Kris Bernal admits to crying over this leading man she fell in love with

by Rachelle Siazon
Dec 18, 2020
Kris Bernal candidly recalls how she fell for Aljur Abrenica (topless). She also reveals she had a crush on Rafael Rosell (in formal wear) and Jake Cuenca (in buttoned-down shirt). But she points out, "Ako kasi yung kahit type kita or gusto kita, hindi kita ipi-flirt."
PHOTO/S: @krisbernal / @ajabrenica / @rafrafrosell / @juancarloscuenca Instagram

"Oo, guilty!"

Ito ang mabilis na pag-amin ni Kris Bernal nang tanungin kung naranasan na niyang ma-in-love sa kanyang leading man.

Sa PEP Exclusives na ipinalabas nitong December 18, binunyag ni Kris ang tatlong aktor na kanyang nakatrabaho at lubos na hinangaan.

ALJUR ABRENICA, 30

Una na rito ang perennial love team niya noong si Aljur Abrenica.

Sumikat ang tambalan nila sa mga Kapuso drama series tulad ng Prinsesa Ng Buhay Ko (2013), Coffee Prince (2012), Machete (2011), The Last Prince (2010), at All My Life (2009).

Pahayag ng 31-year-old na si Kris: "Hindi ko pa naman suot singsing ko! Hahaha! Na-in love na ako...

"Nakakahiya, pero past is past naman, di ba? Ikakasal na ako, e.

"Siyempre unahin na natin, pinakauna talaga siyempre si Aljur. Na-in love naman talaga ako dun.

"Matagal na ito. 'Tsaka wala namang nangyari."

Totoong nagkaroon daw siya ng pagsinta kay Aljur, pero hindi raw pinag-adya ng tadhana na maging sila.

Continue reading below ↓

"Na-in love talaga ako sa kanya. Umiiyak ako...

"Nauna siya nagka-crush [sa akin], pero parang hindi pa ako naging interested.

"Ang crush ko pa nun si Mart Escudero, yung kasama ko sa StarStruck."

Sina Mart at Kris ang itinanghal na Ultimate Love Team sa Kapuso reality show na StarStruck: Level Up (2006-2007).

Si Aljur naman ang itinanghal na Ultimate Hunk, at si Jewel Mische ang nanalong Ultimate Sweetheart.

Patuloy ni Kris ukol kay Aljur, "And then, nung naging crush ko naman siya, nung na-fall na ako sa kanya—kasi ilang beses na kaming gumawa ng show—siya naman yung in a relationship with Rich Asuncion.

"Matagal naman na ito, alam naman na...

"So, hindi kami nagtutugma na parehong single. Either siya yung may relationship or ako yung may relationship."

Maging si Aljur ay minsan nang inaming naunang nahulog ang loob niya kay Kris noon.

Pero "blessing in disguise" daw na hindi naging sila dahil hanggang ngayon ay nanatili silang mabuting magkaibigan.

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan ito ni Kris.

Napapangiting sabi pa ni Kris, "Oo, ilang beses kami nagkikita sa gym tsaka sa banko kasi same kami ng banko. Nakakaloka!"


RAFAEL ROSELL, 38

Nagkagusto rin daw si Kris kay Rafael Rosell, na naging leading man niya sa Kapuso teleserye na Impostora noong 2017.

Continue reading below ↓

"Second si Raf, kasi na-in love ako sa kanya sa Impostora. Mars, gwapung-gwapo ako sa kanya! Stress ako!" natatawang pag-amin ni Kris.

Raf ang palayaw ni Rafael.

Sabay napaisip si Kris kung love o crush lang ba ang naramdaman niya para kay Rafael.

Bawi niya, "Hindi naman na-in love, siguro crush.

"Pero siyempre, at that time, I was in a relationship. 'Tapos may long-time girlfriend na rin siya.

"I-limit lang natin sa naging crush and nagustuhan ko kasi mabait at gwapo."


Continue reading below ↓

JAKE CUENCA, 32

Isa pang naging crush ni Kris ay si Jake Cuenca, na nakatambal niya sa pelikulang KontrAdiksyon noong 2019.

Noong panahong iyon ay exclusive star pa si Jake sa bakuran ng ABS-CBN, habang si Kris ay exclusive star naman ng GMA Network.

