Ivana Alawi shares earnings from 10M subscribers on YouTube; gives out cash, food packs to homeless families

by Jet Hitosis
Dec 16, 2020
Ivana Alawi helping homeless
Actress-vlogger Ivana Alawi distributes food packs and hands out cash gifts to homeless families to celebrate her reaching the 10 million-subscribers mark on YouTube just after 14 months on the platform.
PHOTO/S: Screengrab from Ivana Alawi on YouTube

Mga taong lansangan ang nakinabang sa pagdami ng YouTube subscribers ng sexy actress na si Ivana Alawi.

Mas kilala bilang social media star, umaabot na ngayon sa 10.3 million ang naka-subscribe sa YouTube channel ni Ivana, 23.

Iyon ay kahit August 2019 lang sinimulan ni Ivana ang pagba-vlog.

Inaasahang tatanggap si Ivana ng Diamond Play Button, na ibinibigay ng YouTube sa vloggers na umabot na sa sampung milyon ang subscribers.

Sa kanyang latest vlog nitong Linggo, December 13, sinabi ni Ivana na gusto niyang gawing “simple lang” ang pagse-celebrate ng kanyang 10 million subscribers.

“Ayaw ko talagang gumastos nang malaki para sa celebration kung pwede naman nating itulong sa mga taong nangangailangan ngayon,” sabi ni Ivana.

Dahil dito, naisip daw ng actress-vlogger na mamili ng grocery items na “ipapamigay natin sa mga taong nangangailangan.”

CASH, FOOD PACKS FOR HOMELESS FAMILIES

Sa vlog, ipinakitang pinakyaw ni Ivana ang mga food packs at fruit baskets na nasa isang supermarket.

Nagpa-customize rin si Ivana ng grocery baskets, na mayroong bigas, peanut butter jar, orange juice, chocolate candies, at hamon de bola bawat isa.

Pagkatapos, binaybay ni Ivana ang kalsada at isa-isang hinintuan ang mga pamilyang sa lansangan na nakatira.

Bukod sa grocery at fruit baskets na ibinibigay sa bawat pamilya, inabutan din sila ni Ivana ng PHP10,000 cash.

Todo-pasasalamat naman ang mga tumanggap ng maagang pamasko mula sa actress-vlogger.

Bukod dito, inanunsiyo rin ni Ivana sa kanyang vlog na magkakaloob siya ng two-year course scholarship sa 10 estudyante.

Ang mga tatanggap ng scholarships ay pipiliin ni Ivana mula sa mga magkokomento sa kanyang vlog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VLOG EARNINGS

Isa si Ivana sa pinakamatatagumpay na celebrity vloggers sa bansa.

Online challenges at pranks ang karamihan sa kanyang video content.

Kadalasang tampok sa vlogs ng aktres ang kanyang inang si Fatima at ang mga kapatid niyang sina Hashim at Mona.

Pinakapatok sa lahat ng vlogs ni Ivana ang “A Day in my Life,” na in-upload niya noong October 30, 2019.

At press time, umabot na sa 24 million ang views ng nabanggit na vlog niya.

Dati nang sinabi ni Ivana na kumikita siya ng "five to six digits" sa kanyang YouTube videos.

Hindi raw niya ginagastos kundi iniipon lang ang lahat ng kinikita niya sa vlogging.

Gagamitin daw kasi ni Ivana ang pera para maipagpagawa ng dream house ang kanyang ina.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-vlogger Ivana Alawi distributes food packs and hands out cash gifts to homeless families to celebrate her reaching the 10 million-subscribers mark on YouTube just after 14 months on the platform.
PHOTO/S: Screengrab from Ivana Alawi on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results