Matet de Leon takes a swipe at Noranians

by Bernie V. Franco
Dec 15, 2020
Matet and Nora
Matet de Leon (left) to fans of her mom Nora Aunor (right): "Para kaming nakatali, naka busal, habang sinasampal sampal.." Nora has a long-standing rift with children, such as Ian de Leon and Lotlot de Leon.
PHOTO/S: @misismatet on Instagram / Noel Orsal

Hindi na rin nagpapigil si Matet de Leon magsalita sa isyung kinasasangkutan ng kapatid na si Ian de Leon at ina nilang si Nora Aunor.

Nag-react si Matet kasunod ng paglalabas ng hinaing ng kampo nina Ian at Nora, matapos hindi siputin ni Ian ang inorganisang birthday party ng kanilang ina noong December 11, 2020.

Nais kasi ni Ian na maging pribado ang pagbabati at pagkikita nilang mag-ina.

Gusto naman ni Nora na gamitin sa vlog niya ang pagbabati at mga kaganapan sa party. May nais ding papuntahing tao si Nora sa pagkikita nilang iyon.

Matutuldukan na sana ang matagal na panahong hindi pag-uusap ng mag-ina.

Nagpakita naman ng suporta sina Lotlot de Leon at Matet kay Ian sa pamamagitan ng Instagram posts.

Kagaya ni Ian, may matagal na ring tampuhan sina Lotlot at Nora.

Si Ian ay anak ng Superstar sa dati nitong asawang si Christopher de Leon.

Bago pa man isilang si Ian, inampon na nina Nora at Christopher si Lotlot.

Continue reading below ↓

Bukod kay Lotlot, adopted din ng Superstar sina Matet, Kenneth, at Kiko.

MATET TAKES A SWIPE AT NORANIANS

Kaugnay ng isyu nina Nora at Ian, sinagot ni Lotlot ang isang netizen na nagkomentong hindi sinipot ni Ian ang salu-salong inihanda ng kanilang ina.

Mensahe ni Lotlot sa mga tagasuporta ni Nora, alamin muna ang buong istorya at huwag basta-basta manghuhusga.

May post din sina Lotlot at Matet para ipahayag ang pagmamahal kay Ian sa gitna ng isyu.

Bandang hatinggabi nitong Martes, December 15, nag-iwan ng mensahe si Matet.

Ipinost niya ang isang quote tungkol sa mga taong “delusional,” na naniniwalang kawalang respeto kapag kumibo ang isang tao kahit na ito ay binabastos na.

Ganito ang quote: “Some people are really so delusional that they think it’s disrespectful when you don’t just sit back and allow them continue to disrespect you.”

Sa kanyang maiksing caption, tahasang binanggit ni Matet ang "Noranians," ang tawag sa fans ni Nora.

Continue reading below ↓

Sabi ni Matet: “NORANIANS” para kaming nakatali, naka busal, habang sinasampal sampal.. [laughing face with tears emoji]

Naka-off ang comments section, kaya walang makapagkomento sa post na ito ni Matet.

IAN’S VIDEO

Matapos masulat ang hindi pagsipot ni Ian sa inihandang salu-salo ng ina, naglabas ng video si Ian noong Linggo, December 13.

Continue reading below ↓

Nagpaliwanag ang aktor dahil tila lumalabas na siya ang masama dahil umatras siya sa inorganisang salu-salo ng ina matapos niya itong oohan.

Binanggit din niyang madalas siyang nakararanas ng mga batikos sa matagal na panahon. Pero naglakas-loob siyang magsalita para ilabas ang kanyang panig sa kabila ng mga batikos.

Kuwento ni Ian, matapos silang magkabati ng kanyang ina sa telepono kamakailan, ipinaalam sa kanya ng Superstar na nagplano ito ng birthday party para sa kanya.

Pero pagsapit ng araw ng party, dalawang oras bago magsimula ang pagkikita, umurong si Ian.

Hindi raw niya nagustuhan ang hiling ng ina na i-vlog ang kanilang pagbabati at maisapubliko ang kanilang pagkikita.

Ani Ian, gusto niyang magkita silang mag-ina nang pribado—walang kamera at walang ibang tao.

Mahihinuhang ayaw ni Ian na magamit bilang publicity stint ang pagbabati nilang ina, na may ipinu-promote ngayong pelikula.

Ibinahagi rin ni Ian sa video na nag-request ang ina na papuntahin ang isang tao sa party.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Ian na hindi siya magiging kumportable kapag dumalo ang taong ito.

Hindi tinukoy ni Ian kung sino ito, pero malaki ang posibilidad na ito ay si John Rendez, ang long-time companion ni Nora.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi maganda ang relasyon ni John sa mga mga anak ni Nora.

Sa kanyang video ay nakiusap si Ian sa ina na tanggalin nito ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil naghihintay lamang sa kanyang pamilya.

Pahayag ni Ian, “Ilang taon na kayo, Ma. Bigyan niyo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka araw-araw.

“Pakiusap, Ma, ang mga tao sa paligid niyo, alisin niyo na 'yan.

“Pamilya mo naman. Nakikiusap ako bilang anak mo, bilang anak mo na nagmamahal sa ‘yo.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon (left) to fans of her mom Nora Aunor (right): "Para kaming nakatali, naka busal, habang sinasampal sampal.." Nora has a long-standing rift with children, such as Ian de Leon and Lotlot de Leon.
PHOTO/S: @misismatet on Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results