Jackie Forster gives tips on how to find true love; banters with admirers of sons Kobe, Andre

by Rachelle Siazon
Dec 17, 2020
Jackie Forster: "One day ladies, you will find a person to complete your life. You first need to be whole. Pray for someone who accepts the beauty but also the crazy (fun Ha!? Huwag naman psychotic) and the 'ugly' side of you - whole heartedly, lovingly and willingly."
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram

Tila wala nang mahihiling pa si Jackie Forster pagdating sa kanyang masayang buhay may-asawa.

Natagpuan daw niya sa second husband na si Michel Franken ang tunay na pag-ibig dahil tanggap nito ang buo niyang pagkatao.

Si Michel ay isang Dutch na nagtatrabaho sa isang multinational company.

Mayroong tatlong anak sina Jackie at Michel—Jared, Caleigh, at Yohan.

Mahigit labintatlong taon na ang relasyon nila bilang couple.

Sa Instagram post niya ngayong Huwebes, December 17, nagbigay si Jackie ng payo sa kanyang followers pagdating sa pagpili ng taong mamahalin.

Pahayag niya: "One day ladies, you will find a person to complete your life.

"You first need to be whole.

"Pray for someone who accepts the beauty but also the crazy (fun Ha!? Huwag naman psychotic) and the 'ugly' side of you - whole heartedly, lovingly and willingly."

Tingin daw ni Jackie ay malaking tulong ang pagdarasal kaya inaani niya ang magagandang biyaya sa kanyang buhay ngayon.

Continue reading below ↓

Payo pa niya: "Keep praying and keep doing good.

"Don’t be stupid, have boundaries but don’t intentionally say or do bad things to other people.

"Your prayers will be answered, in Gods time. Meanwhile keep working on - You, beautiful!"

Kalakip ng inspirational post ni Jackie ay ang litrato nila ni Michel na kuha sa kanilang bakasyon sa Boracay kamakailan.

ADMIRERS OF JACKIE'S SONS KOBE, ANDRE

Sa comments section, may mga followers si Jackie na nagbiro na ang dasal daw nila ay masungkit ang mga binatang anak ng aktres.

Hinahangaan daw ng mga ito sina Kobe at Andre Paras, mga anak ni Jackie sa ex-husband na si Benjie Paras.

Si Kobe, 23, ay bahagi ng Gilas Pilipinas basketball team para sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Si Andre, 25, naman ay Kapuso star na napapanood sa primetime series na Descendants of The Sun.

Hirit ng isang netizen, "I'm always praying po to marry Kobe someday."

Continue reading below ↓

Sumagot si Jackie na mahaba raw ang pila sa mga tagahanga ng anak na si Kobe.

Pabirong saad ni Jackie (published as is): "please dm me your ticket number baby girl, naka reject Nako ng 1,247 due to failed background check, I found malicious intent."


Umapela naman ang isa na sapat na raw sa kanya si Andre.

Continue reading below ↓

"HAHA GRABE! Ako kahit si Andre lang Mama Jack! Charot charot lang po!!!"

Giit naman ni Jackie, suwerte ang babaeng mapupusuan ng anak na si Andre.

"There is no Lang with Andre! Sobra sobra yun Like mama," sabi ni Jackie.


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Forster: "One day ladies, you will find a person to complete your life. You first need to be whole. Pray for someone who accepts the beauty but also the crazy (fun Ha!? Huwag naman psychotic) and the 'ugly' side of you - whole heartedly, lovingly and willingly."
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results