Jewelry company claims to be "original creator" of Jessy Mendiola's engagement ring; Luis Manzano reacts

by Julie E. Bonifacio
Dec 14, 2020
Luis Manzano proposed to Jessy Mendiola with a diamond engagement ring worth PHP5 million. Jessy herself designed it in collaboration with Manila Diamond Studio. However, another jewelry company claimed it is the "original creator."
PHOTO/S: @patdy11 on Instagram

Isang post sa Instagram ang pumukaw sa atensiyon ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano.

Tungkol ito sa mamahaling singsing na ipinagawa niya para sa fiancée na si Jessy Mendiola.

Umani ito ng atensiyon matapos makita ng netizens ang laki nito, at mabasa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang iba pang detalye gaya ng carats, color, at cost.

RELATED STORY

Nakasaad sa reports na likha ito ng Manila Diamond Studio.

Pero inalmahan ito ng jewelry company na Radiant Jewelry.

Ayon sa Instagram account nitong radiant.lux.jewelry, ang kumpanya nila, hindi ang Manila Diamond Studio ang orihinal na gumawa ng engagement ring ng aktres.

Narito ang full statement ng jewelry company:

"It is unfortunate that a company would insinuate a work for something that they did not do.

"We feel the need to inform the public that this is our work. We are the original creators of the engagement ring of Jessy Mendiola and Luis Manzano.

Continue reading below ↓

"In our opinion taking credit for something they did not do is detrimental to the industry that have ring makers who put their heart and soul to their pieces.

"Such a post or announcement is very misleading and unethical."

Radiant Jewelry

Agad namang nag-comment si Luis sa post.

Continue reading below ↓

Aniya, ang suot na singsing ni Jessy ay dinisenyo mismo ng aktres in collaboration with Manila Diamond Studio.

"So, the final design on Jessy's finger was from her own design and @maniladiamondstudio, not the one made by Radiant," paglilinaw ni Luis.

Pero may netizen na nagtanong kay Luis sa kanyang comment.

"So, bago ka mag-propose pina-check mo muna kay Jessy kung okey na sa kanya Tapos na-surprise si vakla kunwari? Ang galing! Hahaha"

Sagot ni Luis, "Actually, manood ka ng vlog soon to know how unique proposal"

Sinundan ito ng dalawa pang reply ni Luis sa sarkastikong tanong ng netizen:

"To know about our unique proposal. ALL DETAILS will be on the vlog soon."

WHICH JEWELRY COMPANY DESIGNED JESSY MENDIOLA'S RING?

Isang source na malapit sa couple ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng nangyari.

Ang source na ito rin ang nagsabi sa PEP.ph na almost five million pesos ang worth ng ring ni Jessy na may laking 3 to 4 carats and color D.

Continue reading below ↓

Kilala raw ni Jessy ang alahera na may-ari ng Radiant. And for a time, tinulungan daw ng aktres ang kompanya sa pagpo-promote ng produkto nito online.

At dahil kakilala siya ni Jessy, sa kanya unang ipinagawa ni Luis ang engagement ring.

Umabot daw sa mahigit-kumulang na PHP3.2 million ang ibinayad ni Luis sa nasabing kumpanya.

Pero hindi pa man nagaganap ang marriage proposal ni Luis kay Jessy, ipinakita at ipinasuot na ng Radiant ang engagement ring na ipinagawa ng TV host.

Ayon sa source, hindi raw ipinaalam kay Luis ang nangyari.

Kumbaga, mas nauna pang nagsuot ng singsing kay Jessy yung alahera kesa kay Luis na nagbayad ng singsing.

Dahil dito, nawala yung element of surprise ng marriage proposal ni Luis, at sobrang na-disappoint daw ang TV host.

Labis daw kasing nag-effort at naghanda ito para sa gagawin niyang proposal kay Jessy, pero na-preempt ang lahat dahil nakita at nasuot na ni Jessy ang ring.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng source, na-deprive daw si Luis ng once-in-a-lifetime experience na makita ang priceless reaction ni Jessy.

Pero imbes na magalit or mag-take ng legal action si Luis, mas pinili na lang nitong mag-isip ng paraan para mabura ang unpleasant experience nila.

The couple decided na ibahin na lang ang hitsura ng singsing.

Since nakita na ito ni Jessy, Luis just made her design sa kung ano ang gusto nitong hitsura for her engagement ring. Nagpatulong daw ang aktres sa Manila Diamond Studio.

Muli raw gumastos si Luis ng mahigit isang milyong piso para sa bagong disenyo ng engagement ring.

Dahil dito, umabot ng halos PHP5 million ang presyo ng engagement ring ni Jessy.

But the most important thing is, when Jessy looks at her ring, maaalala niya ang efforts ni Luis to make her engagement priceless.

Inanunsiyo nina Luis at Jessy ang kanilang engagement noong December 12, 2020, sa kanilang social-media accounts.

Continue reading below ↓

Samantala, kinontak ng PEP.ph ang Radiant Jewelry sa pamamagitan ng text at Facebook Messenge para kunin ang panig nito. Bukas ang website na ito sa magiging pahayag nila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano proposed to Jessy Mendiola with a diamond engagement ring worth PHP5 million. Jessy herself designed it in collaboration with Manila Diamond Studio. However, another jewelry company claimed it is the "original creator."
PHOTO/S: @patdy11 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results