Matet de Leon chides Noranians calling her "walang silbing ampon"

by Rachelle Siazon
Dec 20, 2020
Matet de Leon (left) shows a screenshot of hurtful messages that she's getting from avid fans of her adoptive mother Nora Aunor (right).
PHOTO/S: @misismatet Instagram / Noel Orsal for PEP.ph

Halata ang pagkadisgusto ni Matet de Leon dahil pinuputakti pa rin siya ng batikos ng Noranians na tinawag siyang "walang silbing ampon."

Si Nora ay adoptive mother ni Matet.

Hindi kaila sa publiko ang matagal nang kumplikadong relasyon ni Nora sa mga anak nito.

Si Lotlot de Leon ay isa pang adoptive daughter ni Nora at ng dating asawa na si Christopher de Leon.

Si Ian De Leon ang nag-iisang biological child ni Nora kay Christopher.

Sina Kenneth at Kiko ay adoptive children rin ni Nora.

Sa Instagram post ni Matet noong Sabado, December 19, 2020, ipinakita niya ang dalawang mensahe na natanggap niya mula sa netizens na tinukoy niyang "Noranians."

Si Nora ang tinaguriang Superstar ng showbiz at kilala bilang isang premyadong singer-actress mula 1960s hanggang kasalukuyan.

Ang masugid niyang fans, Noranians, ay nanatiling solid at handang depensahan si Nora sa anumang kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

Sa kasong ito, nag-aalburoto ang Noranians dahil daw sa pagpatol ni Matet sa mga isyung tingin nila ay nakakasira sa kanilang idolo.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang netizen (published as is), "Kahit anong ginawa ni Ate Guy [palayaw ni Nora] na di ninyo nagustuhan dapat inunawa ninyo at inintindi ..

"DAPAT KAYONG MAGPASALAMAT.DAHIL.SA KANYA NARATING NINYO KUNG ANONG BUHAY MAYROON KAYO NGAUN ..

"NASAAN ANG MGA MAGULANG NINYO NA DAPAT SIYANG NAGALAGA SAINYO..."

Diin pa ng netizen, "KUNG AYAW NYONG MA.BASH.TIGILAN NAN NINYO ANG SAGOT NG SAGOT SA COMMENTS

"TANDAAN NINYO KARA SA MGA WALANG SILBING AMPON."

May isa pang netizen ang nag-akusang tila gusto lamang pagkakuwartahan ng mga magkakapatid na Matet, Lotlot, at Ian ang kanilang ina na si Nora.

Saad ng ikalawang netizen (published as is), "Korek di na lang manahimik tong mga ampon na to feeling ko may pera nanamn si ate guy kaya mga nagiingay mga to."

Hindi pinalampas ni Matet ang mga tirada sa kanya ng netizens.

Patutsada niya, "Ang babait talaga ng mga 'noranians' I LOVE YOU ALL!!!!!!!"

Continue reading below ↓

LATEST ISSUE BETWEEN NORA AND CHILDREN

Muling sumiklab ang isyu hinggil sa tampuhan ng kanilang pamilya matapos ang no-show ni Ian sa birthday party na inorganisa ni Nora noong December 11.

Sa ulat ng PEP Troika noong December 12, nakasaad na napaiyak si Nora nang makatanggap ng text message mula kay Ian na hindi ito makakarating sa okasyon.

Continue reading below ↓

"Last minute" daw ang abiso ni Ian dahil dalawang oras na lang bago ang 6 p.m. dinner reservation nila sa isang restaurant sa Quezon City.

Sabi pa ng kampo ni Nora, halos isang linggong pinaghandaan ni Nora ang reunion nila ni Ian.

Naghanda raw ang premyadong aktres ng mga regalo at "pakimkim," hindi lang para kay Ian kundi pati sa asawa at dalawang anak ng aktor.

Idinahilan raw ni Ian ang biglaang pag-atake ng "gout" nito kaya hindi siya makakadalo sa party.

Noong December 13, naglabas ng live vlog si Ian upang ihayag ang "bitter truth" kung bakit hindi siya tumuloy sa usapan nila ng ina.

Ayon kay Ian, tuwang-tuwa raw siya nang makatanggap ng phone call mula kay Nora matapos ang ilang taong hindi nila pag-uusap.

Humingi raw ng tawad sa kanya si Nora sa mga pagkukulang nito, at humingi naman ng pasensiya si Ian.

Lalo raw ikinasiya ni Ian ang sinabi ng ina na nais nitong mag-organisa ng birthday party para sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero kinabukasan, ang tuwa ay napalitan ng sakit. Nakatanggap daw kasi si Ian ng text messages mula kay Nora ay may dalawang requests ito.

Una, humingi raw ng permiso si Nora kung maaaring makunan ng camera ang kanilang pagkikita para sa isang vlog.

Tutol daw si Ian dito.

Hindi raw matatawaran ang pagmamahal at respeto ni Ian kay Nora, pero ayaw daw niyang mabahiran ng kawalan ng sinseridad ang pagtatagpo nilang mag-ina.

Hindi rin daw pabor si Ian sa pangalawang request ng ina na payagang dumalo sa party ang isang taong di na pinangalanan ni Ian.

Hinihinalang ito ay si John Rendez, ang singer-rapper na long-time companion ni Nora.

Dati nang naiulat na hindi maganda ang relasyon ni Ian kay John.

Nagsumamo pa si Ian na sana ay magkausap pa rin sila ni Nora nang walang nakaharap na camera ngayong Pasko.

MATET'S PRIVATE CHAT WITH NORA

Sinuportahan nina Matet at Lotlot ang paglabas ni Ian ng hinanakit sa kanilang ina.

Continue reading below ↓

Umalma rin sila sa bashers na hinusgahan si Ian, at sinabihan na walang respeto dahil sa pagsasabi ng saloobin nito.

Noong December 17, may netizen pang nag-iwan ng comment sa Instagram post ni Matet kunsaan kasama nito sa litrato si Ian.

Apela ng netizen, sana raw ay gawan ng paraan ng magkakapatid na kausapin nang pribado si Nora.

Sagot ni Matet (published as is), "kausap namin siya nung isang araw. walang makakaalam kung anong pinag usapan namin..

"icha chat ko uli mamaya, wala uli makaka alam kung anong pag uusapan.."

Hindi naman daw talaga dapat naisapubliko ang kanilang tampuhan kung hindi naunang nagsalita ang kampo ni Nora.

Depensa pa ni Matet, "amin lang kasi to. at dahil ang daming alam alaman na nakikialam, lalong nagugulo.

"hindi kami ang naglabas nito sa publiko, sumabog na lang kaya sumasagot na kami."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon (left) shows a screenshot of hurtful messages that she's getting from avid fans of her adoptive mother Nora Aunor (right).
PHOTO/S: @misismatet Instagram / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results