Miss Manila apologizes to Willie Revillame for not showing up in Wowowin

by Arniel C. Serato
Dec 18, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon Willie Revillame
Miss Manila Alexandra Abdon to Wowowin host Willie Revillame: "Ayan, mag-a-apologize ako for not showing up last Monday, personally, live dito, maririnig niyong lahat."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube

Matapos kastiguhin ni Willie Revillame sa ere, personal na nagpunta si Miss Manila Alexandra Abdon sa Wowowin:Tutok to Win ngayong hapon ng Biyernes, December 18.

Sabi ni Alexandra kay Willie, "Gusto ko lang din siyempre nag-confirm ako nung Monday, ayan, baka sabihin ng ibang tao medyo nag-aano ako, ayan.

"So, nag-confirm ako nung Monday. I maybe said yes, or partly said yes, ayan, pero siyempre nag-confirm ako ng madaming tao.

"Ayan, mag-a-apologize ako for not showing up last Monday, personally, live dito, maririnig niyong lahat.

"At Kuya Wil, sorry.”

Tinanggap naman ito ni Willie.

Tanong niya kay Alexandra, "Asan ka ba nung Monday?"

Paliwanag ng Miss Universe Philippines 2020 candidate, "Kasi may ano po, may shoot po nun, nakapag-commit na po ako. May mga tao na nakapag-book na, yung spot na book na. Sa Tagaytay po."

Biro pa ni Willie, "Kasama mo boyfriend mo?"

Sagot ni Alexandra, "Kasama ko yung boyfriend ko, yung creative team niya, photographer-videographer, friend namin. Yun.”

Continue reading below ↓

Wowowin: Tutok to Win

Matatandaang tinawagan ni Willie si Alexandra noong Biyernes, December 11, upang imbitahin itong maging guest co-host niya pagdating ng Lunes, December 14.

Umoo si Alexandra upang magkaharap daw sila ni Herlene “Hipon Girl” Budol, na inakusahan siyang minamata raw nito.

Pero hindi sumipot si Alexandra.

Continue reading below ↓

Kaninang hapon, nagkaharap na sina Alexandra at Hipon, kasama pa ang co-host ni Willie na si Michele Gumabao.

Nagkabati na ang Miss Universe Philippines 2020 candidate at si Hipon sa pamamagitan ng isang shake hands.

Alexandra Abdon Hipon Girl shakehands

WILLIE CASTIGATES ALEXANDRA ON LIVE TV

Noong Lunes, tinalakan ni Willie si Alexandra dahil sa hindi nito pagsipot sa show.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Dapat si Miss Manila guest natin, e, ano raw pala, merong shoot. Wala nang ginawa 'yang mga Miss Universe [contestants] kundi mag-shoot.

“E, sorry, hindi ka na namin magi-guest na. Hindi mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ka.

"Sinabi natin sa kanya nung Friday, ige-guest natin siya.

“E, nag-commit ka. Sayang, dapat ikaw ang co-host ko, Miss Manila.

"Isipin mo isang oras at kalahati ka sa TV, di ba? Sandali ka lang sa Miss Universe, talo ka pa, di ba? Miss Manila Alex, di ba? Di nag-iisip, e."

Sabi pa ni Willie, “Kapag tinawagan ka ng Tutok To Win, Wowowin, ng staff namin, kanselin mo lahat.

“Dahil dito, ang exposure mo, 21 million sa social media, 86 million sa telebisyon ang nanonood araw-araw.”

Noong Miyerkules naman, December 16, muling kinastigo ni Willie si Alexandra.

Ani Willie, "Hindi ako nagalit. Sabi mo, pupunta ka nung Monday, you have to be professional. Pag nag-commit ka... you have to commit.

Continue reading below ↓

“Pag sinabi mo... ako pag sinabi ko, pupunta ako kahit anong mangyari, gagawa ako ng paraan. Ganun dapat. It’s a commitment.

“Paano ka paniniwalaan ng tao kung hindi ka nagku-commit?

“Mag-commit ka tapos di mo tutuparin?”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon to Wowowin host Willie Revillame: "Ayan, mag-a-apologize ako for not showing up last Monday, personally, live dito, maririnig niyong lahat."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results