Derek Ramsay literally claps back at basher who said “puro tikim sa babae, lalaki kc ang gusto”

by Jet Hitosis
Dec 15, 2020
Derek Ramsay bashers
On December 13, actor Derek Ramsay posts a photo of himself with his nephew. Bashers take this opportunity to question Derek's gender by saying he is "lalaki kasi ang gusto" and is into "flirting time" again a month after breaking up with actress Andrea Torres.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

Hindi pa rin tinatantanan ng pamba-bash si Derek Ramsay kaugnay ng breakup nila ni Andrea Torres may isang buwan na ang nakalipas.

Ibinunton kasi ng netizens kay Derek, 44, ang sisi sa biglaang hiwalayan nila ni Andrea, 30, nitong November 17.

Iyon ay kahit kapwa hindi nagbigay ng detalye sina Derek at Andrea sa totoong dahilan ng pagtatapos ng mahigit isang taon nilang relasyon.

Simula noon ay pinuputakti na ng pamba-bash ang actor-athlete, habang marami naman ang nakisimpatiya sa Kapuso actress.

Pero sa halip na sawaan sa paglipas ng mga araw, lumala pa ang mga pambabatikos at pang-iinsultong natatanggap ni Derek mula sa mga nagkokomento sa kanyang Instagram posts.

Sa kanyang latest post nitong Linggo, December 13, ilang bashers ang dumating na sa puntong iniintriga maging ang kasarian ng hunk actor.

Ito ang naging reaksiyon nila sa mga litratong ipinost ni Derek, kung saan kasama niya ang binatang pamangkin.

Nasa bakasyon ang magtiyuhin, na parehong nakasuot ng sombrero, swim shorts, at walang damit pang-itaas.

Continue reading below ↓

Caption ni Derek: “Love and live life! [four rock on emojis]”

Derek Ramsay nephew post

BASHERS QUESTION DEREK’S GENDER

Malinaw ang malisya ng isang netizen sa litratong ipinost ni Derek nang nagkomento ito ng “parang may naamoy aq [laughing with tears emoji].”

Na-gets naman ni Derek ang ipinahihiwatig ng netizen kaya sinabi niyang “nephew” niya ang nasa picture.

Continue reading below ↓

Sinegundahan ng isa pang netizen ang malisyosong comment na ito. Sarkastikong sabi nito, nasa “flirting time” na naman daw ang aktor, base sa litrato.

Muli, sumagot si Derek na pamangkin niya ang nasa litrato.

Pero sa pagkakataong ito, may diin ang pagkaka-reply ng aktor: “oo nga! With my nephew po!”

Continue reading below ↓

Kung pasimple ang pang-iinsulto ng dalawang naunang netizens sa kasarian ni Derek, garapalang ikinomento ng isa pa ang gustong sabihin ng dalawang nauna.

Diretsahang pamba-bash nito: “puro tikim sa babae, lalaki kc ang gusto.”

Apat na clapping emojis lang ang reply ni Derek sa basher.

Continue reading below ↓

Samantala, isa namang lalaking basher ang tumawag kay Derek ng “f*ckboy numero uno.”

Sa halip na magalit ang aktor, kalmado niyang sinabihan ang basher na i-unfollow na lang siya nito sa Instagram.

“TAO RIN KAMI...”

Sa isang radio interview nitong Linggo, December 13, naglabas ng saloobin si Derek kaugnay ng mga natatanggap niyang pambabatikos.

Continue reading below ↓

Aminado ang aktor na nasasaktan siya sa sinasabi ng mga bashers.

Hindi raw kasi maiwasang madamay ang kanyang pamilya sa masasamang sinasabi sa kanya ng netizens.

“For them to talk about me like that… artista tayo, it comes with the territory.

“Pero alam mo, tao rin kami. Masakit na kung anu-ano na lang ang pwedeng sabihin,” sabi ni Derek.

Naghimutok din si Derek sa pagli-link sa kanya ng netizens sa iba’t ibang babae, kabilang na sa singer na si Pops Fernandez.

“Actually, nabuntis ko na nga ang buong Pilipinas, e, parang ganun na nga, e.

“Makikita na lang siguro natin in nine months.

“At sana naman, ang mga bashers, after nine months na makita nila na hindi totoo yung mga sinabi nila, mag-sorry na lang sila, sana," himutok ni Derek.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On December 13, actor Derek Ramsay posts a photo of himself with his nephew. Bashers take this opportunity to question Derek's gender by saying he is "lalaki kasi ang gusto" and is into "flirting time" again a month after breaking up with actress Andrea Torres.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results