Willie Revillame castigates Miss Manila for not showing up in Wowowin

by Arniel C. Serato
Dec 18, 2020
Willie Revillame Alexandra Abdon
Willie Revillame to Miss Manila Alexandra Abdon: "Sabi mo, pupunta ka nung Monday, you have to be professional. Pag nag-commit ka... you have to commit."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube / @alexandra.abdon on Instagram

Hindi napigilan ni Willie Revillame na talakan sa ere si Miss Manila Alexandra Abdon noong Lunes, December 14.

Hindi kasi sumipot si Alexandra sa nakatakda sana niyang guest appearance sa Wowowin: Tutok to Win.

Noong Biyernes, December 11, nangako si Alexandra na maggi-guest ito sa show upang maka-showdown sana si Herlene "Hipon Girl" Budol.

Pero hindi nakarating ang Miss Universe Philippines 2020 candidate.

Pahayag ni Willie, “Dapat si Miss Manila guest natin, e, ano raw pala, merong shoot.

"Wala nang ginawa 'yang mga Miss Universe [contestants] kundi mag-shoot.

“E, sorry, hindi ka na namin magi-guest na, hindi mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ka.

"Sinabi natin sa kanya nung Friday, ige-guest natin siya.

“E, nag-commit ka. Sayang, dapat ikaw ang co-host ko, Miss Manila."

Patutsada pa ng TV host, "Isipin mo, isang oras at kalahati ka sa TV, di ba? Sandali ka lang sa Miss Universe, talo ka pa, di ba? Miss Manila, Alex, di ba? Di nag-iisip, e.

Continue reading below ↓

“Kapag tinawagan ka ng Tutok To Win, Wowowin ng staff namin, kanselin mo lahat.

“Dahil dito, ang exposure mo, 21 million sa social media, 86 million sa telebisyon ang nanonood araw-araw.”

Sabi ni Willie, hindi niya pinasipot si Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao at Hipon Girl noong araw na iyon dahil buong akala niya ay magiging guest co-host si Miss Manila.

“Hindi ko na nga lang pinapasok si Hipon tsaka si Michele para ikaw guest co-host ko dahil medyo high blood pa ako, kailangan ko ng guest co-host.

"Sayang. I'm sorry, Miss Manila. That's it. Maybe see you in the other life."

“YOU HAVE TO BE PROFESSIONAL”

Sa episode naman ng Wowowin noong Miyerkules, December 16, sinabi ni RS Francisco kay Willie na nais daw ni Alexandra i-explain ang kanyang panig sa hindi pagsipot sa show.

Tugon ni Willie, "Bibigyan kita ng pagkakataon mo, Miss Manila, Alexandra Abdon.

Continue reading below ↓

“Hindi ako nagalit. Sabi mo, pupunta ka nung Monday, you have to be professional. Pag nag-commit ka... you have to commit.

“Pag sinabi mo, ako pag sinabi ko, pupunta ako kahit anong mangyari, gagawa ako ng paraan. Ganun dapat. It’s a commitment.

“Paano ka paniniwalaan ng tao kung hindi ka nagku-commit?

“Mag-commit ka 'tapos di mo tutuparin?”

Wala pang tugon si Miss Manila tungkol dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame to Miss Manila Alexandra Abdon: "Sabi mo, pupunta ka nung Monday, you have to be professional. Pag nag-commit ka... you have to commit."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube / @alexandra.abdon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results