Billy Crawford recalls battle as borderline alcoholic: “I was always just ready to leave this world.”

by Arniel C. Serato
Dec 16, 2020
Billy Crawford alcoholic
Billy Crawford on being a borderline alcoholic: "I became very aggressive, mainitin ang ulo when I’m with alcohol. It took those hard falls, to be honest with you, like, it took me being locked up, it took me… I was always just ready to just go."
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram

Binalikan ni Billy Crawford ang laban niya sa alcohol may ilang taon na ang nakararaan.

Sa programang Usapang Real Life ng TV5 noong Sabado, December 12, naungkat ng host na si Luchi Cruz-Valdes kung naging alcoholic nga ba si Billy noon.

“Pretty much. Borderline, yeah,” pag-amin ng Masked Singer Pilipinas host.

Ang “borderline alcoholic” na wisyo ng isang tao ay hindi pa talaga ganap na alcoholic, pero ilang porsiyento na lang ay tuluyan na itong magiging alcoholic.

Dagdag pang pahayag ng 38-year-old singer-TV host, “I would actually go to work sometimes still drunk. Yeah.

“I would wake up in the morning, have a shot of whisky, and do whatever I need to do.”

Ayon pa sa kanya, minsan ay nakakaubos siya ng isang bote ng whiskey sa isang araw.

“I was at the point of uncontrollable drinking.”

Sabi naman ng asawa ni Billy na si Coleen Garcia, “He had to go through with so many lows, he had to fall so many times.”

Continue reading below ↓

Pero nauunawaan daw niya si Billy na noon ay boyfriend pa lamang niya.

Saad ni Coleen, “Sometimes it’s not as simple as waking up one day and saying, ‘Ah, I think I’m gonna quit.’

“You sometimes... you really have to fall before you realize na, 'Okay, I think this is messed up. I think this is messing me up and messing my relationships up so I have to change.'

“For him, there were a lot of those.”

BILLY: "I BECAME VERY AGGRESSIVE..."

Ano ba ang naging eye-opener para kay Billy upang talikuran ang kanyang bisyo?

Dito na idinetalye ni Billy ang mga pangyayaring nagdulot sa kanya sa kapahamakan.

Sa Halloween celebration daw nila sa Hong Kong, nag-inuman sila ni Coleen na kasintahan pa lang niya noon. Lasing daw sina Billy at si Coleen pero kontralado ng huli ang sitwasyon.

Na-harass daw si Coleen ng isang banyagang hinipuan sa puwet ang aktres.

Continue reading below ↓

May lumabas na balita noong naaresto diumano si Billy sa Hong Kong dahil kinumpronta nito ang nambastos kay Coleen.

Dumating din daw ang puntong naging suicidal na si Billy.

Nangyari pa raw ang pagkaaresto sa kanya ng Taguig police matapos ang Star Magic Ball dahil sa malicious mischief noong September 2014.

Wala raw magandang naidulot sa kanya ang pag-inom.

Sabi ni Billy, “Siguro, that [alcohol] was my kryptonite in my life. I knew it was weighing me down.”

Ganun din daw ang ama ni Billy, na mahilig ding uminom noon sa Texas, USA.

Dagdag pa ng singer-TV host, “I became very aggressive, mainitin ang ulo when I’m with alcohol.

“It took those hard falls, to be honest with you, like it took me being locked up, it took me… I was always just ready to just go.

“I was always just ready to leave this world and without any hesitations when I was depressed. When I was sad.

Continue reading below ↓

“But that’s the point, e. I didn’t have any reason to be depressed.

“I didn’t had any reason to be sad.”

Sabat ni Coleen, “It’s a substance that messes with you.”

Bukod sa alcohol, chainsmoker din daw si Billy noon. Nakakaubos daw siya ng apat na kaha ng sigarilyo sa isang araw.

Pero ngayon, anim na taon na siyang hindi naninigarilyo.

Tatlong taon naman na siyang hindi umiinom.

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression.

Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on being a borderline alcoholic: "I became very aggressive, mainitin ang ulo when I’m with alcohol. It took those hard falls, to be honest with you, like, it took me being locked up, it took me… I was always just ready to just go."
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results