Julia Barretto: “I wish I wasn’t so scared of people… it’s not something I’m proud of.”

by Jet Hitosis
Dec 14, 2020
Julia Barretto bashers vlog
In her latest vlog uploaded on Saturday, December 12, actress Julia Barretto answers random questions about herself while doing the spicy mukbang challenge.
PHOTO/S: Screengrab from Julia Barretto on YouTube

Dahil sa mga personal niyang naranasan kamakailan, “more scared of people” na raw ngayon si Julia Barretto.

Sinabi ito ng 23-year-old actress sa latest vlog niya nitong Sabado, December 12.

Sa vlog, sinagot ni Julia ang ilang random questions habang nagsasagawa ng “Spicy Mukbang Challenge.”

Sari-sari ang mga tanong na ibinato sa young actress, kabilang ang tungkol sa kanyang guilty pleasure, obsession, paboritong body part, madalas na pinagkakagastusan, at maging ang kanyang first kiss.

ULTIMATE CELEBRITY CRUSH

Sa tanong kung sino ang kanyang “ultimate celebrity crush,” nakangiti at paiwas na sumagot si Julia ng “none as of the moment.”

Pero nang usisain kung kailan ang huling pagkakataong nagsinungaling siya, inamin ni Julia na hindi siya nagsabi ng totoo nang sagutin niya ang tanong tungkol sa kanyang celebrity crush.

“That’s the last time I lied!” natatawang kambyo ni Julia.

“I do have a crush,” sinabi ng aktres pero hindi siya nagbigay ng pangalan.

Continue reading below ↓

HOME ALONE… AND NAKED

Sa tanong kung ano ang “things you tried doing naked,” napilitang aminin ni Julia na may mga pagkakataong natutulog siya nang walang anumang suot.

Isa raw ito sa mga benepisyo nang mag-isa lang nakatira sa bahay, aniya.

Mahigit isang taon nang namumuhay mag-isa si Julia sa sarili niyang bahay na malapit lang sa tirahan ng inang si Marjorie Barretto.

Kuwento ni Julia: “That’s one of the best things about living alone.

“You can sleep naked, you can get food naked, you can walk around the house naked.”

“SO SCARED OF PEOPLE”

Sa buong vlog, mabilis na nasasagot ni Julia ang anumang itanong sa kanya.

Pero nang sabihan siyang kumpletuhin ang sentence na “I wish I wasn’t scared to…,” natigilan si Julia at mistulang ayaw sagutin ang tanong.

Nagbiro pa ang aktres na naiiyak siya sa pag-iisip ng isasagot sa question.

Kalaunan, seryosong sumagot si Julia: “I wish I wasn’t so scared of people.

Continue reading below ↓

“I think it’s definitely not something I’m proud of.

“But it just happened recently that I’m just more scared of people now—unfortunately.”

Sa puntong ito, kaagad iniba ni Julia ang usapan upang maiwasang mag-elaborate pa sa kanyang isinagot.

JULIA AGAINST BASHERS

Bagamat walang paliwanag si Julia kung bakit “scared” siya sa mga tao sa ngayon, mahihinuhang may kinalaman ito sa matinding pamba-bash na inabot niya mula sa netizens noong nakaraang taon.

Kalagitnaan ng 2019 nang naging tampulan ng pambabatikos si Julia, kasunod ng breakup nila ng dati niyang loveteam partner na si Joshua Garcia.

Ang young actress kasi ang sinisi ng marami sa pagtatapos ng matagumpay nilang tambalan ni Joshua, na binansagang “JoshLia.”

Makalipas ang ilang linggo, lalo pang kinuyog ng bashers si Julia nang ituro siyang third party sa breakup ng kapwa Kapamilya artists na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Mabilis na itinanggi nina Julia at Gerald ang tungkol dito.

Continue reading below ↓

JULIA REFUSES TO NAME BOYFRIEND

Kasunod ng mapanghamong kabanatang ito sa buhay ni Julia, nagdesisyon ang young actress na gawing pribado ang maraming detalye sa kanyang buhay.

Tulad na lang ng pagkakakilanlan ng bago niyang boyfriend.

Inamin ni Julia ang tungkol sa bago niyang pag-ibig sa isang Instagram post para sa kanyang 23rd birthday noong March 10, 2020.

Halos mag-iisang taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay tumatanggi pa rin si Julia na pangalanan ang bagong taong nagpapasaya sa kanya.

Sa isang radio interview noong May 12, sinabi ni Julia na kung may mahalagang bagay man siyang natutuhan sa kontrobersiya noong 2019, iyon ay ang hindi pagsasapubliko ng lahat tungkol sa kanyang personal na buhay.

Iyon daw ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan ni Julia ang kanyang love life.

“I think, the less people know about something, the less they could have an opinion about it,” sinabi ni Julia sa radio interview.

Continue reading below ↓

“So now, I want things to work out, I want things to last.

“I’m gonna protect it with all that I have.

“I’m gonna keep a lot of things to myself from now on when it comes to that aspect in my life,” ani Julia, tinukoy ang kanyang love life.

CEASELESS RUMORS BETWEEN JULIA & GERALD

Gayunman, habang patuloy na inililihim ni Julia ang tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend, mas tumitindi ang paniniwala ng publiko na si Gerald ang nobyong hindi mailantad-lantad ng young actress.

Mismong fans ang nag-uulat ng sightings kina Julia at Gerald sa maraming pagkakataon.

Gaya nang dalhin daw ni Gerald si Julia sa noon ay ipinapagawa pa lang na private resort ng aktor sa Zambales noong August.

O noong pumasyal daw ang pamilya ni Julia sa resort ni Gerald noong October.

O kaya ang magkasama raw na pagte-trekking nina Julia at Gerald sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal nitong November.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her latest vlog uploaded on Saturday, December 12, actress Julia Barretto answers random questions about herself while doing the spicy mukbang challenge.
PHOTO/S: Screengrab from Julia Barretto on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results