BidaMan’s Eris Aragoza introduces girlfriend on Instagram

by Arniel C. Serato
Dec 18, 2020
Eris Aragoza girlfriend
Bidaman's Eris Aragoza: "I love you Maria Antonia Divina Corazon Luna (aka Madc) Happy Anniversary satin and more more more to come. Together with Bidaman Eris Aragoza. #happy”
PHOTO/S: Courtesy: @eris_aragoza on Instagram

Ipinagsigawan ng BidaMan na si Eris Aragoza kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend—ang It’s Showtime dancer na si Maria Antonia Divina Corazon Luna a.k.a. Madc.

Sa kanyang Instagram kahapon, December 17, ibinahagi ni Eris ang larawan nila ng nobya na nasa beach.

Humingi rin siya ng dispensa kay Madc dahil daw sa kanyang topak at kung bakit ngayon lang niya ito ipinakilala sa "Madlang Pipol."

Mensahe ni Eris, “Bago matapos yung araw na to. Happy 1st Anniversary satin @sweetmadc.

“Sobrang daming nangyari ngayon 2020 na hindi maganda, buti nalang dumating ka. Lagi mong tandaan na palagi mo akong napapasaya at napapakilig.

“Sorry kasi minsan malakas topak ko. Sorry kung malakas ako humilik. Sorry kung napaiyak kita noon at Sorry ngayon lang kita napakita sa Madlang Pipol.”

Nagpasalamat din si Eris sa nobya dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.

Aniya, “Thank you sa lahat ng ginagawa mo para sakin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na girlfriend kita. AS IN!! Sobrang saya!

Continue reading below ↓

“Wag na natin isipin mga sasabihin ng iba basta tayong dalawa ay masaya ok?

“I love you Maria Antonia Divina Corazon Luna (aka Madc) Happy Anniversary satin and more more more to come. Together with Bidaman Eris Aragoza. #happy

View this post on Instagram

A post shared by Eris Aragoza (@eris_aragoza)

“SPEECHLESS ME”

Speechless naman daw si Madc sa pagpapakilala ni Eris sa kanya sa publiko.

Saad niya sa kanyang post, “Together with the speechless me di ko alam ica caption ko, ang solid ng caption mo pare eh. SALAMAT SA'YO SOBRA. mahal kita Mr. Eris Glen Aragoza Ulang”

Nakilala si Eris sa pagsali nito sa "BidaMan" ng It’s Showtime noong 2019, kung saan itinanghal siyang first runner-up.

Si Jin Macapagal ng Cebu ang napiling Ultimate BidaMan sa patimpalak.

Ang kapatid ni Eris na si John Edric Ulang ay itinanghal namang Mr. Pogi ng Eat Bulaga! noong 2012.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bidaman's Eris Aragoza: "I love you Maria Antonia Divina Corazon Luna (aka Madc) Happy Anniversary satin and more more more to come. Together with Bidaman Eris Aragoza. #happy”
PHOTO/S: Courtesy: @eris_aragoza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results