Anthony Taberna jokes about MMDA enforcer letting him pass without a license because of John Lloyd Cruz

by Arniel C. Serato
Dec 15, 2020
Anthony Taberna John Lloyd Cruz selfie
Anthony Taberna posts selfie with comebacking actor John Lloyd Cruz with funny caption.
PHOTO/S: Courtesy: Anthony Taberna on Facebook

Pinusuan ng netizens ang bagong post sa Facebook at Instagram ng broadcaster na si Anthony Taberna.

Kasama niya sa larawan ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Biro pa niya, nakalusot daw siya sa isang enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kahit wala siyang lisensiya.

Ito ay sa kadahilanang napagkamalan siyang si John Lloyd.

Caption ni Anthony sa kanyang post, “MMDA Enforcer to me: Sir, coding po. Lisensya po.

"Me: Sorry sir, heto po lisensya ko.

"MMDA Enforcer: Ay Sir John Lloyd, ikaw pala yan! Sige na po!"

Continue reading below ↓

Malinaw na biro at kathang-isip lamang ang post ng DZRH anchor dahil hindi pa ipinatutupad muli ang coding scheme na sinuspende noong nagsimula ang enforced lockdown dahil sa COVID-19.

Marami naman sa mga komento sa Facebook ang nasasabik na sa pagbabalik ni John Lloyd sa limelight.

JOHN LLOYD ALSO MEETS WITH ARNOLD CLAVIO

Sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi naman ng Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio ang isang short clip ng pagkikita nila ni John Lloyd kagabi, December 14.

Caption niya, “Isang gabi ng kuwentuhan at tawanan with @johnlloydcruztm . Abangan ang kanyang pagbabalik sa ilalim ng @brightlightprodph

“Good night mga ‘iGan.”

Arnold Clavio John Lloyd Cruz photo

Continue reading below ↓

Mukhang wala na ngang hadlang sa pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd dahil sa loob ng isang araw, dalawang bigating broadcasters ang nakasalumuha nito.

Balitang isang sitcom ang gagawin ng aktor sa TV5. Ipoprodyus Brightlight Production ni dating Congressman Albee Benitez at ididirek ni Edgar Mortiz.

Huling bahagi ng 2017 inanunsiyo ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN na dating namamahala sa career ng aktor, na magli-leave of absence muna ito sa showbiz.

Kasunod ito ng pagkakamabutihan nila ng co-star niya sa Home Sweetie Home na si Ellen Adarna.

November 2017, pumutok ang balitang nagdadalantao si Ellen, at si John Lloyd ang ama.

June 2018, isinilang ni Ellen ang anak nila ng aktor at pinangalanan nila itong Elias Modesto.

August 2018 nang naghiwalay ang dalawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna posts selfie with comebacking actor John Lloyd Cruz with funny caption.
PHOTO/S: Courtesy: Anthony Taberna on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results