Former PBB housemate Aldred Gatchalian receives COVID-19 vaccine

by Bernie V. Franco
Dec 22, 2020
Former Pinoy Big Brother Teen Season 1 housemate Aldred Gatchalian receives his first dose of COVID-19 vaccine. Aldred is now based in the U.S.
PHOTO/S: @aldredg on Instagram

Nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19 ang former Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 housemate na si Aldred Gatchalian.

Si Aldred, na dati ring ABS-CBN talent, ay nakabase na ngayon sa United States.

Ngayong Martes ng umaga, December 22, ipinost ni Aldred sa Instagram ang pagbakuna sa kanya ng unang dose ng vaccine—ang priming shot.

Inaasahan namang ia-administer sa kanya ang second shot, o booster shot, pagkalipas ng 21 araw, na required sa COVID-19 vaccine na Pfizer/BioNTech.

Caption ni Aldred: “Received my 1st dose of Pfizer/BioNTech COVID-19 Vaccine today at work.”

Sabi pa niya: “I will give you guys an update if I experience any adverse reactions.

“So far, it’s been great! [OK hand sign emoji]”

Ayon sa report, ang Pfizer/BioNTech vaccine ay may 95 percent effectiveness.

Aldred Gatchalian covid 19 vaccine

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ano ang trabaho ni Aldred sa U.S., pero hindi malayong nasa medical field ito.

Ka-batch ni Aldred sa PBB Teens sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Matapos ang kanyang voluntary exit sa PBB house, naging artista ng ABS-CBN si Aldred at nakagawa ng mga teleserye at mga pelikula.

Kabilang sa mga nilabasan niyang teleserye ay Crazy for You (2006), Abt Ur Luv (2006-2008), at Ysabella (2007-2008). Nakasama rin siya sa mga pelikulang My Big Love (2008) at Bente (2009).

Ngayong Disyembre, sinimulan na sa U.S. ang pag-a-administer ng COVID-19 vaccine. Inuuna muna ang selected healthcare workers at matatanda sa mga residential care.

Sa U.S. vaccination program, target ng First World country na mabakunahan ang 100 milyong katao pagsapit ng April 2021.

Bukod sa U.S., sinimulan na rin ang roll-out ng vaccine sa United Kingdom at Canada.

COVID VACCINE IN THE PHILIPPINES

Ang tanong ngayon ng marami: kailan magkakaroon ng COVID vaccine sa Pilipinas?

Continue reading below ↓

Sa kanyang speech kagabi, December 21, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pondo ang Pilipinas pambili ng vaccine, ayon na rin sa abiso ni Budget Secretary Wendel Avisado.

Nagbigay rin ng update si COVID-19 National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr. tungkol sa pagkuha ng vaccine ng Pilipinas.

Ani Galvez, umaasa silang may mako-close na kontrata ang gobyerno ngayong Disyembre para makakuha ng vaccine pagdating ng second at third quarters ng 2021.

Inaasahan daw ni Galvez na by December 28 o 29 ay mapirmahan na ang kontrata, kasama ang United Kingdom, para sa 20 million doses ng AstraZeneca vaccine.

Makakakuha rin daw ang AstraZeneca vaccine ng dagdag na 10 milyong doses para sa local government unit at private sector.

Sinabi ni Galvez na nakikipag-usap din sila sa Serum Institute of India, na nagsabing hindi sila hihingi ng cash advance oras na maging available ang kanilang vaccine.

Ang Serum Institute of India ang pinakamalaking vaccine producer sa mundo. Ito ang lumikha ng 40 million doses ng AstraZeneca vaccine.

Continue reading below ↓

Plano rin ng Serum Institute of India na simulan ang paggawa ng isa pang vaccine, ang Novavax, isang American brand.

Nag-commit ang Novavax ng 30 million doses sa Pilipinas.

Kung matutuloy ang pirmahan ngayong Disyembre, magkakaroon ng kabuuang 60 million doses ang Pilipinas para sa second at third quarters ng 2021.

DUTERTE: "PHILIPPINES DOES NOT HAVE THE CLOUT."

Nagsalita rin si Duterte kung bakit hindi prayoridad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng vaccine.

Saad niya, “The reason why we seem to be a second fiddle in these negotiations, where the acquisition of vaccine, parang second fiddle nga tayo…

“It’s because yung mga mayaman doon, pag ginagawa sa kanila ang vaccine, gaya ng Pfizer, uunahin talaga ang Amerika.

“There is no such available vaccine sa Pfizer [for the Philippines]. Wala silang maibigay, e, ginagamit nga sa Amerika, e, kinukuha.

“Yung sabi nila sobra nila ‘yan, pero that remains to be seen. Kung kailan maging sobra at kailan magbigay sa atin.

Continue reading below ↓

“Let us be clear on this: there is as yet no Pfizer vaccines available for the Philippines and for a long time. Wala pa.”

Dagdag niya, “Binabakunahan pa ang mga Amerikano lahat. Agawan sila ngayon sa Amerika, so that explains.

“So that explains ang sinasabi ni General Galvez, bakit ma-delay, kasi binibili ng mayaman na bayan.

“Tayo… well, wala man tayong masyadong ano…

“Pera lang natin. Pambili lang talaga. But we do not have the clout because we are not a rich nation.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother Teen Season 1 housemate Aldred Gatchalian receives his first dose of COVID-19 vaccine. Aldred is now based in the U.S.
PHOTO/S: @aldredg on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results