Julia Barretto clarifies she only had two ex-boyfriends; says she is not a liar

by Bernie V. Franco
Dec 21, 2020
Julia Barreto ex boyfriends
Julia Barretto answers questions about her love life. She said that she only has two ex-boyfriends, even if there were around five guys romantically linked to her.
PHOTO/S: YouTube (Julia Barretto)

Dalawa raw ang naging ex-boyfriends ni Julia Barretto.

Ibinunyag ito ni Julia sa lie-detector challenge, kasama ang ina nitong si Marjorie Barretto, sa YouTube video na in-upload noong Linggo, December 20, 2020.

“How many ex-boyfriends did you have?” tanong ni Marjorie sa anak.

“Two lang,” kampanteng sagot ni Julia.

Hindi nagdetalye si Julia tungkol sa dalawang naging boyfriends niya noon, bagamat ang isa rito, base sa pagkakaalam ng publiko, ay ang young actor na si Joshua Garcia.

Naghiwalay ang dalawa noong 2019 matapos ang dalawang taong relasyon.

MARJORIE DISLIKED A GUY JULIA DATED

Sa isang punto ng challenge, tinanong ni Julia ang ina, “Have you ever disliked someone I dated?”

Mabilis na sagot ni Marjorie, “Yeah, of course. Okay, talagang nag-dislike ako, ah.”

Sundot ni Julia, “I know naman.”

Nadulas si Marjorie at sinabing ang idinate na ito ni Julia ay naging ex-boyfriend din ng anak.

“Kaya nga ex, di ba? That’s the reason why there’s an ex.”

Continue reading below ↓

Tila may pangamba si Julia na baka maisyu na naman siya dahil sa pahayag ng ina.

Ani Julia, “Okay. Hahaha! 'Tapos nasa… isyu na naman bukas.”

Sagot ni Marjorie, “Bakit kilala ba nila lahat ng ex mo?"

Paliwanag ni Julia, “Dalawa lang naman sila, e.”

Medyo nagulat si Marjorie: “Ah, dalawa lang ba? Sira-ulo ka. ‘Tapos maiisyu na naman ako niyan.”

Dugtong ni Julia, “Dalawa lang naman sila, so mamili sila sino dun.

“Pero yung isa di nila kilala. Di lang sila sure.”

BOYS ROMANTICALLY LINKED TO JULIA

Bukod kay Joshua, sino ang isa pang dating nakarelasyon ni Julia?

Noong 2014, na-link si Julia kay Julian Estrada, anak ni former Senator Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

Sina Julia at Julian ay magka-batch sa Star Magic Circle 2013.

Sa presscon ng pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig noong October 2014, inamin ni Julian na naging karelasyon niya noon si Julia, at nagtagal ng anim na buwan ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Pero itinanggi ito ni Julia at sinabing naging magkaibigan lang sila ni Julian.

Pagdating ng November 2014, inilahad ni Julian sa isang interview na nag-sorry siya kaagad kay Julia at ina nitong si Marjorie dahil sa nagawa niyang pag-amin tungkol sa kanilang nakaraan.

Sinabi ni Julian na tinanong siya ng aktres kung bakit sinabi ni Julian na naging magkarelasyon sila noon.

Sagot daw ni Julian kay Julia: "And I said, 'I just want to be honest and I don’t wanna lie.'”

Nag-sorry raw si Julian dahil nadawit ang pangalan ni Julia sa pagpo-promote ni Julian ng pelikula.

julia barretto ex-boyfriends

Continue reading below ↓

Noong 2015 ay na-link si Julia sa kapwa Kapamilya star na si James Reid.

November 2015 nang maisulat ang tungkol sa post ng isang netizen na nakita niya umano sa isang resto-bar sina Julia at James, kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Inakusahan ng netizen na nakita niya si James “kissing and flirting Julia Baretto that time.”

Nag-post noon si James at sinagot ang alegasyon ng netizen.

Sa reaksiyon ni James ay itinanggi niya ang alegasyong “nakikipagromansahan” siya kay Julia.

Sa kabila nito, itinanggi nina Julia at James na may namagitan sa kanila.

Noong Julya 2015 ay inamin din ng former Pinoy Big Brother 737 Kenzo Gutierrez na nagkaroon sila ng “thing” ni Julia noong first year high school pa lang sila.

Pahayag ni Kenzo sa rebelasyon niya sa PBB house: “First year high school, pero parang naging kami pero two months lang.

“Wala. Feeling ko, pag inisip ko ngayon, parang bata pa talaga kami noon.”

Continue reading below ↓

Nang matanong naman si Julia tungkol dito, nilinaw niyang hindi sila naging magkarelasyon ni Kenzo.

JULIA: WE’RE NOT LIARS

Sa paglalaro nina Julia at Marjorie ng lie-detector challenge, may mga pagkakataon daw na hindi umaakma sa sagot nila ang lie-detector machine toy.

“Hindi naman kasi tayo liars. Pero ito, liar, sigurong toy,” ani Julia.

Iminungkahi nga ni Marjorie kay Julia na subukan nilang magsinungaling para ma-test kung tumutugma ito sa laruan.

May hugot ang sagot ni Julia, “Liar na nga tingin sa atin. Wag na…”

Depensa ni Marjorie, “Oy, hindi ah. We’re not liars. We just don’t overshare our truths. That does not make you a liar.”

Sinegundahan naman ito ni Julia.

Sa kasalukuyan ay nali-link si Julia sa fellow ABS-CBN actor na si Gerald Anderson, pero wala pang direktang kumpirmasyon kung magkarelasyon na nga ba sila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto answers questions about her love life. She said that she only has two ex-boyfriends, even if there were around five guys romantically linked to her.
PHOTO/S: YouTube (Julia Barretto)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results