Maine Mendoza slams malicious post being linked to her; Maine's fans to the rescue

by Rachelle Siazon
Dec 22, 2020
Maine Mendoza on false information about a Facebook post that is being linked to her: "Wtf???? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!"
PHOTO/S: @mainedcm Instagram

Inalmahan ni Maine Mendoza ang maling pagkalat ng malisyosong post na inuugnay sa kanya ng mga taong walang magawang matino sa social media.

May ilang netizens ang nagparating kay Maine tungkol dito.

Nagulat si Maine at agad pinabulaanan na siya ang babaeng tinutukoy sa malisyosong post.

Tweet ni Maine ngayong Martes, December 22: "Wtf???? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!"


Continue reading below ↓

Naglagay pa siya ng crying emoji sa kanyang tweet, bilang tanda kung gaano siya kadismayado sa pangyayari.

Tila na-trace ni Maine ang babaeng tinutukoy na siya sa malisyosong post, at makikitang hindi nga ang actress-TV host iyon.

Diin pa ni Maine sa kanyang Twitter post (published as is): "It not me ok."

MALICIOUS POST NOW REMOVED ON FACEBOOK

To the rescue naman ang mga masugid na fans ni Maine na agad ni-report ang mga bastos na netizen na nag-post ng malisyosong post.

Wala pang isang oras mula nang mag-react si Maine sa Twitter ay natanggal na sa Facebook ang malisyosong post, pati na rin ang may-ari ng account na nag-post nito.

Umapela rin ang fans ni Maine na kung lumutang pa rin sa social media ang malisyosong post na iyon ay huwag nang i-repost pa ng iba.

Komento pa ng ibang fans, walang konsensiya at walang respeto sa babae ang sinumang may gawa ng kabalbalang iyon.

Continue reading below ↓

Marami rin ang nag-tweet na "PROTECT MAINE MENDOZA AT ALL COSTS."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza on false information about a Facebook post that is being linked to her: "Wtf???? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!"
PHOTO/S: @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results