Marlo Mortel willing to become ninong of Janella Salvador's baby

by Melba R. Llanera
Dec 23, 2020
Willing daw maging ninong si Marlo Mortel ng baby ng dating ka-love team na si Janella Salvador, na kasalukuyang nasa U.K. kasama ang boyfriend na si Markus Patterson.
PHOTO/S: @marlomortelmusic @superjanella on Instagram

Si Janella Salvador ang isa sa naging topic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo Mortel.

Halos apat na taon din silang naging magkapareha at nakilala sila sa kanilang tambalang MarNella, na nagsimula sa hit daytime series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Maugong ang balitang isinilang na ni Janella ang baby nila ng kasintahang si Markus Paterson.

Kasalukuyang nasa United Kingdom sina Janella at Marcus kasama ang kanilang mga pamilya.

Kung saka-sakaling kuning ninong si Marlo, papayag ba siya?

"Why not? Kung masaya siya na kunin akong ninong, e, di masaya din ako. Tatanggapin ko," sagot ng 27-year-old singer-actor.

Ayon kay Marlo, aware siya sa mga isyu tungkol kina Janella at Markus. Para sa kanya, ang mahalaga ay maging masaya ang aktres sa mga desisyon nito sa buhay.

"Yes, alam niyo sa totoo lang, sobrang close kami ni Janella kahit di kami magka-love team. Gusto ko lang talagang maging happy siya, yun lang.

Continue reading below ↓

"Kung anuman ang desisyon niya sa buhay niya, if that will make her happy, then I'm happy."

Pagbabalik-tanaw ni Marlo, nagkausap sila ng dating ka-love team noong unang bahagi ng taong ito.

"The last time na nag-usap kami was simula nang pandemic. Naggawa ako ng vlog about what happened sa MarNella, and she said yes and she wants it."

LIFE AFTER DEATH OF MARLO MORTEL'S MOM

Noong August 2018 ay nagkaroon ng mabigat na pinagdaanan ang pamilya ni Marlo dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Merlie Pamintuan dahil sa sakit na breast cancer.

Kumusta na sila ngayon?

Masayang ibinalita ni Marlo na may girlfriend na ang kanyang ama.

Aniya, "May girlfriend na ang daddy ko, so happy na kami sa bahay. May nag-aalaga na sa amin.

"Hindi naman sobrang laking adjustment cause I believe my dad deserves to be happy.

"Kung anuman ang decision niya, I'm happy for him."

Continue reading below ↓

"Tita" ang tawag ni Marlo sa girlfriend ng ama, at nakasama raw nila ito during the quarantine.

"Siguro di rin namin alam during pandemic kung wala si Tita. Di kami marunong magluto," nakangiting sabi niya.

MARLO MORTEL'S ANXIETY ATTACK

Speaking of pandemya, marami ang nakararanas ng anxiety attack at depression dahil dito.

Aminado si Marlo na isa siya sa may mabigat na pinagdaanan na inakala niyang di niya malalagpasan.

Hindi niya sinabi kung ano ang dahilan, pero nabago raw ang buhay niya dahil dito.

Kuwento ng binata, "I had a big turnaround in my life nung pandemic. I went through a season of anxiety, malala naman siya.

"It's not because I lost job, personal yung pinagdaanan ko. I thought di ako makaka-move on from that.

"I'm really happy that I'm moving forward, mas na-experience ko si God. I've been a Christian all my life, pero I never talk about God sa mga tao, sa mga fans ko."

Continue reading below ↓

Usaping ispiritwal daw ang nagiging niya sa livestreaming app na Kumu.

"After that, I found my purpose in life and that is to share His words. Nagagawa ko yun sa KUMU, yung mga fans ko dun, nasasama ko sila sa church."

Ayon kay Marlo, ang Diyos ang naging takbuhan niya sa lahat ng mabibigat na pinagdaanan niya.

"Sa totoo lang, through God lang talaga, kasi ang faith, ang pananampalataya can move mountains.

"It can really erase or wash out fears, all your doubts, all your bad experiences if you just believe.

"Anything is very relatable kasi it speaks about hope and faith kay Father Suarez as a healing priest.

"Ako naman as a Christian, si God talaga ang naging takbuhan ko. Wala namang nagbabago, His mercies are new every morning. He continues to save you every time."

Ang Father Suarez na tinutukoy niya ay ang healing priest na si Father Fernando Suarez, na binawian ng buhay noong February 4, 2020, dahil sa heart attack.

Continue reading below ↓

Para sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na Suarez, The Healing Priest ang pocket presscon, kung saan nangyari ang interview noong December 17.

Idinirek ito ni Direk Joven Tan at iprinodyus ng Saranggola Media Productions.

Nalaman naming distant relative pala ni Marlo ang namayapang healing priest, na ang ina nito ay nagngangalang Azucena Mortel.

Pakli ni Marlo, "Alam naman natin na he passed away during the shoot, habang nagsu-shoot kami.

"He's actually a relative pala ng mga Mortel, so kinukuwento lang ng mga lola ko na nagkita pala sila before.

"Actually, excited siya na makilala ko rin si Father Suarez, 'tapos yung nangyari, we never meet sa set.

"Nalaman ko sa kanya, and even my lola, sinabi niya sa akin na he has a healing power, he's a source of light to many people.

"Hindi kami nag-meet sa set kasi nga namatay na siya."

Hindi na bago kay Marlo ang Metro Manila Film Festival. Kumbaga ay parang suki na siya.

Continue reading below ↓

"Masaya, pangatlong MMFF ko na ito. Di ko ine-expect...

"I am a reporter, ako yung tatalakay sa buhay ni Father Suarez sa mga milagro na ginawa niya sa mga naniniwala sa kanya," pagtukoy ni Marlo sa kanyang role sa Suarez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willing daw maging ninong si Marlo Mortel ng baby ng dating ka-love team na si Janella Salvador, na kasalukuyang nasa U.K. kasama ang boyfriend na si Markus Patterson.
PHOTO/S: @marlomortelmusic @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results