Joshua Garcia: "Nung nawalan ng trabaho yung tatay ko, dun ko na-realize na walang-wala kami."

by Rachelle Siazon
Dec 17, 2020
Joshua Garcia room
Joshua Garcia on overcoming tough family problems before he joined showbiz: "Kahit na wala kaming kaya sa buhay, kung anong meron ako kuntento na ako. Yun ang di ko inaalis sa isip ko."
PHOTO/S: PEP Exclusives

Baon pa rin ni Joshua Garcia sa kanyang alaala ang mga dinaanang pagsubok sa buhay na bumuo sa kanyang pagkatao.

Si Joshua, 23, ay ipinanganak at lumaki sa probinsiya ng Batangas.

Tandang-tanda pa raw niyang may panahong naging "pasaway" siya noong high school days niya.

Kuwento ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Paano ba ako dumating sa puntong iyon?

"Part kasi ako dati ng folk dance group. Nag-tour na kami sa Italy, nag-tour kami sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

"And then, may one time na di ako nakasama sa isang tour sa U.S. Dun ako nagsimula magbulakbol.

"Nag-automatic na nagkaka-cutting classes ako."

Napapangiti si Joshua habang nagbabalik-tanaw sa kanyang kapilyuhan noon.

Pero payo niya sa mga ibang kabataan ngayon, "Masama yun mga bata. Huwag niyo tularan."

Ikinuwento ito ni Joshua sa PEP Exclusives, ang on-cam interview ng PEP.ph, noong Biyernes, December 11.

JOSHUA'S FATHER LOSES HIS JOB

Napagtanto raw ni Joshua ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganung oportunidad.

Continue reading below ↓

Patuloy ng Kapamilya actor, "Hanggang sa bumalik ako ng third year high school, 'tapos nawalan ng trabaho yung tatay ko.

"Dun ko na-realize na walang-wala talaga kami.

"So, inayos ko yung pag-aaral ko."

Binalikan din ni Joshua ang pagkakataong humingi siya ng baon sa kanyang ama.

Sinabihan daw siyang kumuha lang ng pera sa wallet ng ama.

Pero nang makita raw ni Joshua na PHP20 lang ang laman ng wallet nito, pumasok na lang daw siya sa school nang walang baon.

JOSHUA STOPS SCHOOLING

Kinalaunan, napilitang huminto sa pag-aaral si Joshua.

Lahad niya, "Nung inayos ko yung pag-aaral ko, first grading, okay yung grades ko.

"Second grading, nag-stop na ako sa pag-school ko.

"Kasi yung ate ko [ang pinagpatuloy munang mag-aral]. Isa lang kaya paaralin ng tatay ko."

Nasubok daw muli ang tibay ng kanilang pamilya nang mabuntis ang kanyang nakatatandang kapatid.

Ani Joshua, "Tapos ayun, hanggang sa nabalitaan namin na nabuntis na si Ate. Pero matagal na naman yun."

Continue reading below ↓

Tanggap ni Joshua ang hirap ng buhay na pinagdaanan ng kanilang pamilya noon.

Paano niya nalampasan iyon sa kanyang murang edad?

Sagot ni Joshua, "Siguro dahil kuntento ako sa buhay kung anong meron ako.

"Kahit na wala kaming kaya sa buhay, kung anong meron ako, kuntento na ako.

"Parang that time, ganun yung thinking ko. Yun ang di ko inaalis sa isip ko."

JOSHUA joins showbiz

Pagkatapos daw mabuntis ng ate ni Joshua, saka raw siya sumali bilang housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Seventeen years old noon si Joshua.

Hindi man nanalo sa PBB, naging matagumpay si Joshua nang sumabak siya sa show business.

Napansin ang kanyang galing sa pag-arte sa sunud-sunod na pinagbidahan niyang teleserye: Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015), The Greatest Love (2016-2017), The Good Son (2017-2018), Ngayon at Kailanman (2018-2019), at The Killer Bride (2019-2020).

Nakilala rin si Joshua sa tambalan nila ng dating reel-and-real-life sweetheart na si Julia Barretto (JoshLia) sa mga pelikulang Vince & Kath & James (2016), Love You To The Stars and Back (2017), at I Love You Hater (2018).

Continue reading below ↓

Noon lamang December 12 ay nagpakitang-gilas muli si Joshua sa madamdaming episode ng Maalaala Mo Kaya. Gumanap siya bilang isang estudyanteng may tuberculosis pero pinilit makatapos ng pag-aaral para maiangat ang pamilya sa kahirapan.

Sa tunay na buhay, kasalukuyang ipinagpapatuloy ni Joshua ang kanyang pag-aaral. Nasa first year college siya at kumukuha ng kursong entrepreneurship.

Panoorin ang full interview ni Joshua Garcia sa PEP Exclusives:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on overcoming tough family problems before he joined showbiz: "Kahit na wala kaming kaya sa buhay, kung anong meron ako kuntento na ako. Yun ang di ko inaalis sa isip ko."
PHOTO/S: PEP Exclusives
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results