Bea Alonzo on John Lloyd Cruz: “Maybe I’m in love with the idea of what we are… parang di mo alam kung ano siya.”

by Jet Hitosis
Dec 21, 2020
Bea Alonzo on special relationship with longtime on-screen partner John Lloyd Cruz: “Yung relationship namin, lahat na napagdaanan; we were friends, we were enemies, we were almost lovers."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Inamin ni Bea Alonzo na espesyal ang namamagitan sa kanila ng longtime on-screen partner na si John Lloyd Cruz.

Nalagpasan na raw kasi nina Bea, 33, at John Lloyd, 37, ang “just romance” level sa relasyong mayroon sila.

Sa katunayan, ayon kay Bea, epektibo ang kanilang tambalan dahil siya ay “always in love” kay John Lloyd.

“I’m always in love with him,” sabi ni Bea nang tanungin siya ng dermatologist to celebrities na si Dr. Aivee Teo kung kahit minsan ba ay na-in love siya kay John Lloyd.

October nang gawin ang vlog ng dermatologist, pero nitong December 16 lang ito in-upload.

Patuloy ni Bea: “I feel like our partnership will never work if I was not in love with him.

“So, nandoon lagi yun.”

“I’M IN LOVE WITH THE IDEA OF WHAT WE ARE”

Ayon pa kay Bea, higit pa sa “romance” ang kung anumang namamagitan sa kanila ni John Lloyd, na loveteam partner niya simula noong 2002.

Continue reading below ↓

“Yung relationship namin, lahat na napagdaanan; we were friends, we were enemies, we were almost lovers,” ani Bea tungkol kay John Lloyd.

“Yung relationship namin, na-transcend niya na iyong level of just romance.

“Now, he’s more than just that to me. That’s the beauty of it.”

Paliwanag pa ni Bea, ang pagiging espesyal marahil ng relasyon nila ni John Lloyd ang dahilan kaya “in love” siya sa aktor.

“Maybe I’m also in love with the idea of what we are.”

Inusisa si Dr. Aivee kung ang ibig bang sabihin ni Bea sa “what we are” ay ang pagiging “couple” ng dalawa.

Paglilinaw ni Bea: “Parang hindi mo alam kung ano siya [relationship], and I’m in love with that idea.

“I know that we have the same amount of love and respect for each other.

“That’s why it’s very special to me.”

Parehong single ngayon sina Bea at John Lloyd.

July 2019 nang nakahiwalay ni Bea si Gerald Anderson.

Continue reading below ↓

August 2019 naman nang nag-break si John Lloyd at ang aktres na si Ellen Adarna. Mayroon silang two-year-old son, si Elias.

LOVETEAM PARTNERS SINCE 2002

Nang tanungin ng dermatologist kung may posibilidad na mauwi sa totohanang romantic relationship ang espesyal na pagtitinginan nina Bea at John Lloyd, inulit ng aktres na lagi niyang mamahalin ang ka-love team.

Gayunman, ani Bea, “Sometimes, love is not enough. There’s more to having a relationship than just love.”

Unang nagtambal sina Bea at John Lloyd sa ABS-CBN teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002.

Pumatok ang kanilang love team, na muling itinampok sa mga teleseryeng It Might Be You (2003), Ikaw Ang Lahat Sa Akin (2005), Maging Sino Ka Man (2006), I Love Betty La Fea (2009), at A Beautiful Affair (2012).

Sa pelikula, nagkatrabaho sina Bea at John Lloyd sa My First Romance (2003), Now That I Have You (2004), Close To You (2006), All About Love (2006), Miss You Like Crazy (2010), at The Mistress (2012).

Continue reading below ↓

Pero sa pelikulang One More Chance (2007) at sa sequel nitong A Second Chance (2015) pinakatinangkilik ng publiko ang kanilang love team.

Minsan na ring nabalita na nagkaroon ng romantic relationship sina Bea at John Lloyd, pero pareho nila itong itinanggi.

MOST SPECIAL AMONG BEA’S EXES

Sa vlog ni Dr. Aivee, natanong din ng dermatologist si Bea kung sino sa mga naging ex-boyfriends ng aktres ang may posibilidad na kanyang makabalikan.

Natatawang sinabi ni Bea na hindi siya ang tipong binabalikan ang mga dati niyang nakarelasyon.

“Isang beses lang ako bumalik, nagkamali pa ako!” tawa nang tawang sabi ni Bea.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang aktor na si Gerald, na una niyang nakarelasyon noong 2010.

Buwan lang ang itinagal ng relasyon noon nina Bea at Gerald.

Nagkabalikan sila noong 2016, na nauwi rin sa hiwalayan makalipas ang tatlong taon.

Bukod kay Gerald, nakarelasyon din ni Bea ang yumaong aktor na si Mico Palanca (2006-2008) at si Zanjoe Marudo (2011-2016).

Continue reading below ↓

Sa huli, sinagot din ni Bea ang tanong.

“My relationship with Zanjoe lasted for six years,” sabi ni Bea.

“Until now we’re good friends. I’m friends with the family.

“Kung pag-uusapan ay good memories, it has to be with him.”

Pero nilinaw ni Bea na hindi na tamang balikan pa ang mga dating karelasyon, kahit pa si Zanjoe.

“Pero huwag na tayong bumalik siguro!” natatawang ani Bea. “Let’s move forward.”

Sa parehong interview, inamin ni Bea na “currently dating” siya ngayon.

Ang 30-year-old actor na si Dominic Roque ang nali-link ngayon kay Bea.

Wala namang pag-amin dito mula kina Bea at Dominic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on special relationship with longtime on-screen partner John Lloyd Cruz: “Yung relationship namin, lahat na napagdaanan; we were friends, we were enemies, we were almost lovers."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results