↓

Hindi raw umano tinutupad ni Raymart ang dating napagkasunduang "PHP100,000" kada buwan na sustento para sa dalawang anak.

Ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, alam din ni Claudine na may relasyon ngayon si Raymart at ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Tumawag daw si Jodi kay Claudine, at sinabing wala raw kaso iyon kay Claudine.

Subalit sabi ni Atty. Topacio, pinag-aaralan ng kampo ni Claudine ang posibilidad na ireklamo si Jodi dahil sa pakikipagrelasyon kay Raymart.

December 10, 2020 ang naiulat na posibleng pagkikita nina Claudine at Raymart dahil sa reklamo, subalit walang naibalitang development tungkol dito.

Naging laman din ng balita ang hidwaan ni Claudine at ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto laban sa isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.

Sa huling balita ng PEP.ph tungkol dito noong March 4, 2020, galit pa rin si Claudine sa pamangking si Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Hindi kaila sa publiko ang sanga-sangang alitan sa Pamilya Barretto noong taong 2019.

Napabalitang nagkasakitan daw ang magkapatid na Claudine at Marjorie sa burol ng kanilang yumaong amang si Miguel Barretto noong gabi ng October 17, 2019.

Sa bersiyon ni Claudine, sinabi niyang dawit ang pamangkin niyang si Julia na nanakit at nagmura umano sa kanya.

Sa bersiyon ni Julia, mariin nitong pinabulaanan ang akusasyong ibinabato sa kanya ni Claudine.

Umapela rin noon si Julia na sana ay bigyan ng privacy at hayaan ang mga nakakatanda niyang kapamilya ang magresolba ng isyu ng mga ito.

Sa kasulukuyan, walang bagong balita tungkol sa hidwaan ng Pamilya Barretto.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto addresses "HYPOCRITES" in her cryptic post about being an "honest sinner" rather than being a "lying hypocrite." Who could she be alluding to in this post?
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results