Nag-last taping day na ang Masked Singer Pilipinas (MSP).
Ito ay ayon kay Aga Muhlach, isa sa mga hurado ng singing competition ng TV5.
Ano ang plano niya pagkatapos ng kanyang pagiging hurado sa MSP?
Sagot ni Aga sa panayam niya sa Usapang Real Life noong Sabado, December 12, “Should I say this? Yes. Next year, it’s either I do it or forget about it.
“If I’m not at my fittest next year, then I should be done.”
Ikinagulat ito ng host na si Luchi Cruz-Valdes. Sabi nito, hindi pa napapanahon ang pagreretiro ng nag-iisang Aga Muhlach sa showbiz.
Paliwanag ng 51-year-old actor, “Again, I cannot short-change my viewers, my audience.
“If I wanna do nice films, believable character, I have to look like an actor which is like to be fit.
"I think that’s the responsibility of an actor, you should look physically presentable and believable.”
Dagdag pa ni Aga, baka hindi muna siya magparamdam sa showbiz kapag hindi pa rin siya pumayat. Marami kasi ang nakapansing nadagdagan ng timbang ang aktor.
Aniya, “Parang it’s about time, if I’m gonna be not at my fittest next year, siguro huwag muna akong magpapakita.”
WANTS TO DO RADIO
May mga moment bang naiisip ni Aga na pa-ending na yung career niya? Or laos na siya?
Masakit man daw na salita, pero ito raw ang mga iniiwasang salita ng mga taong nasa showbiz katulad ni Aga.
Tugon niya, dapat itong tingnan sa positibong pananaw ng mga nasa mundo ng showbiz.
Hindi naman daw forever na marami kang gagawing proyekto at maraming offers mula sa mga producers para sa kanila.
Saad niya, “It’s always acceptance, acceptance is very important. Reality is important.
“We should always really determine what is real and what is not.
"Like, in terms of work. Many times in my younger years, I felt that."
Samantala, matagal nang hindi aktibo si Aga sa social media.
Bumalik lamang daw siya sa Instagram nitong bago magsimula ang Masked Singer Pilipinas para makapag-promote ng palabas.
Ngayon, kung hindi man daw siya magbalik-telebisyon o pelikula, gusto ni Aga na mag-venture sa radyo.
Sabi niya, “Gusto ko mag-radio. Mahilig ako manood, di ba may teleradyo?
“Ang radyo is light, people is as real as it gets.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika