Miss Manila bashed for calling Hipon Girl “iskwater”; clarifies it was scripted

by Bernie V. Franco
Dec 22, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon Hipon showdown
Miss Manila Alexandra Abdon (left) on banter with Hipon Girl (right) in Wowowin: “Napagutusan lang po. Just doing my job."
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)

Ang matinding batikos kayang natanggap ni Miss Manila Alexandra Abdon ang dahilan kung bakit siya nag-private ng social media accounts?

Hindi na naka-public ang Instagram at Facebook accounts ni Alexandra, na kandidata sa Miss Universe Philippines 2020 pageant noong Oktubre.

Kung pagbabasehan ang bashing, nag-ugat ito sa “showdown” nila ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa episode ng GMA-7 afternoon variety-game show na Wowowin: Tutok To Win.

Noong December 18 ay nagkaroon ng guest appearance si Alexandra sa Wowowin, at dito ay pinagharap sila ni Herlene.

Sa showdown, nagsagutan sina Alexandra at Herlene kung sino sa kanila ang mas maganda, mas sosyal, mas sexy, at mas angat.

Sa takbo ng diskurso, idiniin ni Alexandra ang pagiging “squammy” at “iskwater” ni Herlene.

Sagot ni Herlene, hindi niya ikinahihiya ang pagiging iskwater mula Antipolo, Rizal.

Ikinuwento rin ni Herlene na nakarating sa kanya ang pagtawag sa kanya ni Alexandra ng “iskwater” sa isang event na pinagsamahan nila kamakailan.

Continue reading below ↓

Nasasaktan pa rin daw si Herlene dahil sa tila pang-aalipusta sa kanyang pinanggalingan.

Sa pagtatapos ng episode, pinagkasundo ni Willie Revillame ang dalawa.

Gayunpaman, hindi rito nagtapos ang isyu dahil dito naman nagsimula ang batikos ng netizens kay Alexandra.

MISS MANILA SAYS BANTER WAS "SCRIPTED"

Sunud-sunod ang pamba-bash ng netizens si Alexandra dahil sa pagdidiin niyang "iskwater" si Herlene.

May comments na na-screenshot, at dito mababasang "napag-utusan" lang si Alexandra kung ano ang sasabihin sa Wowowin.

Tanong ng netizen (published as is): "ask ko lang baket ang baba ng tingin ng “ROLE” mo kuno sa isang taong squammy? Ganon ba dapat talaga?”

Tila ang tinutumbok na “role” dito ng netizen ay ang guest ni Alexandra sa Kapuso game show.

Sagot si Alexandra: “Napagutusan lang po. Just doing my job. [smiling face with heart emoji].”

Komento ng isa pang netizen, worth it daw ba ang kasiraang inaabot ngayon ni Alexandra “para sa kakarampot na binigay nila sayo?”

Continue reading below ↓

Dugtong ng netizen, sa susunod ay mag-isip muna si Alexandra dahil nasira siya nang husto at ang nakinabang daw rito ay ang programa ni Willie.

May isa ring netizen na nag-post ng screenshot ng direct messaging nila ni Alexandra.

Dito ay kinumpirma ni Alexandra na “scripted” ang bangayan nila ni Herlene sa programa.

Continue reading below ↓

Message ng supporter ni Alexandra: “bb? Diba scripted lang lahat sa wowowin? [Teary-eyed face emoji]

Response ni Alexandra: “Yes po! [smiling face emoji] Pero yung bash, hindi. Hehe.

“But issokay! Kilala nyo naman ako. [smiling face emoji]”

Isang netizen din ang nag-post ng video greeting nina Herlene at Alexandra, na makikitang masayang magkasama sa isang restaurant.

Continue reading below ↓

May petsa ang video ng December 21, 2020.

WILLIE ASKS NETIZENS TO STOP BASHING ALEXANDRA

Noong Lunes din sa Wowowin, nakiusap si Willie na itigil ang pambabatikos kay Alexandra.

Nagkaayos na raw sina Herlene at Alexandra matapos ang episode.

Paglilinaw ni Willie, “Iki-clear ko lang, si Hipon ho saka si Miss Manila, Hindi ho magkaaway 'yon. Nagkaayos na ho 'yon.

"Ganun lang ho naman. Nagkakabiruan sila pero ang akala… kawawa naman si Miss Manila, huwag niyo naman i-bash.

"Sa totoo lang, mabait na bata, e. Kumakain kami, tahimik siya.”

Nagpaliwanag din si Willie na matapos ang programa noong December 18, pinag-usap niya sina Alxandra at Herlene.

“Siyempre siguro maaaring nasaktan si Hipon, pero nagbibiro lang daw si Miss Manila.”

Ani Willie, huwag nang palakihin ang isyu na nag-viral pa raw.

Continue reading below ↓

Paliwanag din ng guest co-host ni Willie na si Sam Verzosa, may viewers na sineryoso ang pagtawag ni Alexandra kay Herlene na "iskwater," kaya’t binash si Miss Manila.

Pag-amin naman ni Willie, “Sineryoso talaga iyon ni Hipon, medyo napikon talaga si Hipon.

“Pinagsabihan ko siya, siguro nasaktan siya.”

Pinayuhan daw ng TV host si Herlene na huwag ilarawan o tawagin ang sarili na "squammy" o "iskwater," bagkus ay pagbutihin nitong maging mabuting tao.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon (left) on banter with Hipon Girl (right) in Wowowin: “Napagutusan lang po. Just doing my job."
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results