Rabiya Mateo cries foul after Indonesian pageant fans bullied her for an edited video

by Bernie V. Franco
Dec 16, 2020
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo reacts to Indonesian fans criticizing her for a kontrabida scenario: "This video was cut and some people are making issues out of this and trying to bully me in IG."
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

Star syndrome, attitude, totoong pagkatao.

Ilan ito sa masasakit na paglalarawan ng ilang Indonesian netizens kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil sa isang acting scenario na nai-post sa social media.

Nakarating kay Rabiya ang pambu-bully sa kanya ng ilang Indonesian netizens kaya sinagot niya ang mga maling paratang.

Nagsimula ang isyu nang i-post ng isang Indonesian pageant enthusiast sa Instagram ang video clip mula sa isang recent online interview ni Rabiya.

Na-interview si Rabiya ng hosts ng isang pageant vlog noong December 11, 2020.

Sa isang bahagi ng interview, nabanggit ni Rabiya na gusto niyang gumanap ng kontrabida roles kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong umarte.

Isa sa hosts ang nagbigay ng scenario kay Rabiya: ano ang “Oscar-award performance” dialogue niya sa eksenang nanalo siya sa beauty pageant, pero nagprotesta ang kanyang first runner-up?

Umarte si Rabiya.

Habang nakapamewang, ito ang binitawan niyang dialogue: “Girl, what are you doing? Like, can’t you accept that I defeated you in the first place?

Continue reading below ↓

"Like, you can ruin my crown, my moment, but you cannot take away the fact that I won this competition.”

Bago magtapos ay may idadagdag pa raw na last line si Rabiya: “I’m a Filipino and don’t mess [with me].”

Ang bahaging ito ang ipinost ng Indonesian pageant fan, na humingi pa ng reaksiyon sa netizens.

Nasa wikang Indonesian ang sagot ng netizens, pero sa pamamagitan ng Google translate, matutukoy na marami ang bumatikos kay Rabiya.

Komento ng isa, may “star syndrome” daw ang Ilongga beauty queen.

Sabi naman ng iba pa, ngayon pa lang ay nalaman na ng mga tao ang totoong pagkatao ni Rabiya at ang tunay niyang ugali.

RABIYA CRIES FOUL

Hindi pinalampas ni Rabiya ang aniya’y pambu-bully sa kanya ng mga nagkomentong Indonesians.

Kahapon, December 15, 2020, sunud-sunod ang post sa Instagram Story ni Rabiya upang ipagtanggol ang sarili.

Aniya, may mga nag-edit ng video para gawan siya ng isyu.

Continue reading below ↓

“This needs to stop. This video was cut and some people are making issues out of this and trying to bully me in IG,” simula ng Filipino-Indian beauty queen.

Hindi raw kasi naipaliwanag nang maayos ang pinanggalingan ng clip.

Pinutol daw sa video ang disclaimer na ginawa ni Rabiya bago at pagkatapos niyang gawin ang pag-arte.

Paliwanag ni Rabiya (published as is): “In the first part of the video which was not included here was we talked about the fact that if Im gonna accept any role in the future I wanted to be an antagonist because I really wanna challenge myself.

“The hosts gave me a situation and I had a disclaimer that this is just a role before and after this video which was also cut.”

Continue reading below ↓

Wala raw siyang sinumang kandidatang siniraan. Hindi rin daw siya pabor sa pambu-bully kahit sa public figures.

“I have never done anything to discredit or insult other candidates but putting words in my mouth and creating problems out of nothing is just toxic and it has to stop.

“No one should be bullied even public figures because that is unkind and pure evil.

“We can support our own candidates without destroying others. This needs to stop.

“I have nothing but love and admiration for Indonesians.”

Continue reading below ↓

Sa huli, nakiusap si Rabiya na huwag gawing normal ang pambu-bully sa social media dahil mali ito.

“Pageants should be fun. We need to create a positive image in empowering women.

“I know bashers will always be there but can we not normalize things that are evil and not right?

“Hatred is an acquired behavior.

“We can surely unlearn it and start doing the right thing.”

Continue reading below ↓

Samantala, muling nag-post ang Indonesian pageant account upang linawin ang tungkol sa isyu.

Sabi nito, "Case closed."

Nilinaw ritong ang video clip na ipinost niya ay galing sa isang mahabang online interview ni Rabiya kasama ang tatlong pageant enthusiasts.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo reacts to Indonesian fans criticizing her for a kontrabida scenario: "This video was cut and some people are making issues out of this and trying to bully me in IG."
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results