Matet de Leon to meddlers of recent family issue: “Amin lang kasi to.”

by Bernie V. Franco
Dec 19, 2020
Matet de Leon on mom Nora Aunor
Matet de Leon asks meddlers to stay out of their family issue. "Ang daming alam alaman na nakikialam, lalong nagugulo," she says.
PHOTO/S: @misismatet on Instagram / CTTO

May patutsada si Matet de Leon sa mga taong nagbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa recent issue nilang magkakapatid at ng inang si Nora Aunor.

Ang pinag-ugatan nito ay ang hindi pagsipot ni Ian de Leon sa birthday party na inihanda ng inang si Nora. Nag-birthday ang 45-year-old son ng Superstar noong December 11, 2020.

Nang pumutok ang isyu, nag-post si Matet ng larawan nila ni Ian at ipinahayag ang pagmamahal sa kapatid.

Pagkalipas ng ilang araw, may netizen na nagkomento ng, “Sana kayo na lang gumawa ng paraan kausapin nyo mama in private."

Makahulugan ang sagot ni Matet. May patutsada ito sa panghihimasok ng ibang tao na hindi naman alam ang tunay na nangyayari.

Sa sagot ni Matet, iginiit niyang nakikipag-usap sila sa kanilang ina.

May pahaging siyang family matter ito.

Sagot ni Matet (published as is), “kausap namin siya nung isang araw. walang makakaalam kung anong pinag usapan namin..

Continue reading below ↓

“icha chat ko uli mamaya, wala uli makaka alam kung anong pag uusapan.. amin lang kasi to.

“at dahil ang daming alam alaman na nakikialam, lalong nagugulo.. hindi kami ang naglabas nito sa publiko, sumabog na lang kaya sumasagot na kami.”

Matatandaang nagkaroon ng sagutan sa kampo ng Superstar at ni Ian amakailan.

Continue reading below ↓

Sumama kasi ang loob ni Nora nang hindi siputin ni Ian ang inihandang birthday celebration para sa kanya.

Dahil dito, naunsiyami ang dapat sana'y pag-aayos sa matagal na nilang tampuhan.

Sumagot si Ian sa pamamagitan ng YouTube video at inilahad ang kanyang dahilan.

Kinontra niya ang nais ng ina na gamitin sa vlog ang pagbabati at pagkikita nila.

Ang gusto ng dating aktor ay gawing pribado ito.

Nag-post naman ng pagsuporta kay Ian ang mga kapatid na sina Lotlot de Leon at Matet de Leon.

Mayroon ding matagal nang tampuhan sina Nora at Lotlot.

Sa isang komento, sinabi ni Lotlot sa mga nanghihimasok sa isyu na alamin ang buong kuwento at huwag manghuhusga.

Marami kasing fans ni Nora ang bumabatikos sa magkakapatid dahil sa tampo nila sa ina.

Kamakailan din ay ipinost ni Lotlot ang larawan niya kasama sina Matet, Ian, at dalawa pa nilang kapatid na sina Kiko at Kenneth.

Continue reading below ↓

Sa isyung ito, tila nais iparating ni Lotlot na silang magkakapatid ay nagkakaisa.

Pero naging makahulugan din ang kanyang sumunod na post.

“Nakakapagod na” ang nakasaad sa kanyang post, pero wala nang iba pang paliwanag.

Sa kanyang YouTube video, nabanggit din ni Ian ang batikos na natatanggap nilang magkakapatid dahil sa isyu sa ina.

Continue reading below ↓

Maanghang naman ang post kamakailan ni Matet para sa Noranians, tawag sa mga supporters ni Nora.

Ang caption ni Matet: “’NORANIANS’ para kaming nakatali, naka busal, habang sinasampal sampal.. [laughing face with years emoji]”

Si Ian ay anak ni Nora sa dating asawang si Christopher de Leon.

Adopted children naman nina Nora at Christopher sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon asks meddlers to stay out of their family issue. "Ang daming alam alaman na nakikialam, lalong nagugulo," she says.
PHOTO/S: @misismatet on Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results