(UPDATED) MMDA Spokesperson Celine Pialago blasts Doris Bigornia for her "incomplete report"

by Bernie V. Franco
Dec 19, 2020
Celine Pialago versus Doris Bigornia
Metropolitan Manila Development Authority Spokesperson Celine Pialago (left) accuses ABS-CBN News reporter Doris Bigornia of releasing an "incomplete" traffic report. She tells Doris: “This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita..."
PHOTO/S: @celinepialago on Instagram / YouTube (ABS-CBN News)

Walang preno si Celine Pialago, ang spokesperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa mga patutsada nito kay ABS-CBN reporter Doris Bigornia.

May kinalaman ito sa "hindi kumpleto" na traffic report ni Doris sa episode ng Kapamilya news prime na TV Patrol noong Biyernes ng gabi, December 18, 2020.

Tungkol ito sa “pagbubukas” ng dalawang U-turn slots sa EDSA.

Ang maanghang na Facebook post ni Pialago: “Miss Doris Bigornia, I will really call your attention through my page since walang pakundangan mong nilabas ang isang viber message na hindi kumpleto."

Inamin ng MMDA spokesperson na sa kanya mismo nanggaling ang impormasyong bubuksan ang U-turn slots sa bandang Quezon City Academy at Dario Bridge sa may Balintawak.

Inanunsiyo ni Pialago ang impormasyong ito sa pamamagitan ng messages niya sa isang member ng Viber group ng MMDA Media for Operations.

Ang Viber messages na ito ay inilabas ni Doris sa TV Patrol, pero ayon sa MMDA official, kulang ang nasa report.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Pialago (published as is), “Kanina sa report mo sa TV Patrol. Ako ang nagsabe na bukas na ang darrio bridge u turn, yes! pero hindi mo nilabas sa TV ang buong laman ng GC [group chat],

“nakalagay bukas un sa emegency vehicles at nung tinawagan ko si Sir Dexter Cardenas ng QC Traffic ngayong gabi, he confirmed and he said ‘yes mam pinagamit na po sa mga emergency vehicles.’

“Tapos sasabihin mo nagdulot ng kalituhan ang message ko sa viber group?”

DORIS BIGORNIA’S TRAFFIC REPORT

Ang traffic report ni Doris sa TV Patrol ay nag-focus sa “kalituhan” na dulot ng pagbubukas ng U-turn slots sa EDSA.

Giit ni Doris, “maliwanag pa sa sikat ng araw” na isang U-turn slot lang ang binuksan, at ito ay ang Quezon City Academy U-turn slot.

Aniya, hindi binuksan ang Dario Bridge U-turn slot sa mga motorista, at taliwas daw ito sa anunsiyo ng MMDA.

Continue reading below ↓

Binanggit ni Doris na bukas lamang ang Dario Bridge U-turn slot para sa emergency vehicles na dumidiretso sa Quezon City General Hospital.

“Sarado pa po ito. Taliwas po iyan sa lumabas na bali-balita kanina.

“Entry point lang ito ng emergency vehicles,” ulat ni Doris.

Sa report ni Doris, ipinakita sa screen ang pagpalitan ng mensahe ni Pialago sa isang netizen.

Sa screen, mababasa ang mensahe ni Pialago na ika-6:00 ng umaga ng Biyernes ay bubuksan ang U-turn slots sa Dario Bridge at QC Academy.

Pero ayon kay Pialago. hindi kasali sa report ang huling Viber message niya na nagdedetalye kung anong vehicles ang maaaring dumaan sa dalawang U-turn slots.

Heto ang nakasaad sa Viber message ni Pialago (published as is): “qc academy for light vehicles ung darrio bridge for emergency vehicles.”

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Pialago ang ipinakitang screenshot sa TV Patrol at ang buong exchange of messages ng government official sa netizen tungkol sa U-turn slots.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Doris sa kanyang report na nalito ang ibang motorista dahil ang nasagap nilang balita ay bukas din ang Dario Bridge U-turn slot.