Nagbalik-tambalan sila para sa weekly blocktimer series na Ate Ng Ate Ko, na umere sa TV5 simula noong November 23, 2020.

Lahad ni Kris, "Nung nakatrabaho ko si Jake sa KontrAdiksyon, nagustuhan ko rin siya nun."

Anong nagustuhan niya kay Jake?

Napapangiting pag-amin ni Kris, "E, gwapo, e! Hahaha! 'Tapos ang galing umarte. 'Tapos maasikaso siya sa leading ladies niya.

"Single naman si Jake that time. And ako naman, paghanga and crush lang."


Continue reading below ↓

RAYVER CRUZ, 31

Ayon pa kay Kris, hindi pa siya artista nang maging celebrity crush niya si Rayver Cruz.

"Bata pa lang ako, crush ko si Rayver. Nanonood ako ng mga shows niya," napapangiti pa ring saad ni Kris.

Kaya ganoon na lang daw ang tuwa niya nang magkatrabaho sila ni Rayver sa dalawang Kapuso series—ang Asawa Ko, Karibal Ko (2018-2019) at Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko (2019).

"Every time na kasama ko si Rayver sa shows, dalawang shows yun, lagi ko sinasabi, 'Rayver, hindi ako makapaniwala na katrabaho kita kasi crush kita nung bata ako.'

"Hahaha! Oo, talaga kapag kaeksena ko siya, 'Oh my god, kaeksena kita!'"

Continue reading below ↓

KRIS: "I NEVER FLIRTED WITH MY CRUSHES."

Nilinaw naman ni Kris na kahit nagkagusto siya kina Aljur, Rafael, Jake, at Rayver ay hindi siya nagpakita ng motibo sa mga ito.

"Ako kasi yung kahit type kita or gusto kita, hindi kita ipi-flirt. Hindi ko rin pinakita sa kanya na, 'Crush kita.' Hindi ako ganun," giit ni Kris.

Patuloy niya: "Pansin niyo naman never ako nagkaroon ng issues with my previous love teams na na-involve or na-in love ako.

"And ako naman, paghanga and crush lang. May kilig pa rin naman kahit papaano, pero alam mong hindi pwede.

"Siyempre, in a relationship ako."

Nang humanga si Kris kina Rafael at Jake, kasintahan na ni Kris ang kanyang fiancé ngayon na si Perry Choi.

"Kahit si Perry, alam niyang crush ko si Raf. Alam niyang crush ko si Jake nun. Alam niyang na-in love ako kay Aljur.

"Alam din nga niya na si Rayver, nung bata ako, crush ko rin. Alam niya lahat yun."

Continue reading below ↓

Hindi ba seloso si Perry?

Sagot ni Kris: "Si Perry, hindi siya nagseselos, kasi alam niyang wala akong ginagawa. May trust siya.

"Alam niyang kahit sabihin ko na crush ko itong mga ito, kilala niya ako. 'Ay, kilala ko iyan si Kris. Wala naman siyang gagawin, crush-crush lang.'

"Alam niya yun, which is totoo."

NO KISS WITH FIANCÉ PERRY FOR NINE MONTHS

Pinatunayan pa ni Kris na hindi talaga seloso ang kanyang fiancé na si Perry.

Sa kanyang Instagram post kagabi, December 17, ibinahagi ng aktres ang litrato nila ni Perry na kumakain sa isang restaurant.

First time daw nilang kumain sa labas, at inaasar niya si Perry tungkol sa kanilang kasunduang bawal muna ang kiss dahil sa COVID-19 pandemic.

Pahayag ni Kris: "#RelationshipUpdate: It has been 9 months since the quarantine started so that means 9 months of no kissing!

"And, I always tease him that I even got to kiss my leading men on some scenes in my show, 'Ate ng Ate Ko', than him. And as usual, deadma siya.

"Infairness, we leveled up our quarantine dating. From tambays in his car to dining out."

Continue reading below ↓

Watch Kris Bernal's interview on PEP Exclusives here:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal candidly recalls how she fell for Aljur Abrenica (topless). She also reveals she had a crush on Rafael Rosell (in formal wear) and Jake Cuenca (in buttoned-down shirt). But she points out, "Ako kasi yung kahit type kita or gusto kita, hindi kita ipi-flirt."
PHOTO/S: @krisbernal / @ajabrenica / @rafrafrosell / @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results