Sandra Lemonon on Rabiya Mateo: “I have no malicious thoughts about her"

by Bernie V. Franco
Dec 19, 2020
Sandra Lemonon versus Rabiya Mateo
Sandra Lemonon (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo: “I cannot love someone who I barely know, or witnessed their heart first hand.”
PHOTO/S: @sandrelomonon and @rabiyamateo on Instagram

Sumagot si Sandra Lemonon nang matanong ito tungkol kay Rabiya Mateo.

Naging kandidata ang dalawa sa Miss Universe Philippines 2020 pageant na ginanap ang grand coronation noong October 25, 2020.

Itinanghal na Miss Universe Philippines 2020 si Rabiya ng Iloilo City, samantalang umabot sa Top 16 si Sandra ng Taguig.

Sa araw mismo ng pag-ere ng grand coronation, nag-iingay si Sandra sa social media.

May mga patutsada siyang nagkaroon umano ng dayaan sa national pageant.

Dahil dito, nabahiran ang pagkapanalo ni Rabiya. Inakusahan siyang nagdala ng sariling glam team, na mahigpit na ipinagbabawal.

Inakusahan rin si Rabiya na narinig na diumano ang tanong sa question-and-answer portion.

Itinanggi ni Rabiya ang mga akusasyong ito.

SANDRA ASKED IF SHE LOVES RABIYA

Kagabi, December 18, 2020, isang netizen ang diretsang nagtanong kay Sandra tungkol kay Rabiya.

“Do you love Rabiya?” tanong ng netizen.

Prangkang sumagot si Sandra.

“I cannot love someone who I barely know, or witnessed their heart first hand.”

Continue reading below ↓

Inilarawan rin ni Sandra si Rabiya, at bagamat magka-batch sila sa pageant ay hindi sila naging magkaibigan.

“I have no malicious thoughts about her, as we didn’t have the opportunity to forge a relationship.”

Gayunpaman, tinukoy niya ang magagandang katangiang nakita niya kay Rabiya kahit hindi sila close.

Kabilang na rito ang pagiging determinado ni Rabiya.

Ani Sandra (published as is): “But from the little I know of her, what I can say is from the first time I saw her I loved natural features & thought she was extremely gorgeous, i’ve witnessed how determine she is & I believe with the Right people who have her Best intentions at heart, she will be able to grow into the woman who can help others who have been in her shoes.

“I wish her nothing but success in her journey in discovering herself & & being the first ever muph in a pandemic, as I know how difficult her new life must be & I hope she always remembers that she doesn’t need to fit into the mold that society expects her to but instead create her own [face with waving hands emoji].”

Continue reading below ↓

Sa kasagsagan ng kontrobersiya, nagsabi si Sandra na may isisiwalat ito upang magkaroon raw ng mas magandang pamamalakad ang pageant organizations.

Lumipas ang mga linggo at buwan, hindi na nagsalita pa si Sandra tungkol sa kontrobersiya.

Pero sa kanyang pinakahuling update, sinabi ng dalaga na magsasalita pa rin siya at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandra Lemonon (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo: “I cannot love someone who I barely know, or witnessed their heart first hand.”
PHOTO/S: @sandrelomonon and @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results