In-interview rin sa report si MMDA EDSA Traffic Management Czar Bong Nebrija, na nalito rin, ayon kay Doris.

Pahayag ni Nebrija, “Hindi po namin binuksan yung Dario bridge na U-turn.

Continue reading below ↓

“Ang ginawa namin d’yan nagbigay po kami ng opening emergency, entry and exit, for emergency vehicles bringing patients to Quezon City General Hospital.

“May entry at exit para sa mga ambulansiya para makapag-U-turn sila at maka-exit bago mag-Seminary Road, kung saan dun ang entrance ng Quezon City General Hospital.”

PIALAGO BRINGS UP PAST RIFT WITH DORIS

Sa kanyang Facebook post, inungkat ni Pialago ang naging banggaan nila dati ni Doris.

Tungkol ito sa nasulat na isyu noong August 2019 nang nagpadala ng formal letter si Pialago kay ABS-CBN News division head na si Ging Reyes.

Inireklamo ni Pialago si Doris dahil sa pisikal na pananakit umano nito sa MMDA official nang magkita sila sa fire drill sa Makati City Hall.

Hindi raw sinasadyang nabangga ni Pialago si Doris, pero sinaktan at sinigawan raw siya ng news reporter.

Nakarating din kay Pialago ang diumano'y paninira sa kanya ni Doris.

Nang magkita ang dalawa sa tanggapan ng MMDA, sinikap ni MMDA General Manager Jojo Garcia na pagbatiin sila, pero tumanggi raw si Doris at tinawag na “unethical person” si Pialago.

Continue reading below ↓

Ang reklamo ni Pialago laban kay Doris ay umabot sa Office of the Network Ombudsman ng ABS-CBN.

Sa pagpapatuloy ng post ni Pialago, inilahad nito na pinatawad niya si Doris at inurong ang reklamo dahil nakiusap sa kanya ang reporter.

Pero dahil sa recent report ni Doris, muling magrereklamo raw si Pialago, and, "this time, hindi kita papalagpasin."

Naging "pagsisisi" niya ngayong 2020 ang pagpapatawad noon sa Kapamilya reporter.

Dagdag pa ni Pialago, “Remember the day, when you begged and asked for forgiveness in Mario’s Restaurant. Asking me to withdraw my case against you. Ang bait bait mo nun, umiyak ka at nagmakaawa.

“Naghanap ka ng padrino para makausap ako. Tinrato kitang tao. Ang pakiusap ko lang sayo. Tama na Mam, basta tama na kamalditahan mo."

Continue reading below ↓

Inungkat din ni Pialago ang diumano'y panunugod ni Doris sa opisina ng MMDA.

“This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita Miss Doris Bigornia.

“Isasama ko yung pagsugod mo sa opisina ng MMDA para awayin ako, uulitin ko, pumasok ka sa opisina namin, sa sarili naming tahanan, para awayin ako..."

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Doris ngayong umaga ng Sabado upang kunan ang reaksiyon niya hinggil sa isyu, pero wala pa itong sagot.

Continue reading below ↓

Nagpadala rin ang PEP.ph ng mensahe sa head ng ABS-CBN News division na si Ging Reyes.

Samantala, bandang 8:30 p.m., nagpaabot ng maikling pahayag ang ABS-CBN News sa PEP.ph sa pamamagitan ni Kane Choa, ang head ng ABS-CBN corporate communications.

Heto ang nilalaman:

We are looking into the claims in the Facebook post against our reporter. As always, we welcome feedback and comments on our news stories. We also encourage that they be emailed with as many clear details as possible for us to have a complete appreciation of the feedback, comments or complaints.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Doris tungkol sa isyu.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Metropolitan Manila Development Authority Spokesperson Celine Pialago (left) accuses ABS-CBN News reporter Doris Bigornia of releasing an "incomplete" traffic report. She tells Doris: “This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita..."
PHOTO/S: @celinepialago on Instagram / YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results