Billy Crawford reveals he and wife Coleen Garcia were all set to migrate after ABS-CBN shutdown

by Arniel C. Serato
Dec 14, 2020
Billy Crawford says he and wife Coleen Garcia were planning to leave abroad after Congress junked ABS-CBN franchise application: "It was a lot of depressing moments.”
PHOTO/S: Courtesy: Usapang Real Life on Facebook

Handa na raw sanang lisanin ni Billy Crawford at ng asawa niyang si Coleen Garcia ang Pilipinas matapos magsara ang ABS-CBN.

Ito ang rebelasyon ng dalawa sa programang Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes ng TV5 noong Sabado, December 12.

Aminado si Billy na labis na kalungkutan ang kanyang naramdaman matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Sabi niya, “It was really a dark period for everyone at ABS-CBN.

“That includes artists, that includes PAs [production assistants], that includes... I mean, each and every personnel at ABS.”

Kaya naman naisipan daw nilang mangibang bansa na lamang dahil sa walang kasiguraduhan ang kanilang karera dito sa Pilipinas.

Plinano raw nilang ibenta ang kanilang bahay at lahat ng kanilang ari-arian upang manirahan sa abroad.

Lahad ni Billy, “I’m planning to sell everything and gonna move out of this country.

“And feels... wala, e, I didn’t have a job. You know what I’m saying? And if I did, it wasn’t really sustainable. I couldn’t sustain my family.

Continue reading below ↓

“It was a lot of depressing moments.”

Hindi rin daw niya hayagang naipakita ang suporta sa ABS-CBN noong kasagsagan ng franchise hearing sa Kongreso dahil iniisip niya ang kapakanan nibColeen, na nagdadalantao noon.

Aniya, “I couldn’t stress her out. It was hard.”

Isinilang ni Coleen ang kanilang panganay na si Baby Amari noong September 10, 2020, eksaktong dalawang buwan matapos patayin ng 70 mambabatas ang franchise application ng ABS-CBN.

“A LOT OF NIGHTS THAT I CRIED”

Hindi rin itinago ni Billy na ilang gabi niyang iniyakan ang kinahantungan ng Kapamilya network.

Magreresulta raw kasi ito sa pagiging jobless niyan gayong kakabuo lamang niya ng bagong pamilya.

Sabi niya, “I’m not gonna lie, there are a lot of nights that I cried. There are a lot of nights that I called most of my friends at ABS.”

Sa mga pag-uusap daw na yun, naglabas sila ng “sama ng loob at lahat ng galit” na kanilang nararamdaman dahil sa pangyayari.

Continue reading below ↓

Ngayon, nakikipag-usap pa rin daw si Billy sa kanyang mga dating kasamahan.

“And I’m still in touch with my Kapamilya.

“Lahat kami magkakaibigan, magkakapamilya talaga kami. Yung mga ibang tao lang naman talaga ang nagbibigay kulay.”

September 29, kinumpirma ng TV5 na pumirma si Billy ng kontrata para mag-host ng Masked Singer Pilipinas (MSP).

Bago ito, nagkaroon sila ng madamdaming pag-uusap ng kanyang kaibigan na si Vice Ganda noong September 26.

Doon ay nagkaiyakan silang dalawa nang magpaalam si Billy sa kanyang mga dating katrabaho sa ABS-CBN.

Bukod sa Masked Singer Pilipinas, may sarili na ring noontime show si Billy sa Kapatid network, ang Lunch Out Loud.

May bago rin daw siyang palabas na gagawin pagkatapos ng season finale ng MSP.

Sabi pa niya, “Pero right now, I’m just really thankful that I have a job. I’m really thankful that I really did what I love to do at my age.

Continue reading below ↓

“I want this to be sustainable for my family.”

Ito rin ang naging rason ni Billy kung bakit nilisan niya ang ABS-CBN at lumipat sa TV5—ang magkakaroon ng sapat na kabuhayan para sa kanyang pamilya.

Taong 2008 nang maging bahagi ng ABS-CBN si Billy.

Kabilang sa Kapamilya shows kung saan naging host siya ay ang ASAP, It's Showtime, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Little Big Shots, at Search For The Idol Philippines.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford says he and wife Coleen Garcia were planning to leave abroad after Congress junked ABS-CBN franchise application: "It was a lot of depressing moments.”
PHOTO/S: Courtesy: Usapang Real Life on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results